Consolidated press briefing January 25, 2021

PRESS BRIEFING OF PRESIDENTIAL SPOKESPERSON HARRY ROQUE

JANUARY 25, 2021 (12:06 P.M. – 1:26 P.M)

 

SEC. ROQUE: Narito po tayo ngayon sa Samal Island, Davao del Norte kung saan mamaya ay magkakaroon po ng regular Talk to the People ang ating President galing po sa Davao City.

Bumisita po ang Pangulo sa Kuta Heneral Bautista Headquarters sa Jolo, Sulu noong Biyernes, a-bente dos ng Enero. Nais ng Pangulo ang complete decommissioning ng Huey helicopters ng Philippine Air Force matapos ang insidente sa Bukidnon kung saan bumagsak ang isang UH1H helicopter.

Nagpahayag ang Commander-in-Chief na gusto niyang bumili ng anim hanggang pitong bagong helicopters para sa ating Hukbong Himpapawid.

Kinilala rin ni Presidente ang kabayanihan ng ating mga sundalo at pinarangalan ang dalawampu’t tatlong sundalo ng Order of Lapu-Lapu with the Rank of Kamagi. Sinabi rin ng Pangulo na kasama sa unang libreng mababakunahan kontra coronavirus ang pamilya ng mga uniformed personnel.

Pumunta naman po tayo sa naging pagdinig ng Senado tungkol sa vaccination noong Biyernes. Ito ang ilan sa mga mahahalagang puntong lumabas:

  • Muling inulit po ni Secretary Galvez, ang ating Vaccine Czar, na ang COVID-19 vaccines na bibilhin gagamitin ang pondo ng pamahalaan ay pipiliin ng Vaccine Expert Panel, at ang bakuna na manggagaling sa vaccine manufacturers na makakakuha ng Emergency Use Authorization ang gagamitin para eligible recipients.
  • Hindi normal ang panahon ngayon po ‘no, lahat ng bakunang kontra-virus ay minadaling ma-develop. Gayun pa man, sabi ng mga eksperto, mas malaki ang benepisyong makukuha sa bakuna kaysa sa aberyang maidudulot nito.
  • Dagdag pa ng National Task Force [garble] ng bakuna ay isasapubliko matapos pirmahan ang supply agreements.
  • Subject to supply, sabi ni Secretary Galvez na mababakunahan ang lahat ng health workers sa loob ng isang buwan. At dahil karamihan [garbled] ng third quarter at fourth quarter ngayong taon, inaasahan ang massive inoculation sa mga ganoong panahon, at inaasahan matatapos ang pagbabakuna sa first quarter ng 2022.
  • Ayon din po sa ating Vaccine Czar, kailangang magpasa ng indemnification law na magbibigay-tulong sa mga nabakunahan kung sakaling magkaroon ng adverse effects pagkatapos mabakunahan. Ito po ay dahil mayroon lang po nga tayong Emergency Use Authorization at wala pa pong General Use Authorization.

Pumunta naman po tayo sa balitang IATF. Inaprubahan ng inyong IATF ang rekumendasyon na i-relax ang age-based restriction sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine simula a-uno ng Pebrero 2021.

Ayon sa IATF Resolution # 5, iyong mga nasa below 10 years old at iyong mga nasa over 65 years old ay mananatili pa rin sa kanilang mga bahay – homeliners kumbaga. Samantala, ang mga lokal na pamahalaan ay hinihikayat na i-adopt ang parehas na relaxation of age-based restrictions sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine gaya po ng Metro Manila at dito po sa Davao Region.

Mamaya ay makakasama natin po si DTI Secretary Mon Lopez para ipaliwanag kung bakit ito ang naging desisyon ng IATF. Unanimous naman po ang naging desisyon ng IATF kung saan inaprubahan itong relaxation ng age limitations.

Naratipikahan [off mic] vaccination plan for COVID-19 na magsisilbing gabay sa mga vaccination implementers katulad ng LGUs.

Ang kahilingan naman po ng Professional Regulation Commission na magsagawa ng licensure examinations para sa professionals na naka-schedule sa Enero hanggang Marso ng taong ito ay inaprubahan din ng inyong IATF.

Samantala, inamyendahan po ng IATF ang kanilang unang resolution, IATF Resolution # [unclear] tungkol sa lahat ng banyagang biyahero na kasama sa travel restrictions dahil sa bagong COVID-19 variants by specifying those exempted tulad ng foreign nationals na mayroong valid visas, kasama ang ng mga personnel ng accredited international organizations ‘no at asawa at mga anak na menor de edad ng Filipino citizens na kasama nilang bumiyahe – dapat kasama po iyong Pilipino.

As a general rule ‘no, ito po malinaw: Bawal pa rin ang lahat ng mga banyaga na manggagaling sa tatlumpu’t limang bansang may travel restrictions hanggang katapusan po ng buwan. Sa mga dumating dahil sa medical at emergency [garbled] pati na ang medical escorts kung mayroon, ay sasailalim na ngayon sa applicable testing and quarantine protocols as described by the Department of Health.

Alam ninyo po ang bagong protocols ay pagdating – PCR; pag-negative – quarantine; sa panlimang araw – PCR; pagnegatibo – iendorso po sila sa kanilang mga LGU kung saan dapat sila ay mag-quarantine pa rin para makumpleto ang 14-day quarantine. Iyon po ang [garbled] sa mga darating na mga Pilipino sa mga lugar na mayroong new variant. Para sa mga detalye, mangyaring bisitahin ang website or Facebook ng Bureau of Immigration.

Pagdating naman po sa testing at quarantine protocols para sa mga [off mic] bansa kung saan mayroong travel restrictions dahil sa new COVID-19 variants, ang mga pasaherong ito ay iti-test pagdating at ika-quarantine hanggang makuha ang resulta ng subsequent test na ina-administer sa ikalimang araw.

Ngayon po, iyong mga iti-test sa airport, nakipag-ugnayan na po ang ating gobyerno na ang first test, pupuwedeng Philippine Red Cross, ang subsequent test ay iyong PAL testing center po. Mandatory pa rin po ang 14-day quarantine ha. Kung dati absolute base facility, kapag negatibo sa pangalawang swab test, puwede ang lokal na pamahalaan na destinasyon ng pasahero ang magmu-monitor ng remainder ng 14-day quarantine. Mga LGUs, naku, kinakailangan po natin ng tulong dahil kung hindi makukumpleto ang 14-day quarantine ay baka kumalat po itong bagong COVID-19 variant.

Makakasama po natin mamaya si DOH Undersecretary Vergeire para bigyan-detalye ang mga health protocols na ito.

Kasama rin na-amend po ang sections na may kinalaman sa hotels or accommodation establishments on the Omnibus guidelines on the implementation of community quarantine in the Philippines na minungkahi ng Department of Tourism. Naglabas ang DOH ng isang kautusan, Administrative Order # 2021-0005, ito ang National Strategic Policy Framework for COVID-19 Vaccine Deployment and Immunization. Ang nilalaman ng nasabing framework ay ang mga sumusunod:

  • Una, ang planning coordination kung saan ang inyong IATF ang magiging national coordinating committee, samantalang ang COVID-19 vaccine cluster na nasa ilalim ng NTF ang tatayong national technical working group.

Kasama sa gagawin ng COVID-19 vaccine cluster ay ang mga sumusunod:

      • Scientific evaluation and selection;
      • diplomatic engagement ang negotiation;
      • procurement and finance;
      • cold-chain and logistics;
      • immunization program;
      • and, demand generation and communications.

  • Pangalawa, financing and funding mechanism kung saan ang budget at funding para sa COVID-19 vaccine ay ma-integrate sa national budgets ng implementing agencies kung kinakailangan. Ang ibang funding methods at mechanisms tulad ng multilateral development bank arrangements, local bank facilitated loans and advanced market commitments ay dapat i-explore.

  • Pangatlo, identification of eligible population kung saan babakunahan ang most at risk at most vulnerable na populasyon. Kabilang dito po ang mga sumusunod: Ang mga frontline health workers, ang ating senior citizens, ang indigent population, ang uniformed personnel at ang kanilang kapamilya, persons with comorbidities, and vulnerable population group – kasama po ako doon.

  • Pang-apat, cold-chain supply and healthcare waste management system kung saan kinukonsidera sa cold-chain and logistics plan ang mga bakunang nangangailangan ng ultra-cold storage temperature – negative 70. Dalawa lang naman po iyang bakuna na kinakailangan ng ultra-cold storage, ang Pfizer at ang Moderna. At pagtukoy sa practical interventions tulad ng pagkuha ng logistics service providers para ma-deploy ang [unclear] equipment at mapabilis ang facilitation ng vaccine transportation.

