On the Anti-Terrorism Act
Q: Maraming nagtatanong tungkol sa iinasang anti-terror bill. Sa mga may apprehension po, ano po ang masasabi ninyo?
SP Sotto: Yung mga apprehensions na binabanggit, naririnig ko sa radio yung iba sa telebisyon, yung iba sa social media, karamihan ng apprehensions nila, wala doon. Karamihan mali ang iniisip. Yung iba naman, merong safeguard. May kasagutan, nandoon nakapaloob sa anti-terror bill. Una sa lahat, itong dating Human Security Act hindi natin inamend. We approved a new Anti-Terrorism Act, yun ang pinasa ng Senado na hopefully ay iadopt ng House. Mag approve sila on second reading or iapprove, iadopt nila yung version ng Senado, mas madadali yun.
Q: Ano yung magseserve as major assurance na hindi maaabuse ito?
SP Sotto: Sobrang safeguards yung nandoon, as a matter of fact yung mga amendments, pati hung mga amendments ng mga kasama natin, magagandang amendments, nakapasok lahat. Yung mga amendments nung dalawang sender na hindi bumoto, nakapasok lahat. Kaya nakapagtataka nga kung bait kumontra ka pa, eh lahat ng amendment mo, tinanggap, hindi ba? Ngayon, baka yung title talaga ang medyo hindi naintindihan nung iba. Bigyan natin ng magandang konteksto. Ano ba yung Human Security Act na pinasa nung 2007 12 years ago? Doon sa Human Security Act, there are only four instances where a terrorist can be prosecuted. There are 20 instances where the enforcer can be penalised for violation of the Human Security Act. Talagang yung Human Security Act natin dati na pinasa masyadong pabor sa terorista at tayo ang pinakamahinang Human Security Act or Anti-Terrorism Act na matuturingan sa buong Asia at palagay ko mas mahigit kalahati ng mundo or halos buong mundo, yung atin ang pinaka mahina pag dating sa terrorism kaya pag (unclear) naming in the last few years, sinasabi na namin sa kanila, pag hindi natin inaksyunan ito, talagang tayo ang magiging haven ng mga terrorista. At yan nakikita naman natin sa mga nangyayari sa atin, example yung nangyari sa Marawi. Hindi lang Marawi, naakaraming ilang beses nagkaroon ng mga bombing, patuloy yung mga bombings kung saan-saan, hindi lang sa Mindanao, meron sa Visayas, meron sa luzon, napakarami sa Mindanao. Pag hindi natin ginawa ito, magpapatuloy ang mga yan. In the last 12 years, in the Human Security Act, minsan lang nagkaroon ng prosecution ng isang terorista pero nagkalat ang terorista sa Mindanao, hindi ba? Meron ditong may cell sa Visayas, may cell sa Luzon. Alam ng intel yan pero hindi makagalaw. So talagang importanteng-importante yan, na ipasa namin yung Anti-Terrorism Act which is kumpleto na safeguards. Number one safeguard, kaya nagtataka ako sa mga nambibintang, doon sa 1083, terrorism una is defined by the United Nations Security Council definition. Doon tayo papasok. Walang ibang definition kungdi yun. Tapos, ano ang mga hindi kasama na binibintang ngayon ng ibang hindi naman nakakaintindi na baka daw sila ay gawing terrorist, not included. In definition of terrorism, it does not include advocacy, protest na mahilig sila, dissent, stoppage of work, industrial or mass action, ibig sabihin pati yung mga strike, and other exercise of civil and political rights. Hindi kasali yun, ang liwanag, does not include, hindi kasama yun. Yun ang pinaguusapan kaagad. paano raw kapag pinintasan ang gobyerno, nagsalita ng masama sa gobyerno, hindi. Hindi na, kasama sa terrorism lang conspiracy to commit terrorism, proposal to commit terrorism, inciting to commit terrorism, recruitment to a terrorist organization, membership in a terrorist organization, yun ang pinaka-key kaya pati foreign terrorist, pwede na nating hulihin dito sa batas na ito. Doon sa dati, wala, nagkalat sila. Kaya importanet dito, sino ang huhuliin, bakit ka matatakot, member ka ba ng terrorist organization? Hindi pala, ano ang ikakatakot mo? Ano ang pinoproblema mo. Ngayon, hinuli ka, napagbintangan kang member ng terrorist organization, automatic, nakalagay doon sa batas, ipapaalam sa hukuman. Ipapaalam kaagad sa korte na hawak ka nila, di ba? At bibigyan din ang CHR ng notice na hawak ka nila. Ano pa ang safeguard na gusto mo doon, di ba? Hindi naman ginagawa sa ibang (unclear).
