Senator Leila de Lima’s message to families affected by the Taal Volcano eruption

Our thoughts and prayers go out to the families in Batangas, Cavite, Laguna and nearby areas who are severely affected by the eruption of Taal Volcano.

Nananawagan tayo sa ating gobyerno at mga kapwa Pilipino: Ipaabot po sana natin ang mga tulong at ayudang kaya nating maipadala sa kanila-pagkain, tubig, gamot, at iba pang pangunahing pangangailangan-sa lalong madaling panahon.

Saludo po tayo sa mga kababayan nating nagkukusang-loob na magbukas-palad. Sa maliit man nilang paraan, napakalaki ng naipagkakaloob nilang lakas, galak at pag-asa para sa marami na bumangon at malampasan ang sakuna. Mula sa mga nag-aabang sa kalsada para magsaboy ng tubig sa marurumi at malalabong salamin ng sasakyan dulot ng abo para makaiwas sa disgrasya, sa mga namimigay ng libreng mask, sa mga simbahan at tanggapan na nagbukas ng pinto para matuluyan ng mga nagsilikas, hanggang sa mga volunteers at mga kawani ng ating pamahalaan na hindi alintana ang panganib sa pagresponde at pagsaklolo sa ating mga kababayan, maraming maraming salamat po sa inyong sakripisyo, pakikiramay at dedikasyon.

With calamities like typhoons, earthquakes and volcanic eruptions frequently happening in our country, I am reiterating my call for the passage of my proposed Senate Bill No. 1123, which seeks to provide a five-day special emergency leave for all workers in the public and private sector directly affected by natural disasters.

Malinaw naman po: Sa mga ganitong di-inaasahang pagkakataon, kinakailangan ng ating mga kababayan ang sapat na panahon upang tutukan ang kaligtasan ng pamilya, at kahit paano’y makapagsimulang makabangon mula sa anumang delubyo.

Please keep praying for our affected countrymen. Let us once again show our resilience as Filipinos and strengthen our faith to never waver during these challenging times.

Mag-ingat po tayong lahat…

(Sgd.) LEILA M. DE LIMA

PNP Custodial Center, Camp Crame