Ito naman po iyong nga task groups na napaloob sa administrative order:

  • Ang COVID-19 Vaccine Cluster
  • Ang Task Force on Vaccine Evaluation and Selection
  • Ang Task Group on Diplomatic Engagement and Negotiation
  • Task Force on COVID-19 Vaccination Procurement and Financing
  • At ang Task Group on Cold-Chain and Logistics Management,
  • Task Group on COVID-19 Immunization Program
  • Task Group on COVID-19 Immunization Program
  • Task Group on Demand Generation and Communications
  • National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) on COVID-19 Vaccine,
  • At National Adverse Effects Following Immunization Committee na pinangungunahan po ng ating suki, Dr. Lulu Bravo.

Dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Pero bago po tayo pumunta sa mga tanong ng Malacañang Press Corps, pakinggan po natin ang maikling mensahe galing po kay DTI Secretary Mon Lopez. Kasi po ang DTI at ang economic cluster ang nag-move para po maamyendahan ang age restriction kung saan ngayon nga po, ang sampu hanggang 65 years old ay pupuwede nang lumabas.

At kasama rin po natin si DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire para naman po madinig talaga iyong mga health protocols, iyong bagong health protocols para sa mga Pilipino at mga dayuhan na galing doon sa mga bansang mayroon ng [new] COVID-19 variant.

So, Secretary Lopez, sir, paki-detalye po kung ano iyong mga naging argumento ng economic cluster na pinamumunuan ng DTI at saka ng NEDA na naging basehan para mapayagan na po ang mga sampu hanggang 65 years old na lumabas ng kanilang mga tahanan. Secretary Lopez, the floor is yours.

SEC. LOPEZ:  [OFF MIC] Usec. Rosette, sa inyo pong lahat, magandang tanghali po!

Ito pong discussion sa IATF ay inendorso ko ang pagpapaluwag sa restriction lalo na ho pagdating sa edad, ibaba ang age restriction from fifteen years old to ten years old provided kasama ang magulang dahil ang unang-una po, ang kailangan po talaga ay ma-revive iyong recovery ng ating ekonomiya, ma-stimulate ang demand.

Kung maaalala po ninyo last year, we started to reopen iyong economy, nagbukas po ang maraming sectors, pati iyong operating capacity nadagdagan po mga binuksan. Una, nag-umpisa tayo sa 30%, 50% operating capacity hanggang sa pinayagan na ng karamihan ng sektor from 50% up to 100% operating capacity. Makita natin sa mga tindahan, unti-unting mga nagbukasan.

Subalit nakikita natin na ang taong nakakalabas ay limitado dahil may restriction pa rin sa edad. Alam naman natin na anyone below 15 years old dati at saka above sixty, unang-una, sixty years old ay pini-prevent pong makalabas except kung emergency at may mga importanteng gagawin o bibilhin. Later on naluwagan po ito to fifteen years old up to sixty five years old. So, very limited pa rin and restricted a major part of the market kaya ho limited pa ring lumalabas at dahil dito limited pa rin ang mga naging negosyo, ang mga bentahan.

If you look at the numbers, gumanda naman po nang kaunti ang mga GDP numbers natin, ang mga unemployment, iyong minus 16.5 naging minus 11.5 sa GDP; ang unemployment – lumala from 5% na magandang level natin before pandemic lumala sa 17.7 – bumaba na rin diyan sa 10% at bumaba na sa 8.7 pero malayo pa rin doon sa 5%, ‘no, so ilang milyon pa rin ang hindi nakakabalik sa trabaho.

Ang worry natin kapag tuluyang mahina ang benta ng mga maraming tindahan, ang epekto rin po nito ay magsasara at nanganganib na naman iyong displacement, mawalan ng trabaho ang ating mga workers, ang ating mga kababayan, baka ma-displace. Siyempre, magka-cut ng branches iyan. Maraming nag-cut ng branches, iyong mga famous fast food, alam natin nag-cut iyan ng more than 100 branches at marami pa hong nagsasara na branches, iyong mga tindahan. So, ang panganib po natin, kahit nagri-recover na iyong ekonomiya sana, may signs of recovery, malayo pa rin tayo doon sa pre-COVID levels.

And ito naman ang magandang balanse na nakita natin: We were opening the economy last year, especially from August to December, nakita po natin na gumaganda na, nakakabalik iyong benta. Ang numbers po coming from 20% noong from height noong lockdown, 20% of pre-COVID levels, umaakyat unti-unti hanggang umabot na sila sa 70-80% of pre-COVID levels. So, gumaganda na up to November and yet ang atin pong COVID cases, kung naaalala ninyo dati 4,000/day, bumababa ito sa 2,000/day.

So, it just shows na mukhang natagpuan natin iyong magandang mixture, magandang balance na as long as nagri-reopen ang economy at nagko-comply ang ating mga kababayan, whether sa trabaho or doon sa mga nasa labas po, nagko-comply sa minimum health protocol ay talaga hong malaking tulong ho sa pagpapababa ng COVID cases.

So, ito po ay isang magandang, I guess, formula and balancing the economy, iyong livelihood at iyong protecting lives. So, we believed po na as the numbers continue to improve, remember po na pinostpone natin iyong mga iba pang easing of restriction dahil nanganganib. Iyong sabi natin, worried tayo noong December na baka lumala ang situation, magkaroon ng surge noong Christmas, noong New Year, sa dami ng reunions, pero noong inobserbahan pa nitong January may kaunting surge.

Hindi naman po malaking pagsipa ng COVID cases, kaya ho it increases naman iyong confidence natin na as long as, again, ituloy natin itong compliance to health restriction, I think the economy should be supported naman at unti-unti tayong mag-ease ng restriction. It’s about time na after long many months of lockdown ay tayo naman po ay mag-unti-unting magbubukas pa ng ibang sector ng economy. This time around, dito naman po sa demand side, which is iyong mga pinapayagang lumabas.

Ang prinsipyo po nito ay para ho—kasi ho ang expenditure lalo na ho sa mga commercial areas kapag accounted po ang family expenditure, kapag pamilya po ang lumalabas, they account for about 30% to 50% of the sales ng mga let’s say restaurants o iyong mga ibang tindahan. They account for a big part nitong mga benta ho, kaya ho napaka-importante na as a family ay mapayagan naman po silang lumabas.

Isa rin pong dahilan iyon na at least mafri-free-up din iyong mga restrictions pagdating sa—iyong mga pamilya kasi minsan iyong parents hindi na makalabas din lalo na kung hindi nila maiwan iyong mga bata sa bahay, gusto nilang maisama. So, iyo po iyong isang malaking reason na kung bakit kailangan hong ituloy natin iyong gradual po, gradual and safe easing of restriction, pagpapaluwag po.

Again, ang importante ho, hindi ho lumuluwag iyong compliance sa health protocol. Iyan po ang susi na nakita natin para unti-unting mag-reopen tayo safely, gradually na hindi lumalala iyong COVID cases. Susubukan ho natin iyong sa age naman po ang ating luluwagan.

So, iyon Spox Harry ang major discussions po natin sa IATF.

SEC. ROQUE:   Maraming salamat, Secretary Lopez. At ako po ang magpapatunay na in-approve naman po ang resolusyon na iyan unanimously po ng IATF. Wala pong objections. Sir, may isang tanong lang po ano. Ito ay paulit-ulit nang naitanong sa akin. Eh, kung pinapayagan na raw mag-mall ang mga kabataan, bakit hindi sila papayagang mag-face-to-face na eskuwelahan?

SEC. LOPEZ:   Ah okay. You know, importante naman din iyong sa eskuwelahan pero hindi po ito—it’s not about iyong pagpili between iyong sa pag-mall or pag-eskuwelahan. Actually ho, ang pagpili nito base ho talaga sa intensity noong interaction ng mga kabataan. Imadyinin po natin iyong intensity ng interaction kapag nasa eskuwelahan iyong bata, tabi-tabi ang mga mag-aaral, ang mga estudyante, constant interaction, mas hindi po natin mabantayan at alam ninyo po, they spend so many hours in that kind of environment. So, mas mahirap po mas hindi protektahan and iyong compliance sa minimum health protocol baka mas manganib, mas delikado po. So, imagine magkakasama sila for seven hours more or less.

