Transcript: Press briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque, April 26, 2021

PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS OFFICE

News and Information bureau

 

PRESS BRIEFING OF PRESIDENTIAL SPOKESPERSON HARRY ROQUE

APRIL 26, 2021 (12:05 – 1:10 P.M.)

 

SEC. ROQUE:  Magandang tanghali, Pilipinas.

Ipinagdiriwang po natin ang ika-500 taong anibersaryo ng pagdating ng Simbahang Katolika sa Pilipinas. Kasabay ng selebrasyon na ito, nagbibigay-pugay din tayo sa pagkabayani ni Lapu-Lapu sa Battle of Mactan, siya po ang kauna-unahang Asyano na tumayo at lumaban laban sa kolonyalismo ng mga Europa o Europeans.

Hindi naman po maitatanggi na ang Katolisismo ay isang pamana o legacy ng bansang España na sumakop sa atin ng mahigit 300 daan taon. Hanggang napunta tayo sa bansang Amerika dahil nga po sa tinatawag na Treaty of Paris.

Ang Treaty of Paris po ay nag-set ng ating territorial boundaries at ito po ay kinikilala sa international law sang-ayon po ng prinsipyo na tinatawag uti possidetis. At sang-ayon po dito sa prinsipyong ito, ang colonial boundaries ay magiging conclusive, dahil kung hindi po talaga nagkakasundo ang colonial boundaries ay magkakaroon po talaga tayo ng gulo at digmaan.

Ano po ang ginawa natin sa Treaty of Paris? Isinama po natin ang Treaty of Paris sa depinisyon ng ating teritoryo sa ating 1935 Constitution. Kaya nga po ang sabi ng ating Article 1 ng ating 1935 Constitution, iyong ating teritoryo po ay – ano po ang ating teritoryo – kabahagi iyong teritoryo na ibinenta ng España sa Estado Unidos sa pamamagitan ng Treaty of Paris. Kabahagi rin sa ating teritoryo, iyong teritoryo na napunta sa atin sang-ayon po sa Treaty of Washington. Ito po iyong nagsasabi na lahat ng mga teritoryo na labas sa Treaty of Paris pero sa ilalim ng soberenya ng España, ay binibigay din at binibenta rin ng mga Espanyol sa Amerika kasama na po dito ang Scarborough Shoal. At mayroon din pong Treaty sa pamamagitan po ng Estados Unidos sa Great Britain kung saan nakita po natin, nakuha po natin  ang teritoryo ng Turtle Islands.

Now, nabago po ang ating depinisyon ng national territory sa 1987 Constitution. Ang 1987 Constitution, hindi na po binabanggit ang Treaty of Paris. Pero ang ibig sabihin ba ho nito ay palibhasa hindi na binanggit ang Treaty of Paris ay nabalewala na po ang Treaty of Paris. Hindi po! Kasi ang sabi ng ating 1987 Constitution, ang ating national territory ay lahat iyong buong Philippine Archipelago, with all the islands and waters embraced therein and all the other territories over which we have sovereignty or jurisdiction, consisting of terrestrial,  fluvial, aerial  domains, including territorial sea, sea beds, sub-soil and insular shelves.

Ito po importante ha: ‘the waters around, between and connecting the islands of the archipelago, regardless of the breadth and dimensions form part of the internal waters on the Philippines.’

Now ang ibig sabihin lang po nito dinagdagan natin iyong ating teritoryo. Unang-una, iyong teritoryo ng Treaty of Paris at saka iyon Treaty of Washington at saka iyong tratado between Unites States and Spain. Pero bukod pa dito, isinama na natin iyong mga areas na mayroon tayong pag-aangkin, kasama na po diyan ang Sabah at iyong Spratlys at lahat ng teritoryo na kabahagi ng UN Convention on the Law of the Sea.

Pero pansinin po ninyo ha, hindi po nagbago ang ating ’87 Constitution, lahat po ng tubig at isla, ‘around and between connecting the islands of the archipelago.’

Ano po ba ang ibig sabihin ng archipelago? Ang common meaning po ng archipelago, it’s a group of waters and islands forming a unitary whole. So wala po talagang pagkakaiba pagdating sa archipelago iyong teritoryo ng karagatan at teritoryo ng lupa. So ibig sabihin po pinalawig ng ’87 Constitution at hindi po pinaliit ang ating national territory.