Q: Yung (unclear) magkakaroon din ng exercise yung oversight function niya once na mafully implement na itong Anti-Terrorism Act?
SP Sotto: Oo, of course. Standing naman yung oversight function ng Senate in all the bills that we approve.
Q: Bukod sa binanggit ninyo na political dissent, hindi yan under acts of terrorism, ano po yung tingin ninyong common na misconception dito sa bagong anti-terror bill?
SP Sotto: Akala nila pag contra sa gobyerno pwede ng iclasiffy na terrorist, hindi. Gusto mo murahin mo ang gobyerno, morning, noon and night, hindi ka pwede pa rin, you do not fall under the category definition of the United Nations Security Council as a terrorist, then you are not. You will fall under the category of any of the Revised Penal Code crimes. Kunyari may rally, may rally, nagpoprotesta, merong isang nambato ng Molotov cocktail sa mga police, terrorist na yun? Hindi, kung hindi siya member ng terrorist organisation, hindi. Ano ang gaga win sa kana? Ano ang ichacharge sa kana? Eh di arson kung may sinunog siya or ay crime in the Revised Penal Code, di ba? Damage to property, or physical injuries, there are other crimes that a person can be charged, not terrorism. Unless you fall under the category defined in the law and defined by the United Nations Security Council definition.
Q: Kagabi po maganda yung naging discussion sa laman nung unang Bayanihan Act, yung compensation sa mga health care workers na namatay or nagkasakit (unclear) sa Covid-19, ano ang plano ng Senate?
SP Sotto: I already acted on the matter, I sent a letter just now and I will give you a copy of a very strongly worded letter to the DOH on why they have not implemented that part of the Bayanihan to Heal as One Act. Dapat yung mga nasaktan or nagkasakit na mga health workers at yung mga namatayan, more or less dapat kino-compensate na. Dapat noon pa lang, dapat inuna nila yun. Yung sagot kahapon nung sinasagot kay Sonny Angara, na sinasabi kasi daw hinihintay yung IRR, huwag ninyo kaming gagamitan ng palusot ng IRR, sinabi ko rin sa sulat ko yun kay Sec. Duque. Huwag ninyong gagamitin yun, sapagkat pag pinasa yung batas, batas yun. Hindi sinabi na kailangan may IRR muna bago ipatupad yung batas. Huwag nilang gagamitin sa amin yung palusot na walang IRR, kailangan implement nila agad yan. Ang dami-daming pondong hawak nila.
Q: Tingin ninyo talagang nakaligtaan lang ng DOH or part yan ng systemic na problema sa leadership po ngayon?
SP Sotto: Well, your guess is as good as mine. I don’t know what answer they will give but the answer we got yesterday was that. It’s definitely unacceptable. The answer is unacceptable. They have to do it today.
Q: Are you aware of any family of health care workers na namatay or nagkasakit sa Covid-19 a nag demand ng compensation sa gobyerno pero hindi nabigyan dahil nga walang IRR?
SP Sotto: Wala, hindi ako aware kung merong nagsalita ng ganoon but may mga nagtanong na yata kay Senator Lacson kaya niya pinick-up yung issue.
Q: Last day of session natin today. What can you expect to happen po today?