So, iyon po iyong big danger po noong face-to-face. Pero dito naman sa kabila, iyong kaya ho iyong easing of age restriction, this is really more for family bonding. So, hindi man sa eskuwelahan pero ito iyong family bonding na magkakasama ho iyong magulang at iyong kabataan. Remember, ano po ito, kasama ho sa pagluwag sa age restriction, require po natin na kasama iyong magulang nila at sila iyong lalabas na hindi masyadong intense ang activity – either kakain lamang or mamimili nang kaunti tapos uuwi na rin iyan eh. Ang importante ho magkakasama iyong buong pamilya at nagpapalakas pa sila ng ekonomiya. Again, they account for 30% – 50% ng spending po, ng iyong pagbenta po kapag nasa labas po, ano, ang pamilya. So, iyon po ang consideration.

Isa pa pong consideration is dito po sa talaan ng mga economic, iyong GDP growth at iyong epekto po ng pandemic. In other words, marami ho ang naapektuhan, bumaba ang GDP, negative. Philippines po ang may pinakamababa, na ang pinakamadiin na decline, pinakamalalim na decline sa ating GDP growth. Kaya ho nangangamba rin ang Pilipinas, imadyinin ninyo po tayo iyong second fastest growing na economy bago ho mag-pandemic, ngayon tayo iyong pinaka nasa ilalim.

So, kailangan ho talagang pag-isipan natin itong kaunting pagluwag. Kaunti naman at dahan-dahan dahil po eventually kapag nagtuluy-tuloy iyong mahinang ekonomiya at iyong poverty, kagutuman, iyong hunger, nandiyan na iyong poverty manatili sa atin at maraming hindi magtrabaho, nandiyan na, konektado na iyan sa malnutrition. Kapag malnourish ang bata, konektado na rin sa education, iyong intelligence ng kabataan at magba-backfire din po sa health situation po natin. May ibang health problem po tayo in the future, kaya ho talagang napakaganda talagang—sana maibalik na rin ang economic recovery po natin. Thank you.

SEC. ROQUE: Well, harinawa, Secretary Lopez, itong pagpayag na lumabas ang mga 10 to 65 ay maging dahilan para hindi na tayo ang pinakamalaking bagsak ng ekonomiya at ‘di umano pinakamabagal din na magri-recover. Ito po ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon tayo ng tinatawag na family bubble ‘no sa mga malls.

Puntahan naman po natin si Usec. Vergeire. Ma’am, kanina po dinetalye ko iyong mga health protocols ng DOH

at mayroon pa ba ho tayong maidadagdag dito sa mga DOH protocols para doon sa mga manggagaling ng mga lugar na mayroong new variants ng COVID-19. The floor is yours, Usec. Vergeire.

DOH USEC. VERGEIRE: Magandang hapon po, Secretary Harry Roque. And good afternoon to Secretary Mon Lopez. Ngayong araw po, magbibigay ho sana kami ng updates ng variants but because of the time limitations yata, I will just explain the protocols that were issued in the latest IATF resolution.

Iyon pong IATF resolution, sinabi na po at napagkasunduan ng ating mga core principals ng IATF na ang bago ho nating protocols sa lahat po ng mga kababayan nating uuwi and those that are allowed including na hindi naman Pilipino, iyong kasama doon po sa resolution ay kailangan pong mag-undergo ng test initially at the airport and then they have to quarantine. Paglabas po noong test na ginawang iyon, whatever the results would be, if they are positive, they are transferred to an isolation facility; if they are negative, they continue to do the quarantine. And on the 5th day of the quarantine period, they get to be tested again.

Kapag sila po ay positibo doon sa 5th day na iyon, ita-transfer sa isolation facility. Kung sila naman po ay negatibo, iha-handover po sila sa local government nila to let them continue their quarantine period in their locality.

So ang hiling lang nga po ng national government na their strict compliance to the mandatory 14-day quarantine period, makumpleto po ng ating mga kababayan na papayagang makauwi doon sa kanilang specific locality.

SEC. ROQUE: Ma’am, naputol po kayo. Anyway ma’am, I think we have time naman ‘no. Ano po iyong bagong update ninyo tungkol doon sa COVID-19 new variant?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, sir. Gusto lang ho namin magpakita noong update doon sa contact tracing na naisagawa na para dito sa variants. Mabilis lang po.

So for the 1,154 samples sequence from the latest strands sa Philippine Genome Center, iyong last week po, we were able to identify as you all know, 16 additional cases with the B.1.1.7 variant or the UK variant. This is aside from the case that we have from Dubai, bringing the total to 17. These 16 additional cases were: 2 returning overseas Filipinos from Lebanon on the same flight; 13 from the Cordillera Administrative Region; and a case from Calamba City, Laguna.

First, our 2 returning overseas Filipinos are females aged 47 and 64. They arrived in Manila from Lebanon via PAL PR 8661 last December 29. They were tested and quarantined. When their results came back positive, they were placed in a facility for isolation. They have finished the mandated isolation and were discharged last January 9 and 13 respectively. One returning overseas Filipino went home to Leon, Iloilo. The other ROF went home to Binangonan, Rizal as indicated in her details but we are still verifying this.

The other 14 cases were traced to 3 different municipalities. First, are 12 cases from Bontoc, Mountain Province – 7 were males, there were 3 aged less than 18 years and 3 aged more than 60 years old; 11 came from just one barangay. The earliest date of illness among all of these cases was on December 31; 3 remain admitted while others have completed their isolation.

We also have a 22-year-old male from La Trinidad, Benguet who was tested last January 7. He is asymptomatic and remains to be isolated in a Benguet temporary treatment and monitoring facility.

The last is a 23-year-old who was tested last December 10 and had already been discharged from isolation. He is from Region IV-A and we are following up on his contact details and the other contacts that he had been with.

So take note that based on the latest available data, our case from Calamba City is not linked to cases from La Trinidad or Bontoc. We are still verifying if there is a link between the La Trinidad case to the Bontoc cases.

So in this table, we would like to show the contact tracing done by the local government officials together with the DOH of the 12 cases of this UK variant. They identified 144 close contacts for these 12 cases. We can see on this table that our UK variant cases were linked to each other and their exposure occurred at their household, in workplaces and in public places in the community. Eight of the UK variant cases were identified as close contacts of the 4 other UK variant cases. There were 34 other confirmed cases among the close contacts of this UK variant cases. We are now securing the samples of these 34 positive cases for sequencing at the UP-Philippine Genome Center.

And our ongoing response activities – the lockdown in Bontoc was recommended that it be extended for another 2 weeks. There is further investigation of cases to see if there are linkages among these cases. But initially, we were already able to identify 3 clusters of infection involving all of these contacts who turned positive and these 3 clusters had linkages with each other. So the contact tracing among all of these 16 new UK variant cases are ongoing and we will be providing information in the coming days.

That’s all, Mr. Secretary. Thank you very much.

SEC. ROQUE: Oo. Ma’am, tanong lang po ‘no, dahil ako’y taga-Baguio ‘no. Ito ba hong kaso ng Bontoc at La Trinidad eh nanggaling doon sa eroplano ng Emirates o ito po ay community acquired? Mayroon na ba ho tayong alam kung saan nanggaling?

 

DOH USEC. VERGEIRE: Ito po ay bini-verify pa lang, Mr. Secretary, ‘no at atin pong alam na mayroon lang tayong umuwing kababayan noong December 13 at siya po ay nakabalik sa Bontoc Province on December 14. He had celebrations with his family and the other members of the community on December 25 and on the 26th he attended a ritual for their religious beliefs with other members of the community as well. On December 29, he started feeling symptoms and in the succeeding days, all the other members who are close contacts experienced symptoms also. So iyon pa lang ho ang alam natin sa ngayon, atin pang bini-verify talaga ang original source of infection.

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Usec. Vergeire. Nananawagan po ako sa ating mga kapatid diyan sa Bontoc ‘no, kung nakasama ninyo po iyong galing sa abroad na kababayan ninyo na ngayon po ay kumpirmadong nagkasakit, sana po kayo ay maging homeliners, mag-isolate na po kayo at kung mayroon po kayong nararamdaman na symptoms ay agarang pumunta sa pinakamalapit na DOH para kayo po ay mag-test.

Huwag na po kayong makihalubilo sa iba dahil alam ninyo naman po ‘no, ang Bontoc dati kakaunti lang ang kaso at kaya pa rin po nating ma-isolate ito ‘no. Hindi naman ibig sabihin na dapat kumalat ito kung tayo po ay mag-a-isolate na ngayon.

So puntahan na po natin ngayon ang open forum natin with the members of the Malacañang Press Corps; Usec. Rocky for our initial questions. And of course, si Secretary Lopez and Usec. Vergeire are with us for the open forum. Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Yes. Thank you, Secretary Roque. Good afternoon, Secretary Lopez and Usec. Vergeire. Question from Celerina Monte of Manila Shimbun: Ano po ang likelihood na ie-extend uli ang travel restrictions sa mga bansa na may new COVID-19 variants?