Now, nagkaroon din po noong 1950’s doon sa pag-uusap ng UN Convention on the Law of the Sea ng proposal ang Pilipinas at Indonesia. Ang sabi natin kinakailangan i-recognize ng buong mundo iyong regime ng archipelago, kasi tayo nga po archipelago. Hindi lang po tayo land territory, hindi lang po tayo karagatan, we are both land and water forming a unitary whole. At ang nais nga natin, lahat noong tubig na namamagitan sa ating mga isla at tratuhing internal waters

Ano ba ho ang internal waters? Ang internal waters iyan po ay parang lawa, ilog. Ibig sabihin, hindi pupuwedeng maglayag ang mga dayuhang mga barko ng walang pagpayag na estado ng Pilipinas, kasi nga po napakaliliit naman ng mga areas diyan sa mga  panig ng Cebu at saka ng Dumaguete, bakit naman maglalayag  ng malaya ang mga dayuhang mga  bapor, kasama na po iyong mga bapor ng pandirigma.

Pero nabago po tayo, hindi po kinilala iyong archipelagic regime na gusto nating kilalanin. Bagama’t ang pinagkasunduan ng daigdig ay kilalanin iyong archipelagic waters kung saan hindi siya internal waters, pero siya ya parang high seas at saka territorial sea. Bakit po? Kasi mayroon innocent passage, pupuwedeng maglayag ang mga dayuhang mga barko at mayroon din pong over-flight; wala po iyan kung internal waters.

Now, itong 1950’s po nagkaroon din tayo ng depinisyon ng archipelagic water.

So ano na po ang itsura ng national territory natin mula noong Treaty of Paris? Makikita po natin ito sa mapang susunod, itong makikita po ninyo, ito na po iyong bago, pero balikan po natin iyong una munang mapa.

Iyan! Makikita po natin iyong kuwadrado, iyan po ang Treaty of Paris boundary, lahat po ng tubig sa loob ng kuwadrado ang tinatawag na territorial sea. Diyan po pupuwedeng maglayag ang mga barko dahil mayroon silang tinatawag na freedom of innocent passage. Pero lahat po ng tubig doon sa linya ng archipelagic baselines natin iyan po ay internal waters.

Sang-ayon po sa ating Saligang Batas, iyan iyong ating internal waters at hindi po pupuwedeng maglayag ang kahit anong barkong dayuhan na walang pagpayag sa atin. Ang nangyari po noong 2009, bigla na ang sinabi na kinakailangan daw may deadline na gumawa ng batas  na nagpapatupad ng UN Convention on the Law of the Seas. Hindi po totoo iyan.

Ang katotohanan  po niyan noong 2009, may deadline  para mag-submit doon sa mga areas na gusto nating masakop na extended continental shelf. Pero nagkaroon nga po tayo ng batas, ang tawag po is ‘Archipelagic Baselines Law’ at binago ang ating teritoryo. Ano po ang itsura ng teritoryo natin sang-ayon sa Archipelagic Baselines Law. Ito po iyong makikita ninyo sa susunod na mapa.

Sa susunod na mapa, ang ginawa po ay—ito po iyong makikita natin internal waters doon po sa 1950’s law na 5446. Ang nangyari po sinunod natin iyong UN Convention on the Law of the Sea, ito po ay naging archipelagic waters, ibig sabihin pupuwedeng maglayag ang mga dayuhang mga barko at pupuwedeng magkaroon ng over flight ang mga eroplano.

Iyong ating territorial sea po dati iyong tubig sa loob ng kuwadrado, na Treaty of Paris, diyan po pupuwedeng maglayag iyong mga dayuhang barko, pero hindi doon sa loob ng internal waters. Pero dito po sa Philippine Archipelagic Laws, nawala po iyong ating  territorial sea na  ang lawak ay 263,000 nautical miles, sinunod po natin iyong 12 nautical miles na territorial seas. So lumiit po ang ating territorial sea naging 34,300 nautical miles na lamang. Pagkatapos po na maipasa itong batas na ito eh naghain po ng kaso.