SP Sotto: Well, as early as this morning or around 10AM I was informed that my directive yesterday was already carried out, which is lahat ng amendments na sinubmit kagabi soon sa Bayanihan II, ay naincorporate na at nabigyan na ng kopya ang bawat Senador. So what will happen today at 1:30PM is that we will go into the period of amendments, and go through kung meron pang gagawin or hindi. Kung hindi, ipapasa namin and then we can approve it on second reading. And then we will wait for the word if the President or the Palace will certify it as an urgent measure. If so, then we will pass it on third reading within the day. If not we will probably have to wait until we get a final word on how to go about it because meron gang sinasabi namin, baka hindi narerealize nung iba, na pagka yung ganitong klaseng powers binigay mo sa Presidente, pag nag-adjourn ang Congress, adjourn na rin yung batas. So by June 5, adjourn yun. Kaya kailangan ipasa namin ito because this will be anew law. By the way, I would like to correct the impression, we are not passing an extension of Bayanihan I, no. We are passing a new law, Bayanihan II. And then later, ratification in case kung ang Anti-Terror Act ay approve na ng House, we might ratify it, kung in approve nils or we will just place it, we will take note of their approval or adoption and then I will make sure that it becomes an enrolled bill and as soon as I get a cpu I will sign it and send it to the President. Tapos yung mga iba mga sponsorship na sa July na or sa August na itatake up.
Q: Nakausap ninyo na po ba ang Malacanang kung ano ang plano nila? Are they inclined to certify this bill as urgent?
SP Sotto: I think they wanted to read it first so they were also given a copy this morning. We’ll have word after they go through it, in a few hours.
Q: How about sa House?
SP Sotto: Merong usapan, kausap ni Speaker Alan Cayetano si Pia and Senator Angara I think na more or less hindi masyadong magkalayo yung aming version so either or baka iadopt yung version ng Senate.
Q: What are the chances na mag special session pa until Friday or even next week, kasi sa House may resolution to extend the session daw po until June 11 nest week?
SP Sotto: Yung pagtawag ng special session, medyo debatable as far as the Constitution is concerned sapagkat pag adjourned sine die, ang break namin, it is mandated in the constitution that says we cannot hold sessions 30 days before the next regular session which is July 27. Pero yung 30 days, nakalagay din soon, does not include weekends and holidays. So pag cinompute mo yun, ang computation namin the latest namin na pwede laming mag session is June 8, merong computation na June 11, dahil meron yatang hindi taming computation ng holiday, but then again to play safe it must be the last is June 8. Therefore an extension is possible, but our calendar says June 5. Pwedeng mag extend siguro ng isang araw, baka like for example, June 4. June 5 itself, medyo doubtful as far as the Senate is concerned. Ngayon, both Houses are given the leeway without each others’ permission, we are both given the leeway to cut or extend by three days na walang kailangang paalaman sa isa’t-isa. In other words, kung kami ay adjourned ng June 5, hanggang June 8, pwede sila ng hindi sila magpapaalam sa amin. Ganoon din kami kung gusto naming mag extend ng June 5 or pwede laming nag adjourn na hung June 2 kahit (unclear) magpaalam sa kanila. That’s what the Constitution says. So yung special session, very doubtful. Although siguro merong magdedebate diyan, sasabihin na hindi meron kaming nakalagay doon sa special session na the President can call it anytime, what do we mean by anytime?
Q: Sinuspend ng ating government for six months yung termination ng Visiting Forces Agreement, makatutulong ba ito considering yung situation natin na may crisis?
SP Sotto: Wala namang sinabing, depende yan what do you mean by sinuspend for six months? Basta alam ko sinuspend. Hinold bale yung (unclear) abrogation, yun ang pagkakaalam ko. So sa akin personally, and perhaps majority of the members of the Senate, it’s a good eventuality sapagkat hindi tayo nangangamba na yung sting VFA at saka madadamay yung Mutual Defense Treaty at yung iba pang konetkado dito ay matitigil na. But then the pending issue in the Supreme Court which is the petition we filed in the Supreme Court, remains. We ares till asking the Supreme Court whether an abrogation of the Executive Department must have the concurrence of the Senate, the concurring body. So nandoon pa rin yung question na yun, hindi matatapos yun, tuloy pa rin yun. But ako, natutuwa ako na nagkaroon ng ganyan para hindi na tayo nagiisip pa ng additional na problema.