SEC. ROQUE: Well, I think that is a decision to be made by the IATF as a whole ‘no. Pero ngayon po mayroon na tayong bagong health protocols ‘no na sinusunod, na iyong first day PCR test at saka iyong 5th day PCR pero kinakailangan kumpletuhin pa rin ang 14-day. So I would say that is a hopeful signal na baka naman po ay hindi na masyado pa tatagal itong travel ban sa 35 countries. But Usec. Vergeire, perhaps you can add to what I said.

DOH USEC. VERGEIRE: No more, sir. I was just going to say that pag-uusapan po iyan sa IATF.

USEC. IGNACIO: Second question po ni Celerina Monte: Clarification daw po on exemptions sa travel restrictions. Iyon daw pong foreign spouse and/or minor children, dapat bang kasama nila sa travel iyong asawang Pilipino o puwede namang hindi basta may valid visa sila? Halimbawa, nandito sa Pilipinas ang asawang Pilipino, nagkataong naabutan ng travel restriction ang foreigner na asawa while abroad, puwede ba sila makapasok ng Pilipinas?

SEC. ROQUE: Well, as worded po iyong resolution, dapat kasama po iyong asawang Pilipina at hindi nga lang po dapat kasama pa iyong asawang Pilipina para sa dayuhang esposo, eh kinakailangan mayroon pa pong valid entry visa.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang third question po niya: Iyong foreign businessmen/workers na may valid visa, can they enter in the Philippines?

SEC. ROQUE: Lilinawin ko lang po ah – ang pupuwedeng pumasok ay iyong mga may valid visas na mga dayuhan na hindi manggagaling sa 35 countries na mayroong new variant. So kung kayo po’y galing doon sa 35 countries na iyan, hindi pa rin po kayo makakapasok maski pa mayroon na kayong visa.

Ulitin ko lang po, ang mga pupuwedeng valid visas ay iyong Section 13 CAC13, 13A, B, C, D, E at G, iyong RA 7919 visa, EO 324 visa, native born visa, iyong temporary resident visa relative to Section 13 of CA 613, iyong MCL 07021 permanent visa based on Section 13A of CA 613, EO 226 visa, special investors residents visa, 47 A2 visa, Section 9D of CA at saka siyempre iyong mga visas issued ng mga economic zone gaya po ng Aurora Pacific Economic Zone, Subic Bay Metropolitan Authority, Authority of Freeport Area of Bataan – AFAB, Cagayan Economic Zone at Clark Development Corporation ‘no. Pero kinakailangan po hindi kayo manggagaling sa 35 countries na mayroong new variant at hindi pa rin po allowed ang mga dayuhang turista.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Lopez, iyon daw pong foreign businessmen/workers na may valid visa, can they enter in the Philippines?

SEC. ROQUE: Secretary Lopez? Although actually I answered that already ‘no. Go ahead, Secretary Lopez.

DTI SEC. LOPEZ: Oo. Just in addition lang doon sa in-explain ni Secretary Harry. Dito ho sa huling meeting din po ng IATF, sa pagkaalala ko ay makakapagbigay po ng exemption doon po sa talagang importante or kailangan sa business. Hihingi lang po ng exemption doon sa mga relevant agency at mabibigyan din sila ng permission ho to enter.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary Lopez.

SEC. ROQUE: Thank you, Secretary Lopez. Pia Rañada, please.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Hi, Sec. You said earlier sir that the President promised iyong families po ng soldiers na namatay doon sa plane crash a vaccine. Sir, we express condolences to these families but is it tantamount to families skipping the line and what happened to the government prioritization if the President were to continue doing this ‘no, giving vaccines to whoever he wants?

SEC. ROQUE: Well, I think hindi naman po nababago ‘no. Ang ini-expand lang niya ay kasama iyong mga kapamilya noong mga kasundaluhan and that’s out of recognition na on the part of the President na talagang importante po ang papel na ginagalawan o ginagampan ng ating mga men in uniform because theirs is the maintenance of peace and order in our society.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Sir, just to clarify, if he wasn’t referring to just the families of the soldiers who died in the plane crash but to all families of all soldiers in the Philippines?

SEC. ROQUE: I believe that is what the President said ‘no. As to how this will be implemented, it would still be up to the IATF.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Is there an idea of where in the prioritization sila? Kasi, sir, ‘di ba 5th iyong uniformed personnel so does that make them the 6th in line?

SEC. ROQUE: Ah hindi ko pa po sigurado ‘no but as I said, I leave that to the IATF to operationalize ‘no. Pero huwag naman po kayong mag-alala kasi sa ating initial list, 24 million ang ating babakunahan ‘no. If at all, siguro madadagdagan po ito ng mga two million if there are three members of a family of the men in uniform ‘no. At sobra-sobra naman po iyong inaasahan na nating dadating na bakuna by the second or third quarter of the year.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Yes, sir. What does it say in the process of prioritization if the President can just say in a speech that, “Oh I want to give these families a vaccine,” and yet wala namang meeting by the IATF? Ano iyon, final na ba iyon just because the President says so or does the IATF have to discuss it and then—

SEC. ROQUE: The IATF—executive power is well defined under the Constitution, Pia ‘no, and of course the IATF is advisory in nature, they recommend to the President but the IATF decisions are in fact implemented because of the President’s actions and pronouncements.

PIA RAÑADA/RAPPLER: So, sir, does the IATF agree that families of soldiers who many of them may not have co-morbidities, many of them may not be elderly or even in poverty? Do they deserve more prioritization say than people who have co-morbidities or others?

SEC. ROQUE: I don’t think I need to answer that kasi nasagot ko na po ‘no. It is the IATF that will operationalize what the President said, so antayin po muna natin ang sasabihin ng IATF.

PIA RAÑADA/RAPPLER: Lastly na lang, sir, for you and then I hope I can ask si Secretary Mon—

SEC. ROQUE: Okay, thank you very much, Pia. You’ve already asked five questions, Pia. I’m so sorry ‘no. Siguro mamaya po kung may panahon pa tayo for second round. But back to Usec. Rocky, please.

USEC. IGNACIO: Yes. Thank you, Secretary Roque. Question from Rose Novenario of Hataw, for Secretary Roque and Secretary Lopez: Ano daw po ang mga hakbang na gagawin ng gobyerno upang maibsan ang kalbaryo ng publiko sa napakataas na presyo ng mga bilihin? May napanagot na bang mga mapagsamantalang kapitalista?

SEC. ROQUE: Well, dalawa po iyong sangay ng ating gobyerno na nagpapatupad po noong mga hakbang na ginagawa ng gobyerno para mapababa ang mga presyo ng bilihin. Pagdating po sa pagkain, ang DA po noong huling pagbi-briefing natin, napakahaba po noong mga gagawin nila kasama na po diyan iyong pagmu-monitor, iyong pagpapa-implement ng suggested retail price, iyong pag-aangkat ng mga—lalung-lalo na ng baboy galing po sa Visayas at Mindanao, iyong pagpapalawig po noong tinatawag nating importations covered by MDP, iyong mga Kadiwa Centers – iyan po’y ilan sa mga hakbang na gagawin.

But perhaps Sec. Lopez on the part of your department, ano po iyong mga hakbang na gagawin ninyo para mapababa ang presyo ng mga bilihin?

DTI SEC. LOPEZ: If I may add, Sec. Harry, tama po iyon. Ang importante ho kasi, this is really a matter of supply and demand eh pagdating ho sa mga agricultural products covered by DA. So it’s really important na talagang madagdagan iyong supply na nasa market, nasa palengke po ‘no. Kaya ho ang DA as reported ay marami pong mga hakbangin para talagang madagdagan iyong supply lalo na itong produkto ng hogs or pork products na talagang nagkulang dahil nga po sa sakit ng ASF na last year pa at noong isang taon pa nagsimula na. At nabalitaan ninyo iyong pag-increase ng importation plans nila para lang makadagdag sa supply locally. At ganoon din po iyong mga tinamaan noong bagyo, naapektuhan din iyong supply.

Maliban diyan, nagkasunduan po ang DA, DTI, magtutulungan sa pag-monitor ng presyo at kasama rin po ang MMDA lalo na dito po sa Metro Manila rin, ang mga Metro Manila mayors, na magtulungan pagdating ho sa pag-monitor at pakikipag-usap doon sa mga supply chain nitong mga nasa palengke na produkto. In other words, kausap po diyan, kakausapin po diyan ay iyong nga nasa market master, iyong mga namamahala ng mga bawat palengke, iyong mga biyahero na nagpapasok ng produkto at iyong mga nagsu-supply naman mula sa farmgate, pati kasama na iyong traders in between.