Unang-una po si Dean Merlin Magallona ng UP College of Law na nagsasabi na labag sa Saligang Batas ang ginawa ng Kongreso. Bakit po? Kasi nga po, bagama’t ang UNCLOS ay binago ang legal regime doon sa karagatan, doon sa loob ng archipelagic baselines, eh malinaw sa Article 1 na iyong mga karagatan na iyan ay internal waters. So hindi pupuwede na ang isang batas ay mag-aamyenda ng Saligang Batas, iyong Article 1. At siyempre sinabi din ni Dean Merlin Magallona, labag din ito sa ating pang-national na interest kasi nabawasan ang ating territorial sea, nawala ang ating internal waters.

Sa katunayan, ang nawalang territorial sea natin ay 229,000 square miles at ang naging territorial sea na lang natin sang-ayon sa UNCLOS at sang-ayon sa Archipelagic Baselines Law ay 34,300 square miles na lang ang natira. Pero nabigo po ang mga petitioners sa Magallona dito po sa kasong ito. Bakit?  Dahil ang sabi po ng Korte Suprema, hindi tayo namigay ng teritoryo, binago lang natin at sinunod lang natin iyong UN Convention on the Law of the Sea kung paano magdu-draw ng straight baselines at saka paggamit ng straight base points.

 

Pero ang punto nga po natin, puwede bang magawa iyon ng batas? Puwede bang gawin ng tratado iyon samantalang nakaukit po sa ating Saligang Batas iyong anyo ng karagatan sa loob ng ating archipelagic straight baselines? Ang sabi ng hukuman noong dinismiss nila ang kaso, in any case, kung lumiit ang ating territorial sea at ang ating internal waters lumawak naman ang ating karagatan kasi mayroon tayong 200 miles Exclusive Economic Zone. Well, alam ninyo po, hindi naman po iyong archipelagic baselines ang nagbigay sa atin ng 200 nautical miles Exclusive Economic Zone, isang PD po ni Marcos ibinigay na sa atin iyang 200 nautical miles na Exclusive Economic Zone.

 

Pero totoo ba ho na kapalit ng nawalang territorial sea ay mas malawak na Exclusive Economic Zone? Well, unang-una po, sa Exclusive Economic Zone wala pong soberenya, walang pong hurisdiksiyon. Ito ay mayroon lang sovereign rights na tinatawag, iyong karapatan na mangalap ng mga tanging-yaman. Hindi po iyan covered ng soberenya, hindi po iyan sakop ng hukuman natin, hindi sakop ng ating kapulisan, hindi sakop iyan ng ating Kongreso except pagdating doon sa polusyon. S0, hindi po patas iyong kapalit.

 

At ito pa po ang masaklap. Ang katunayan bagama’t mayroon tayong 200 nautical miles na Exclusive Economic Zone hindi po natin makukuha iyan kasi iyong mga karatig na lugar natin kagaya ng Taiwan, ng Palau, ng Malaysia, ng Indonesia at pati nga po ang Vietnam at Tsina eh lahat po tayo magkakaroon tayo ng overlap sa Exclusive Economic Zone at ngayon po nakikita ninyo kung ano iyong overlap na iyan. Halos wala na pong matitira sa 200 Exclusive Economic Zone natin dahil kinakailangan pagkasunduan kung paano natin hahatiin ngayon ang Exclusive Economic Zone dahil ang ating 200 nautical miles ay nag-o-overlap nga po.

 

Hindi po talaga patas iyong nawalang territorial sea at nawalang internal waters natin doon sa nakamit natin na Exclusive Economic Zone. Malinaw po, natalo po si Dean Merlin Magallona doon sa kaso pero mayroon pong katunayan na nawalan tayo ng teritoryo pero ang sabi ng Korte Suprema kinakailangan gawin natin ito dahil mayroon tayong mga hidwaan sa teritoryo na nag-i-involve sa karagatan at kapag hindi tayo nag-comply sa UN Convention on the Law and the Sea, eh, baka mapahina iyong ating kaso dito nga sa pinag-aagawang mga isla.

 

Well, ano po ang sabi ng Tribunal doon sa The Hague? Well, ang sabi po ng Tribunal, ito po ha, bagama’t nanalo ang Pilipinas at sinabi na walang bisa iyong sinabi na historic claims to waters ng China, sinabi rin ng Tribunal na hindi naman po tama iyong pagsakop ng Kalayaan Group of Islands doon sa Philippine Baselines Law na binuo ng Kongreso.