Q: So mas maganda siguro na habang sinuspend ng gobyerno natin yung termination, mag rule na yung Supreme Court para at least kung itutuloy pa rin at uphold yung power or authority ng Senate, at least dada an sa inyo yung (unclear)?
SP Sotto: Tama. Mas maganda yun, maganda tuloy pa rin na magkaroon kami ng desisyon ng Supreme Court tungkol dito.
Q: Sa ayuda, marami pong nagtatanong, sabi po kasi continuation na lang siya ng second tranche, so ang makakareceive po ba ng ayuda, kung sino rin yung nakareceive na 18 million Filipinos nung first tranche?
SP Sotto: 18 million families, continuation yun tapes additional 5 million families na middle income.
Q: Pero wala po siya sa bill yung 5 million additional?
SP Sotto: Diskarte na lang ng Executive Department yun kasi ano yun, sa tingin nila kailangan din.
Q: Bukod sa 18 million families and then 5 million middle income wala pa po soon yung OFW, students, freelancers, yung mga dinagdag pa po?
SP Sotto: Ang pagkakaalam ko, yung 18 million families meron doong mganakapaloob, nakapaloob doon yung mga 4Ps. Nakapaloob doon yung sa DOLE, nandoon din, kasam sa 18 million families sa kanila. Kung mga OFW, eh pwedeng diskarte na ng Executive Department yan lalo na ng DOLE, ng OWWA, ng POEA, na tulungan sila. At kami naman, hindi kami kokontra doon.
Q: Pero definitely yung second tranche na sinasabi kung sino yung nakatanggap na 18 million families last time, sila din po yun?
SP Sotto: Oo, sila din yun.
Q: Medyo naguguluhan yung iba. Paano daw kung nakareceive na sila ng SAP na P8,000 pero kunyari daw po dito sa Bayanihan II meron pong ayuda para sa estudante, kung kailangan din po nung anak nila na public student, mabibigyan din po ba yun? Bale dalawang klaseng ayuda? Ore one ayuda per family lang dapat?
SP Sotto: Hindi, iba pa yun. Kung pang matrikula, kung may ibibigay ang gobyerno, ibigay din. Hindi porke nabigyan ka na ay hindi ka na qualified doon sa pang matrikula.
Q: So pwedeng dalawang klaseng ayuda?
SP Sotto: Pwede, kaya nga naghahagilap ang gobyerno ng mas malaking pondo. Kaya ang una nga nating target akala natin sa P245 billion kakayanin, hindi. Lumalabas, P353 billion na yung nagagamit ng gobyerno at ginagamit ng gobyerno dahil hindi pa naman nabibigay lahat. Kaya itong additional na pinaguusapan namin, conservative na yung additional dito sa Bayanihan II. Either P130 or P140 billion lang ang talagang sa tingin ng Senado or ng Committee on Finance, ay yun ang dapat although iba yung version ng House, medyo mas malaki yung sa House, lahat ng sektor gustong bigyan ng HOR ng funding. Medyo baka hindi kayanin yun ng gobyerno. Department of Finance naman, sila yung nagcoconservative. Baka magkasundo-sundo kami sa P140 billion. Tingnan natin mamaya.
Q: Wala na yung P236 billion standby fund na nakalagay sa Bayanihan II?
SP Sotto: Nagamit na nila yun at ginagamit pa.
Q: I mean yung Bayanihan II.
SP Sotto: Depende sa amendment mamaya. Hindi ko masasagot ng deretsahan yan.
Q: Tatapusin sa second reading, pero pag cinertify bigla, diretso third reading?
SP Sotto: Yes, oo.
Q: Kahit abutin ng madaling araw basta tatapusin?
SP Sotto: Oo.
Q: Pwede pong magbicam kahit naka adjourn sine die?
SP Sotto: Hindi. Oras na nag adjoun sine die.
Q: Unless identical yung bill?
SP Sotto: Hindi na kailangan ng bicam.
Q: Pero hindi identical yung bill di ba?
SP Sotto: Sa ngayon hindi.