So, isa rin pong palalakasin iyong Local Price Coordinating Council sa pamamagitan po nitong mga DA, DTI at mga LGUs kasama po ang DILG.

Another move po is that we will, in fact, have a meeting later on, iyong economic intelligence group din para ho makasama rin natin ang ibang mga sangay ng gobyerno that can really look beyond iyong what we see in the market. In other words, intelligence work when it comes to the activities between the farmgate at saka iyong sa palengke, iyong mga traders in between, iyong warehouse, iyong mga nag-iimbak diyan na mga nagpipigil ng supply para tumaas ang presyo, iyan po ang susunod na pagtutuunan ng pansin.

USEC. IGNACIO: Opo. Question from Evelyn Quiroz ng Pilipino Mirror for Secretary Roque: You were quoted to have said that if you could choose, you would get vaccinated with the vaccines developed by Chinese firms. Would you care to expound on your preference?

SEC. ROQUE: Personal na decision lang po iyan ‘no, kasi nakausap na po natin si Dr. Lulu Bravo, nakausap na natin si Dr. Solante. Ang sabi po nila, as far as the platform is concerned, iyong inactivated daw po, iyong patay na virus ay ginagamit na for the past 260 years. So, sa tingin ko po, I would feel comfortable na iyong platform na ginagamit, na ang ibabakuna sa akin, ay tried and tested for 260 years.

Pero, uulitin ko po, lahat ng bakuna na mabibigyan ng EUA ay mayroon pong opinyon, hindi lang po isa, hindi lang dalawa kung hindi tatlong mga grupo na ekspertong nagsasabi, ligtas iyan at epektibo.

USEC. IGNACIO: Question for Secretary Ramon Lopez from Evelyn Quiroz pa rin po: The Department of Trade and Industry said, it would push for a shift to the more relaxed Modified General Community Quarantine or MGCQ for Metro Manila by February, if the trend in COVID-19 cases improves. Given the rising numbers of COVID cases, are you still recommending a shift from GCQ to MGCQ?

DTI SEC. LOPEZ: Sinabi naman po natin na titingnan natin iyong mga numero. Iyon naman hong pagtsi-change ng classification, nababase naman sa mga data na niri-review po ng IATF. At sinabi ko po na kung gaganda, patuloy na pagganda—kasi kung titingnan natin iyong comparison hindi lamang nitong December, January kung hindi compared to where we came from ‘no, iyong 4,000 a day, ngayon ay kung nagtu-two thousand tayo or even below two thousand a day ay dapat iku-consider natin iyong unti-unting pagbubukas.

Subalit kung ako ang tatanungin ninyo rin, even at GCQ at tayo naman ay nagluluwag sa merkado, iyong sinabi nating easing of age restriction at iyong mga sektor naman ay ina-allow nating mag-operate ay tingin ko po ay nakakatulong na rin po sa ekonomiya iyon; makakatulong din po iyan sa pagbangon ng ating ekonomiya. Ang importante po talaga ngayon ay risk management. Iyong mag-a-allow tayo ng konting risk pero kalkulado. At kung based on trending naman na na-explain natin kanina, sa pagri-reopen natin noong nakaraan na taon ay bumababa iyong COVID cases, generally speaking from August to December, ibig sabihin, we’re doing the right thing; nandiyan po iyong tamang formula natin na dahan-dahang pagbubukas para talagang unti-unting magbalik ang sigla ng ating ekonomiya na napakalakas po dati.

So iyon po at saka tayo po sa IATF, ayaw naman nating magkaroon ng surge. At unang-una rin po tayo, may mga system’s alert tayo na kapag may surge ay talagang puwede naman nating baguhin iyong restriction level kaya po ayaw rin naman nating magkaroon ng surge na magkakaroon ng malawakang lockdown. I think iyong granular lockdown na approach natin is really working for us at generally working on continuous easing of restriction.

USEC. IGNACIO: Opo. Last question po ni Evelyn Quiroz para po kay Usec. Vergeire: The Department of Health reported 1,949 new COVID-19 cases yesterday, bringing the total number of confirmed cases in the country to 513,619. Given the rising numbers of COVID cases, will the Department of Health now recommend a total lockdown?

DOH USEC. VERGEIRE: Thank you, Usec. Rocky. So katulad po ng sinabi ni Secretary Mon Lopez, tayo po ay may pinagbabasehan kung bakit at saka kailan nagdidesisyon ang ating IATF para tayo ay magkaroon ng lockdown. Ang lagi pong sinasabi ng mga eksperto and based on evidence, specific area cannot remain to be in lockdown forever because there are a lot of repercussions.

So tayo po ay binabase natin sa healthcare utilization rate at sa numero ng kaso. So, sa ngayon po kapag tiningnan natin, hindi pa naman ho nagkakaroon ng senyales para magkaroon ng lockdown. Katulad po ng sinabi ni Secretary Mon, mukhang nagwo-work naman po sa atin iyong granular lockdowns, iyong mga localized lockdowns na sinasagawa natin para naman po hindi masyadong magkaroon ng burden ang ating ekonomiya.

So we will continue to implement this until that time when the parameters would tell us and dictate that we should have another form of strict restriction.

SEC. ROQUE: Okay. Thank you very much, Usec. Vergeire and Usec. Rocky. Puntahan na naman natin ngayon si Joseph Morong of GMA.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Hi, sir! Good afternoon. Good afternoon, Secretary Mon at saka Usec. Vergeire. My first question would be for Secretary Mon. Hi, sir! Good afternoon.

DTI SEC. LOPEZ: Good afternoon po.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Hi, sir! How are you?

Sir, in the past, when we were discussing re-opening the economy, you always said that iyong center of activity – I think si Secretary Dominguez also mentioned – iyong center of activity natin, economic activity would be NCR and CALABARZON. Iyon po bang pagri-relax ng age restrictions ay mas makakatulong in re-opening the economy sa NCR at saka sa CALABARZON? Meaning, kaya ba iyan, sir, sa NCR and CALABARZON?

DTI SEC. LOPEZ:  Well, we will have to talk to the LGUs, magkakaroon din kami ng meeting to explain itong move na ito dahil dito ho sa ginawang polisiya ng IATF, is iyong pagbaba ng age restriction to 10 years old is only for the MGCQ areas. Pero may statement po tayo doon na we allow the LGUs to determine iyong age na kakayanin nilang ibaba, luwagan, base sa COVID situation ng kani-kanilang mga lugar.

Subali’t ang ating advice nga po is that unit-unting i-consider talaga itong pagri-relax, lalo na in the areas na under GCQ nga, ang NCR at ibang probinsiya sa Region IV-A na they account for almost siguro thirty to fifty percent of the economy rin kahit kaunting lugar lang ito, kaya ho napakaimportante rin na pati dito ay medyo luwagan nang kaunti.

You know, sabi ko nga, last year we were doing it right eh parang iyong unti-unting pagri-relax na as long as compliant ang taumbayan, kahit anong age iyan, kahit anong community classification. To me, ano po iyan, safe po, unti-unting lumalabas, safe po basta ho mag-comply diyan. At saka walang physical distancing, in fact, kapag nasa commercial centers, mas nababantayan pa sila kasi may mga health marshals ngayon diyan na nagpapaalala na may distancing dapat, magkakalayo, etc.

So kung titingnan natin, mas mamu-monitor sila kapag nasa ganiyang lugar. So kaya ho, talagang dapat i-consider naman itong mga ganitong pagluluwag dahil kung gumaganda naman iyong numero natin. So iyon naman iyong sa atin diyan para talagang progressive din tayo at makabangon kaagad.

JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, in other words, if it were up to the DTI, you would want the Metro Manila mayors to also relax their age restrictions?

DTI SEC. LOPEZ: Ay, opo, siyempre po. At saka iyong mindset po na talagang—and talking to the mayors, sila rin po ay may mindset na sinasabi nila na gusto rin nilang makabangon ang ekonomiya dahil tumatama rin sa kanila ito in terms of tax revenues ng mga businesses doon sa kani-kanilang mga lugar. So ngayon ay nararamdaman po nila na napakaliit ng revenues dahil nga po sa maraming nagsara at mga nag-lockdown.

So, hindi naman talaga uubra na hindi na tayo gagalaw dito kaya ho talagang unti-unti ho talagang pinag-aaralan naman iyan at closely and jointly ano ho tayo diyan… working with LGUs lalo na po dito sa mga Metro Manila mayors na ka-meeting ho natin madalas.