 

So, bagama’t ang isang dahilan kung bakit talagang sinustain ang validity ng Archipelagic Baselines Law ng Kataas-taasang Hukuman ay para mapalakas iyong ating inaangking teritoryo diyan sa West Philippine Sea, eh ang sabi ng Tribunal itself at ipapakita ko po sa inyo iyong quote doon sa sinabi ng Tribunal, [hindi po iyan ‘no, iyong isa po, iyong susunod] ito po, “In any event, the Philippines could not declare archipelagic baselines surrounding the Spratly Islands. Article 47 of the Convention limits the use of archipelagic baselines to circumstances where within such baselines are included the main islands in an area in which the ratio of the area to the water of the land including atolls is between 1 to 1 and 9 is to 1.”

 

Ano po ang ibig sabihin nito? Well, bumuo tayo ng batas, sinustain po ng Korte Suprema ‘di umano para mapalakas ang ating claims sa pinag-aagawang teritoryo pero ang sabi ng Law of the Sea Tribunal eh hindi naman tama iyong paggamit natin ng archipelagic baselines. So, ano ang naging silbi ng Archipelagic Baselines Law, hindi naman pala makakatulong doon sa ating inaangking mga teritoryo at ano ang kapalit ng nawalang internal waters at territorial sea? Hindi po malinaw.

 

Ang punto lang po, sa debate kung sino ang namigay ng teritoryo sa mga dayuhan, hindi po si Presidente Duterte iyan, nadatnan na po iyan ni Presidente Duterte. Nang siya po ay dumating, nawala na sa atin ang Scarborough Shoal. Nang siya po ay dumating, ginawa na ng Tsina iyong mga artificial islands doon sa ating Exclusive Economic Zone, at nang siya po ay dumating, narito na po itong batas na ito na talagang sinabi ng Korte Suprema ay hindi labag sa ating Saligang Batas. At sino po ang sumulat ng desisyon na nagsabi na iyong pagkawala ng ating internal waters, territorial sea ay sang-ayon sa Saligang Batas, wala pong iba kung hindi si Senior Justice Antonio Carpio.

 

Hindi po tayo naninisi. Ang sinasabi lang natin, dahil nadatnan na iyan ni Presidente, ang desisyon niya is unang-una, talaga bang ititigil niya ang relasyon sa Tsina dahil dito sa hidwaang ito or isasantabi ang hindi pupuwedeng mapagkasunduan at isusulong ang pupuwedeng mapagkasunduan kagaya ng kalakalan at iyong mga pamumuhunan. Well, ang naging desisyon po ng Presidente, ginawa na iyan ng lahat ng mga opisyales bago siya dumating sa kaniyang katungkulan bilang isang Presidente, he has to live with it. He will pursue his bilateral relations, ipagpapatuloy niya ang relasyon sa bansang Tsina doon sa mga bagay-bagay na pupuwedeng isulong at isasantabi ang mga hindi mareresolba sa ating lifetime.

 

At iyan po ang posisyon ng ating Presidente.

 

Sa iba naman pong mga magandang balita. Patuloy na bumababa ang reproduction rate or R naught sa NCR noong nakaraang linggo. As of April 21, ito ay naging 0.9151 ayon sa DOH-FASTER. Makakasama natin mamaya si Dr. John Wong para pag-usapan ito. At habang patuloy na bumababa ang mga aktibong kaso ng COVID-19 cases, patuloy rin naman na tumataas ang ating bed capacity.

 

Good news! Pormal na bubuksan mamayang ala-una ng hapon ang isang isolation facility sa South Harbor ng Lungsod ng Maynila, ito ay ang Eva Macapagal Super Terminal Isolation Facility ng DOTr at ng Philippine Ports Authority. Una itong ginawang quarantine facility noong nakaraang taon para ma-accommodate ang ating repatriated seafarers at OFWs na kinakailangang sumailalim sa required na 14-day quarantine. Ngayon, na-convert ang Eva Macapagal Super Terminal Isolation Facility na mayroong 250 na mga kama upang mag-accommodate ng mga asymptomatic at mild COVID-19 patients para matulungan ma-expand ang kapasidad ng ating health care facilities.

 

Samantala, isa ring isolation facility ang binuksan noong Biyernes, April 23, 2021 sa Camp Olivas, San Fernando City, Pampanga ng DPWH. Makikita ninyo sa inyong screen ang mga larawan. May 32-bed capacity ang nasabing pasilidad na nasa loob mismo ng compound ng regional headquarters ng PNP-Region III.

 

At isa pa pong napakagandang balita, patuloy ang pagdating ng bakuna sa Pilipinas. Sang-ayon po sa National Task Force, inaasahang darating ang 15,000 doses ng Gamaleya o Sputnik V vaccine mula Russia sa Miyerkules, April 28. At sa Huwebes naman po, April 29, inaasahan naman natin ang panibagong batch ng 500,000 doses na Sinovac vaccine na ating binili sa bansang Tsina.

 

COVID-19 updates naman po tayo. Tingnan natin ang infographics sa daily new confirmed cases per million as of April 24, 2021. Tingnan po natin na bagama’t tumaas po ang kaso sa Pilipinas at tayo po ay ang letter—parang reddish, ito po ay mababa kung ikukumpara pa rin natin sa Estados Unidos, Espanya, Italya, India, Germany, Brazil, France, at Turkey. Ibig sabihin po bagama’t talaga naman pong halos nagdoble ang kaso sa Pilipinas dahil dito sa mga new variants na ito, hindi po tayo nag-iisa. Ito po ay problema ng buong mundo.

 

Okay, kaya nga po kung titingnan natin ang ranking ng Pilipinas sa buong mundo, eh makikita ninyo po na sa total cases tayo po ay nag-improve pa. Dati nasa number 20 po tayo ngayon nasa number 26 na tayo bagama’t halos isang milyon na ang kaso natin. Ang ibig sabihin lang po niyan, bagama’t mag-iisang milyon na ang mga kaso sa Pilipinas, ganoon din po ang nangyayari sa iba’t-ibang parte ng mundo, bumaba pa po tayo sa ranking natin dahil dati nasa number 20 na tayo.

 

Sa active cases, tayo po ay number 27 na from number 20. So, nag-improve po tayo worldwide at ang ating cases per one million ay nananatiling nasa number 133 po tayo at ang case fatality rate natin ay nananatili pa ring 1.7% na tayo po ay nasa number 90.

 

Pumunta po tayo saglit sa cases at deaths. Makikita na tumataas talaga ang mga kaso at mga namamatay sa Estados Unidos, sa India, Brazil, France, at Russia. Ang mga kaso po ng Estados Unidos – 32 million; ang mga deaths po nila mahigit kalahating milyon. Ang pangalawa po, India – 16 million halos 17 million; ang deaths 192 thousand. Ang Brazil – 14 million ang kaso; ang mga namatay, 390,000 mahigit. Ang France po – 5.5 million na ang kaso; 103,000 ang mga namatay at ang Russia – 4.7 million na po ang kaso; mga 106 [thousand] na po ang namatay.

 

Ang Pilipinas po mag-iisang milyon na nga po ang ating kaso pero 16,783 pa lang po ang mga namatay. Sa mga recoveries naman, nasa halos isang milyon na po ang gumaling sa atin ‘no, kung saan number 21 po tayo sa buong mundo. Kung makikita ninyo po, ang number one na mayroong total recovered ay: India, 14 million; pangalawa po ang Brazil, 12 million; tapos ang Russia, 4 million; kasama ang Turkey ang Italy, 3 million. Sa atin po, sa mahigit na halos isang milyong kaso 903,665 na po ang gumaling, number 21 worldwide.

 

Mayroon tayong 8,162 na mga aktibong kaso ngayon sang-ayon po sa April 25 report ng DOH. Tulad ng aking sinabi, patuloy ang pagtaas ng mga gumagaling – nasa mahigit dalawampung libo or 20,509 na nai-report na gumaling kahapon. Halos ganito rin po ang bilang ng gumaling noong Sabado, nasa 22,877. Ang kabuuan uulitin ko po ay nasa 903,665 na po ang mga gumaling.

 

Ano pong ibig sabihin nito? Nasa nobenta porsiyento po ang gumaling sa COVID-19. Patunay ito na ang kakayahan ng ating mga medical frontliners kung hindi nga po kagalingan talaga. Patunay ito na we are managing our COVID-19 response.