JOSEPH MORONG/GMA 7:   Did I get you correctly – gusto rin nila, sir? And then noon pong nag-decide kayo noong Friday—

SEC. LOPEZ:   Excuse me, I don’t want to speak for them, Joseph. I’m not saying na gusto rin nila, ang sinasabi ko, ‘yung mind set din po ay gusto rin nilang magkaroon ng economic recovery pero siyempre on the other hand binabalanse nila. Worried din sila na ayaw nilang biglang ma-challenge iyong health system capacity or biglang dumami uli iyong cases kaya ho talagang binabalanse ho nila iyon. Iyon naman ang sinasabi sa amin, hindi naman po sila against sa easing restriction per se, gusto lang ho talaga nilang mag-ingat.

JOSEPH MORONG/GMA 7:   Sir, noong nag-decide kayo noong Friday, iyong UK variant is already found in the Philippines, hindi po ba tayo nagwo-worry about it?

SEC. LOPEZ:   Opo. Again, with the compliance to the health protocol, iyon po ang belief natin eh na kung maingat po at saka if this is something that will promote family bonding, makalabas na iyong mga—and the social aspect, social development ng mga kabataan together with the parents family bonding na rin, parang tingin natin worth it subukan itong easing of restriction carefully as long again, compliant. Kasi na-prove natin in the past that with reopening hindi naman nag-surge. Iyon ang inaano natin, with reopening, hindi po automatic nagsu-surge ang kaso, again, basta ho compliant to the health protocol.

JOSEPH MORONG/GMA 7:   Sir, can I go to Usec. Vergeire, please? Ma’am, pasensiya na medyo compound question, ‘no. Given the characteristics po of the UK variant, we have cases thus far north as Bontoc and then as far as south as probably Calamba. Ang ibig ninyo bang sabihin ay kumakalat iyong UK variant sa ating bansa at ano pong magiging epekto niyan given the characteristics of the UK variant kapag pinalabas po natin iyong 10 to 15 na population? And if you can mention, Secretary Lopez, Usec. Vergeire, ilan ba iyang 10 to 15 na iyan in terms of population number?

USEC. VERGEIRE:   Well, first I’d like to say na wala tayong definite ngayon. Katulad ng sinasabi namin, pinag-aaralan nating maigi. Kung matatandaan po natin, ito pong huling batch ng samples natin were mostly coming from the Cordillera Administrative Region because initially, we did convenience sampling, it was not really getting from all regions but only those who were able to submit to us.

And fortunately enough, the Cordillera Administrative Region through Baguio Medical Center, they have this biobanking. So, they’re old specimens who were positive were also sent to us that’s why we were able to detect these positive individuals for the variants.

So, it doesn’t really say na—we cannot say that it is already conclusive, that the variances are here and existing just because we got one from the south and from the north. We still need further evidence and that is what we are going to get because for this coming run, we were able to get samples across the region. So, we will be able to determine if really, based from how we have collected the specimens now which is more rational and equally distributed, we will see if there are existing variants across the country.

Now, how it’s going to affect? Actually, when we talk about the variants, wala po siyang pinipili na age. Wala rin pong nabago sa kaniyang mode of transmission although we know that the younger age group are part of the vulnerable group and we also know that three of this twelve who were affected by the variant in Bontoc Province were of the younger age group.

And so, iyon lang po, kailangan lagi tayong may caution when we talk about children. So we are trying to encourage local government and of course our public na kailangan talaga po iyong compliance to minimum public health standards. And if—this is just really for the MGCQ areas but for the higher risk classification naman po pag-uusapan pa ng local chief executives if appropriate sa kanilang area or not. Again, we go back to the authority of local governments to implement this kind of protocols.

JOSEPH MORONG/GMA 7:   But from a management perspective, ma’am, hindi ba tayo mahihirapan na i-control iyong pandemic if we have more people outside especially in GCQ areas?

USEC. VERGEIRE:   Well, that is the case ‘no, kasama iyan sa mga factors na laging tinitingnan. Pag-uusapan po iyan sa IATF, but again we say that IATF core principals would be deliberating on this based from the evidences at hand, so hintayin po natin ang pag-uusap ng IATF.

JOSEPH MORONG/GMA 7:   Secretary Roque, can I go to you, just one quick question?

SEC. ROQUE:   Yes, please.

JOSEPH MORONG/GMA 7:   Hi, sir! Good afternoon! I understand may speech si Presidente tonight but we’re also ending at least iyong community quarantine classification next week—I mean Sunday. So, do we expect Friday announcement from the President and iyon po bang sa age relaxation is that set-in stone or can the President will he revert to 15 years old?

SEC. ROQUE:   Well, wala pa po tayong nalalaman tungkol diyan because we cannot of course second guess the President pero para sa mga quarantine classification, ang alam ko po hindi pa kami nagmi-meeting sa IATF tungkol dito pero hindi naman po problema iyan because we can always meet and we can always announce the recommendation with the permission of the President gaya noong nangyari po noong minsan na talagang subject to appeal pa eh inanunsyo ng Presidente. So, hindi naman po problema iyan and we don’t see any—

JOSEPH MORONG/GMA 7:   So, we can still—

SEC. ROQUE:   — drastic change naman po in classification on a nationwide basis. Patuloy po iyong ginagawa natin na if there will be changes in classification it would be localized.

JOSEPH MORONG/GMA 7:   But will he revert to fifteen years old if ever?

SEC. ROQUE:   I don’t know po because I cannot second guess po kung anong sasabihin mamaya ng ating Presidente.

JOSEPH MORONG/GMA 7:   All right, sir.  Thank you for your time, Secretary Mon. Usec. Vergeire, thank you for your time po.

SEC. ROQUE:   Just to add, Joseph. We have to recognize iyong achievement ng ating taumbayan. Bagama’t marami pa po tayong kaso, we have gone down from number nineteen to twenty worldwide in terms of cases. We have remained for the past weeks to be number 32 worldwide. Sana po magpatuloy at sana po bumaba pa ang mga kaso nang sa susunod na mga darating na araw baka umabot pa tayo ng fifty. Sana po.

Okay, back to Usec. Rocky.

USEC. IGNACIO:   Secretary Roque, salamat po! Question from Kris Jose ng Remate/Remate Online para po kay Spox Roque and Secretary Lopez daw po: Reaksiyon po sa rekomendasyon ng Department of Agriculture kay Pangulong Duterte na magpatupad ng P270 hanggang P300 na price freeze sa mga karne ng baboy sa merkado ito ay kasunod na rin po ng pagsirit ng presyo nito dahil sa African Swine Fever?

SEC. ROQUE:   Well, sa akin po that is a recommendation made for the President and I trust the President will make the right decision.

Secretary Lopez?

SEC. LOPEZ:   Yes. Thank you, Sec. Harry. We leave it to the President, there’s a recommendation made already by the Department of Agriculture.

USEC. IGNACIO:   Opo. Question from Jam Punzalan of ABS-CBN: China has authorized its Coast Guard to fire at foreign vessels and demolish the structures that other countries built in Beijing claimed reefs. How will this impact our foreign policy, Secretary Roque?

Secretary Roque?

SEC. LOPEZ:   Nag-hang yata, hindi gumagalaw eh.

USEC. IGNACIO:   Secretary Roque, can you hear me? Secretary Roque?

Nawala si Secretary Roque, siguro—

[TECHNICAL DIFFICULTIES]

JOSEPH MORONG/GMA 7:   Questions siguro muna natin sa iba.

USEC. IGNACIO:   Oo, kaya lang hindi ko alam kasi kung naka-live tayo. Anyway, Secretary… siguro kay Sec. Mon, may tanong dito galling SMNI: Irerekomenda daw po ng Department of agriculture kay Pangulong Duterte na magpatupad na nga ng price freeze sa karneng baboy at manok pero kasunod ng pagtaas ng presyo nito—Ayan, I think nandiyan na po si Secretary Roque ba?

 

SEC. ROQUE: Okay. Oo, thank you Usec. Rocky. As I said ‘no, habang mayroon pong kapangyarihan ang bansa dahil siya ay soberenya na magpasa ng batas na iiral sa kaniyang teritoryo, iyang mga batas pong iyan ay kinakailangan sumunod pa rin sa mga obligasyon sang-ayon sa UN Convention on the Law of the Sea kung saan kasapi po ang Tsina.

At under international law po ‘no, general international law, iyong paggamit po ng dahas ay generally prohibited except for two well-defined exceptions by way of self-defense at kinakailangan po mayroong sending of armed troops into the territory of China at kinakailangan ang paggamit po ng dahas ay necessary at proportional, at when authorized by the UN Security Council.