 

Samantala malungkot nating binabalita na nasa 16,783 na po ang binawian ng buhay dahil sa coronavirus. Nakikiramay po kami. 1.68 po ang ating fatality rate.

 

Puno na ba ho ang ating mga ospital? Well makikita ninyo po, bumaba po ang occupancy rate ng ICU beds sa National Capital Region. Noong huli po akong nag-report, nasa otsenta porsiyento plus po iyan ‘no, ngayon po 72% ang utilized sa ating ICU beds; 58% na lang po ang ating isolation beds; 66% po ang ating ward beds; at 61% ang ating mga ventilators. Sa buong Pilipinas, 65% po ang ating utilized na ICU beds; 47% ang utilized na isolation beds; 53% ang utilized ward beds; at 46% ang utilized na ventilators.

 

Naka-flash pong muli sa inyong screen ang COVID-19 hotline numbers sa Metro Manila kasama na ang numero ng One COVID Referral na maaari ninyong tawagan. Noong isang linggo po tinawagan natin iyong 1555 ‘no, ewan ko po, ida-dial ko po uli kung maku-contact natin. Sandali lang po ha. Pero 1555 po iyong hotline po ng One COVID Referral Center; mayroon din pong 0919-9773333 at 0915-7777777; mayroon din pong landline (02)8865-0500.

 

Sa lahat po ng gustong magpaospital, ang aking payo ho tawagan po natin itong mga numerong ito dahil sasabihin po nila kung saan kayo pupuwedeng pumunta nang hindi na kayo pumunta sa ospital na puno na po para sa mga COVID patients.

 

Okay. So hindi lang po para sa—kung saan pupuntang ospital iyan, pupuwede rin po kayong magtanong tungkol sa health information, medical consultation, sa mga nagtatanong tungkol sa admission at quarantine or isolation.

 

Dito po nagtatapos ang ating presentasyon. Makakasama natin ngayong hapon po si Dr. John Wong ng EpiMetrics ‘no, siya po iyong consultant ng NTF pagdating sa epidemiologic data.

 

Dr. John Wong, kamusta na ba ho ang mga kaso ng COVID? Tama ba ho na ang R0 ay bumaba na? Tama ba ho ang mga kaso ay bumababa? At anong personal na pagtingin ninyo dahil marami pong nagugutom dahil dito sa lockdown, puwede kayang mag-GCQ po? Personal lang naman pong pananaw dahil alam natin na IATF naman po ang magdidesisyon diyan bukas. The floor is yours, Dr. John Wong.

 

DR. WONG: Hi. Good afternoon, Spox. Can I just share some slides?

 

SEC. ROQUE: Yes, please.

 

DR. WONG: So if the question is: Are we ready for GCQ? We have to look at several indicators to tell us whether or not we’re ready ‘no. So one indicator that we have always been using is R ‘no kaya lang R is a backward looking indicator ‘no. It will set the cases that we had over the past two weeks ‘no. So it tells us how well we have done in the past under MECQ pero if the decision is about in the future ‘no, when we are going from MECQ to GCQ ‘no. Does this indicator tell us anything?

 

So it doesn’t tell us how well we will do in the future under GCQ. For example, in the last quarter of 2020, we had a steady of 1,000 to 1,500 cases a day and the R0 at that time was also very near 1 ‘no, fluctuating around 1. But it also was not able to tell us that we were going to have a post holiday surge and also a mid-February surge. So R0 is not enough ‘no. 

 

So if we want to determine if we can keep cases down under GCQ, you need to look at forward looking indicators. So, what are these indicators ‘no? So for cities and municipalities kasi these are measured at the community level, we need to know how well our people complying with masking and social distancing. In terms of people who are sick ‘no, we need to know how fast are we identifying people with symptoms and how fast are we testing, isolating and quarantining them ‘no.

 

So for example, you know that right now that the interval between symptom onset and testing is 3 days and this is too late ‘no kasi the infectious period of COVID-19 is 5 days ‘no. So in those 3 days ‘no they are already infecting people in the workplace or in the community.

 

The other indicator we need to measure is what percent of cases and close contacts complete their isolation and quarantine periods respectively. So once they have symptoms ‘no and when they are tested, we should quarantine them immediately to make sure na they don’t spread the infection – and if they’re positive, isolate them ‘no. But we also need to make sure that they complete the 14-day period and are not released prematurely.