Sana po walang gagawin ang kahit anong bansa dito sa usaping West Philippine Sea na magpapalala pa po ng sitwasyon. At ang deklarasyong po ng ating Presidente, tapusin na po natin iyong Code of Conduct at lahat po sana ng mga claimants sa West Philippines Sea ay sumunod doon sa Code of Conduct.

USEC. IGNACIO: Opo. Ang second question po ni Jam Punzalan ng ABS-CBN: Lieutenant General Antonio Parlade recently said the New People’s Army is recruiting members in 18 schools including the Far Eastern University, De La Salle University, University of Sto. Tomas and the Ateneo De Manila University. Does Malacañang agree with this assessment? Why or why not and how we will ensure that students in these red-tagged schools are not put in danger?

 

SEC. ROQUE: Jam, I suggest you ask General Parlade because siya ang nagdeklara diyan. We have no access to information to confirm or deny what he said. Better get the opinion of General Parlade.

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary.

SEC. ROQUE: Okay. Punta tayo kay Triciah please, Trish of CNN.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Hi sir, good afternoon. Sir, doon lang po sa issue ng red-tagging ‘no, on this post of the AFP saying some of the students who have become NPA, died or captured. I’m asking this sir because we’re wondering if there is some sort of a communication plan, an overall communication plan in the government about how the government should deal public and publicly naming red-tagged people. Does the Palace or the government realized the danger imposes on the lives of innocent people? And, may way po ba sir that Malacañang can step in to fix this sort of communication problem because as I understand Secretary Lorenzana apologized in behalf of the AFP? How can we avoid these circumstances sir na kumbaga the damage has been done eh, possibly, the lives of these people could be in danger now since they were named? How can Malacañang help prevent these kinds of situation po?

SEC. ROQUE: Well Trish as I said, that the statement of the AFP Spokesperson. Obviously, I have no authority to speak for him, I only have authority to speak for the President. Secretary Lorenzana has apologized for mistakes, let’s leave it at that. But there is no overall communication plan on red-tagging. We leave that to the Defense establishment, sila po iyan.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: But sir, is there some sort of a plan, maybe an advice or I don’t know, maybe tell them something on how they can deal with these things para po maiwasan?

SEC. ROQUE: Out of my jurisdiction. I can only speak for the President ‘no. So I can only suggest that they be more prudent para hindi na po napapa-apologize ang ating Secretary of National Defense.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Sir, dito lang po sa huling speech ni Pangulo, it’s quite long pero iyong part na babanggitin ko lang sir. Na-mention niya po kasi, “At saka kaming lahat na karamihan ng mga kaklase ko, sa ka-batch ko, classmate ko apat ang patay kasi matanda na. Kaya rin ako takot baka kasali na ako doon sa mag-expire sa aming Class ’72 sa College of Law, namatay eh diretso. So iyan pasensiya na kayo, I have to inject something.” Just a clarification, sir, did the President mean that he was already vaccinated or does he mean that kaya po niya gustong mapabakunahan iyong mga sundalo or their families?

SEC. ROQUE: Sa common meaning po ng mga ginamit na salita ng Presidente, wala po siyang sinabing tapos na siya magpabakuna. Ang sinabi po niya, gusto niyang mabakunahan at ito po iyong konteksto noong naunang sinabi ng Presidente: “Of course sure,” handa siyang mauna na mabakunahan not only because he is President but also because he forms part of the priority group of the elderly.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Thank you so much, Spox. Spox, just a few questions for Usec. Vergeire and Secretary Lopez po?

 SEC. ROQUE: Go ahead, please.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: To Usec. Vergeire or to Secretary Lopez. Since approved na po itong saliva test po natin ano, how will this be used po? Will this be used in conjunction with the PCR test or can this be used, for example, sa workplaces or for example sa mga lilipad po sa mga airlines as an alternative already to the PCR test?

DOH USEC. VERGEIRE: Secretary, if I may respond sir?

SEC. ROQUE:  Go please, Usec. Vergeire.

DOH USEC. VERGEIRE: Yes. Thank you, Secretary Roque. Iyon pong saliva – as alternative specimen ang tawag po diyan – ay naaprubahan na po last week ng DOH ang Philippine Red Cross. And they were able to give clearance that they can already use it. Ito po ay may kundisyon na sa Philippine Red Cross laboratories lang muna po natin ipapatupad. Aantayin pa ho natin iyong RITM validation study results bago natin mai-full implementation sa lahat ng laboratories sa bansa.

Ito pong sa Philippine Red Cross, they will use it for specimens na pumapasok sa kanila, wala hong kailangan na criteria kung anong klaseng pasyente – as long as the patient can provide iyong kanilang saliva as the specimen instead of the nasopharyngeal health swab, iyon po ang gagamitin.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: So, in what context lang po siya puwedeng gamitin as proof that you are COVID negative?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. It is going to be used as an alternative specimen. Ibig sabihin, hindi na po tayo gagawa ng nasopharyngeal swab, we will use the saliva as the specimen. So in any of the test that will be done by PRC, they can already use this.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: Ma’am, doon lang po sa quarantine ano. So para lang po malinaw kasi medyo nalito po kami noong nakaraan. Ibig sabihin po after ng 5th day iti-turnover po sila sa LGU and pagdating po ba sa LGU, do they have to stay in another quarantine-based facility within the LGU or can they continue their 14-day quarantine at home?

DOH USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. Kailangan po na ito po ay i-complete and there should be mandatory quarantine of 14 days. Kapag ipinasa na ho natin sila sa local government units, kailangan po makumpleto nila iyong 14 days quarantine period sa isang facility. Ngayon mayroon pong ibang mga kababayan natin that can comply with the conditions of having a home quarantine kaya po sila po ay maaaring payagan naman kapag ganito at compliant sila.

TRICIAH TERADA/CNN PHILIPPINES: All right. Sige that’s it, ma’am. Thank you very much. Thank you, Spox. Thank you, Secretary Lopez.

SEC. ROQUE: Thank you very much, Trish. Usec. Rocky again, please.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, tanong ni Cresilyn Catarong ng SMNI. Iyong una po niyang tanong nasagot ninyo na po, iyong tungkol sa price freeze sa karneng baboy at manok. Second question: Naisumite na raw po ni Defense Secretary Lorenzana kay Pangulong
Duterte iyong listahan ng mga pagpipilian bilang susunod na pinuno ng AFP. May napipisil na po ba ang Pangulo na ipapalit kay General Gilbert Gapay na nakatakdang magretiro sa Pebrero? Kailan kaya ito posibleng ianunsiyo?

SEC. ROQUE: Inaanunsiyo naman po iyan ahead of the retirement ‘no. Pero kung mayroon po siyang napipisil, hindi ko pa po alam at mamaya lang po kami magkikita.

USEC. IGNACIO: Opo. Question from Melo Acuña, for Secretary Lopez. Iyong first question po niya nasagot na about travel ban. Secretary Lopez, iyong closure daw po ng hotels, car, manufacturing plant, are these isolated cases?

DTI SEC. LOPEZ: This is really a result of generally a weak economy, weak demand. Hindi natin masabi ring isolated but obviously the cases of, iyong recent ‘no, iyong sa [unclear] really part of their global strategy ito ‘no. I mean, kasi iyong Nissan na na-report naman din sa mga international news na they are also suffering financially at may mga losses din sila worldwide, so they had to do iyong mga rationalization ng kanilang operations as well as basically finding, you know, a more efficient operation especially the Southeast Asian region. Kaya kasama po ito sa kanilang global strategy of closing certain plants.

In fact, since last year or two years ago, they started closing down even in US and EU, iyong mga planta po nila. So talagang they basically are continuing itong pag-rationalize ng kanilang operations.

And in the Philippines, as you know, hindi naman ganoon kalakihan ang kanilang market share – nasa one percent lamang of the total car industry; and on the category of passenger cars, four percent ang market share. So talagang challenged po ang kanilang operation, and they decided na kung ganoon kaliit lamang iyong kanilang market ay ililipat na nila or isasara na nila iyong kanilang assembly plant dito.

USEC. IGNACIO: Opo. Question for Spox Roque from Aileen Taliping of Abante/Abante Tonite: May mag-asawang OFW galing sa UK na umuwi po sa bansa noong last week of December. Pag-uwi sa Iloilo, sinasabing locally stranded sila at nagpositibo sa swab test. Ano po ang pananagutan nila sa paglilihim na galing sila sa UK kung saan mahigpit na binabantayan ang pagpasok ang UK variant sa bansa?

SEC. ROQUE: Well, doon po sa umiiral nating quarantine law, pupuwede po silang magkaroon ng pananagutan dahil sa concealment po ng isang health fact na dapat dinideklara.

USEC. IGNACIO: Opo. Question from Leila Salaverria for Secretary Lopez: What could make the IATF re-think its decision to ease age restrictions in MGCQ areas?

DTI SEC. LOPEZ: Mahirap sagutin iyan kasi bakit iri-re-think, kaka-decide lang namin ‘no, na after a long debate, a long consideration and eventually nagkaroon naman ng consensus and there is really—you know, iyong situation po kasi natin, they’re really finding that balance. Noong una po bago ang pandemya, talagang napakalakas po ng ating move kasi hindi natin masyadong kilala ang virus kaya talagang risk avoidance tayo. We really had to do a lot of protection. Kaya naman po thanks to that kind of approach, talagang iyong pag-manage po ng COVID cases, talaga hong bumaba at bumaba naman po and iyong compliance ay talagang ni-require natin, iyong compliance to health protocol.

But now that we are seeing naman improvement on the health side, we really have to balance it otherwise, again, the economic side will really suffer. Ayaw din naman natin—at least sa pag-re-opening, ayaw din naman nating lumalala uli ang situation at mag-surge. Kaya nga po dahan-dahan itong ginagawa if you remember, last year nga po ‘no.

Kaya despite the re-opening, we saw naman na bumababa iyong COVID cases kaya ho I think nasa same approach pa rin po tayo when we considered this easing of age restriction. Again, even from our health authorities, sinasabi rin naman po nila, wala naman po talaga sa edad iyan basta ho compliant, we are protected. Kaya ho talagang nagkakaroon naman po tayo ng pagkakaintindihan dito.

So sa tingin po namin ay napakaingat na po nung ginawang ruling na iyon at finocus [focused] lamang sa Modified GCQ, again to manage the transition. At sana po ay maintindihan po ng lahat dahil ang talagang tatama sa atin dito in the near future, kapag hindi ho natin minove iyan, hindi natin niluwagan iyan ay ba-back fire po sa atin ito in terms of other health and diseases and malnutrition and kahirapan po ng ating mga kababayan.

USEC. IGNACIO: Question from Aiko Miguel UNTV for Usec. Vergeire po. Usec. Vergeire, nai-submit po ba ng Department of Health iyon daw pong recommendation to delay the implementation of age restriction in MGCQ areas by February po? Ano po ang latest about dito, sa isyu na ito?

DOH USEC. VERGEIRE: Katulad po ng pagkakasagot ko po kanina, pag-uusapan lahat po ito sa IATF kung mayroon man pong bagong puwedeng ihain para magkaroon ng diskusyon dito.

USEC. IGNACIO: Opo. Question from Sam Medenilla for Secretary Roque, kung may plano daw po kaya si President Duterte to issue a new order to allow LGUs to tap their emergency funds for COVID-19 procurement?

SEC. ROQUE: Hindi na po kinakailangang mag-issue ‘no dahil iyong sa state of … iyong declaration of national emergency ay may ganiyang kapangyarihan na po ang ating mga lokal na pamahalaan na gamitin iyong kanilang calamity funds for COVID-related expenses.

USEC. IGNACIO: Opo. For Secretary Lopez: Na-complete na kaya ng DTI and other concerned agencies ang guidelines for StaySafe seal? If yes, kailan po kaya ito i-implement? At ano po ang mangyayari sa mga establishment na hindi magku-comply sa nasabing requirement?

DTI SEC. LOPEZ: Oho, actually medyo napa-finalize na ‘no. We’re now looking at the other aspects nung guidelines so let’s look at this … hopefully this week ay mayroon na kaming mailabas niyan.

Basically, una, parang self-certification muna para ho talagang lahat po ng magku-commit at magsi-certify na talagang they will comply with all this health protocol can really put in front of their stores na safe ang kanilang lugar at they are really complying with the health protocols but they will be subjected to audit, of course, at inspection. And easily, iyong kanila pong ilalagay na sticker, kasama po iyan sa pina-finalize sa guidelines, easily naman puwede nating ipatanggal kapag hindi po nagku-comply.

USEC. IGNACIO: Opo. For Usec. Vergeire: Maku-consider na po kaya—

SEC. ROQUE: Okay, Usec. Rocky, it’s 1:20 ‘no, way beyond our press briefing time. Marami pa bang tanong iyan? Kasi kung marami, mayroon din naman tayong press briefing bukas.

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary, marami-rami pa pong tanong ito. Pero babasahin ko na lang po nang mabilis. For Usec. Vergeire po, kung maiku-consider daw po kayang super spreader event iyong incident sa Bontoc?

DOH USEC. VERGEIRE: Hindi pa ho natin masasagot sa ngayon ‘no. Katulad ng sabi namin, kami po ay nagbi-verify pa at nagpu-further investigate. We will be informing the public soon.

USEC. IGNACIO: Opo. Secretary Roque, tanong mula kay Rose Novenario: Palace reaction please on graphic posted on social media by the City of Batac Police Station that under the controversial Anti-Terrorism Act protesting, helping relief drives that aren’t state-sanctioned or even re-tweeting memes can be grounds to classify someone as a terrorist?

SEC. ROQUE: Ay, malinaw po ang batas tungkol diyan ‘no. Tingin ko kung iyang mga ganiyang gawain lang iyan ay hindi po sapat, but we will refer that to the DILG and the PNP leadership.

USEC. IGNACIO: Opo. Tanong po ni Ace Romero for Secretary Roque: Philippine Pediatric Society and Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines are against the relaxation daw po age-based restriction and reiterated that staying at home will protect the children from COVID-19 infection. Will the IATF rescind the order?

Secretary Roque?

DTI SEC. LOPEZ: Mukhang nawala si Secretary Roque.

USEC. IGNACIO: Yes, Secretary Lopez.

DTI SEC. LOPEZ: Oo, naintindihan natin iyong position naman ng mga grupo ng mga health experts at kinonsider din po iyan. But again, in the IATF, we consider also the threats to economy, threats to security na puwedeng maapektuhan din sa pagtuluy-tuloy na paghihirap ng ating bansa, at maraming maghihirap at magugutom. So lahat po iyan ay in the context of risk management kaya nga po inuulit natin na in this pandemic, talagang lahat naman po ay kinu-consider, lahat ng aspeto. At we take note of that concern.

But again, ang panlaban po natin sa threat na iyan ay again iyong paulit-ulit po nating sinasabi, together with the DOH, sila Sec. Duque, sila Usec. Rosette na iyong talagang compliance sa health protocol. Nakita naman natin how this approach was when we were re-opening and we were… I would say, relatively successful because cases have gone down. Kaya po talagang maingat tayo.

Lahat tayo ay ayaw nating magka-surge kaya po talaga hong ano natin, ipu-protect din talaga natin iyan but to the extent na nama-manage po ito. And this is really risk management and not risk avoidance para ho umandar po iyong ibang sektor ng economy ay talaga pong kailangan pong i-consider natin itong mga ganitong re-opening moves alang-alang po ito sa ating mga mamamayan.

Again, opening to 10 years old doesn’t mean lahat po ay lalabas. Ang sinasabi lang po natin, at least may option ang mga parents na isama nila, family bonding, social developments, psychosocial development ng mga kabataan. And this will be done safely. Again, compliance is the key.

USEC. ROQUE: Opo. Usec. Vergeire, may tanong po si—

SEC. ROQUE: Okay. Because of lack of time—Usec., I’m sorry, because of lack of time, siguro bukas na iyang tanong na iyan. Pero I have to end the press briefing now. It’s 1:25. Maraming salamat sa ating mga kasama Malacañang Press Corps. Maraming salamat, Usec. Vergeire. Maraming salamat, Usec. Rocky. And maraming salamat, Secretary Lopez.

Mga pahuling paalala lang po: [DIALECT] In fact, iyong mga maski walang sintomas po, kung kayo ay nagkaroon ng close contact doon sa kababayan natin na bumalik sa abroad ay pupuwede rin po kayong magpa-test sa DOH.

[DIALECT] MASK, HUGAS, IWAS. Pero bago po tayo magtapos at magpaalam, panoorin po natin itong munting video noong pumunta ako sa noong Biyernes sa Bataraza, Palawan para sa tree planting campaign na ang layunin ay magtanim ng limang milyong puno. Ito po ay kabahagi ng rehabilitation effort na ginawa ng Nickel Asia para siguraduhin iyong mga lugar na namina na nila ay maibalik sa dati. Panoorin po natin ang video, at magandang tanghali po sa inyong lahat.