 

How about for businesses ‘no? If we go to GCQ are businesses ready ano? So we need to know how well are they observing the two out of three rule ‘no. The two out of three rule means indoors ‘no when there are crowds ‘no, you need either ventilation, masking or social distancing.

 

So if you are indoors, for example in the restaurant ‘no, tables can be socially distanced but since they’re eating, they cannot be wearing mask ‘no, you have to improve ventilation ‘no. And DOLE has released indoor ventilation guidelines ‘no, so we need to know how well businesses are complying with that.

 

And then lastly ‘no, another indicator we need to measure is: How fast can we increase the pace of vaccination to 350,000 shots per day ‘no? So the number 350,000 is a number we need to be able to vaccinate 70% of our population. Although ideally ‘no, we should be vaccinating a 100% of our population because of the variants ‘no and the fact that we don’t know whether—how long the duration of protection of the vaccines are. We don’t know yet whether herd immunity is achievable ‘no. So, well this is a target that we should try to strive for. So these are the indicators that will tell us if we’re ready for GCQ.

 

So who is responsible for this ‘no? So we need the national and local government to monitor and to report on how well they are performing on these indicators ‘no. So without accountability or visibility on these indicators, I would say na we’re not yet ready for GCQ. Thank you.

 

SEC. ROQUE: Pero Doc dahil nga po doon sa napakalaking binaba ng R0, masasabi naman natin na parang gumana iyong ating dalawang linggo ng ECQ at iyong dalawang linggo ng ating MECQ ‘di ba po?

 

DR. WONG: Yes, that’s the effect of the ECQ and MECQ ‘no. Pero if the question is are we ready for GCQ, we have to look at the indicator that I mentioned before, not just an R0 kasi that’s backward looking.

 

SEC. ROQUE: Okay. Maraming salamat, Dr. John Wong. Pumunta na po tayo sa ating open forum. Usec. Rocky, go ahead please.

 

USEC. IGNACIO: Secretary Roque, question from Kris Jose of Remate: Patuloy po ang pagdami ng community pantries sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Sinabi po ni Treatment Czar Undersecretary Bong Vega na bagama’t maganda po iyong nilalayon nito, malaki iyong posibilidad na mauwi ito sa mass gathering. Posibleng makapag-ambag sa mga bagong at aktibong kaso ng COVID-19. Ano daw po ang reaksiyon ng Palasyo?

  

SEC. ROQUE: Malinaw po ang ating sinabi na noong isang press briefing ‘let a thousand community pantries bloom.’ Dahil ito po ay bayanihan, it exemplifies the best of the Filipino in the worst of times. Pero sinabi din natin na kinakailangan sumunod din sa minimum health standards at kasama po diyan iyong prohibition sa mass gathering dahil kapag tayo po’y nagkumpul-kumpulan, iyan po ang pinaka-sure na pamamaraan para kumalat ang COVID. Baka naman sa pagbibigay ng tulong natin, pagbibigay ng pagkain sa ating mga kababayan eh iyan naman ang maging dahilan para sila po’y mag-COVID at magkasakit.

 

So ang panawagan po natin, ipatupad po natin ang ating mga minimum health standards at lahat po ng mga nagsisimula ng community pantry, kinakailangan po makipag-ugnayan kayo sa inyong barangay at sa lokal na pamahalaan para naman masiguro lalung-lalo na iyong social distancing, mask, hugas at iwas.

 

USEC. IGNACIO: Question mula kay Rosalie Coz ng UNTV: Kailan inaasahang magdidesisyon si Pangulong Duterte kaugnay ng community quarantine classification for May?

 

SEC. ROQUE: Baka po si Presidente na ang mag-anunsiyo dahil ang Talk to the People po ay sa Wednesday.

 

USEC. IGNACIO: Ang second question niya: Epektibo bang naisasagawa ang PDITR strategy ng LGUs sa NCR Plus at ano ang assessment ng government sa implementation ng mga lokal na pamahalaan?

 

SEC. ROQUE: Napakalaki po nang binaba ng ating R0 ‘no, so ibig sabihin mukha naman pong naging epektibo iyong ating Prevention, Detection, Isolation at Treatment ‘no. Kaya lang po gaya ng sinabi ni Dr. Wong eh mayroon tayong mga assessment na dapat gawin at itong mga assessment na ito ay kinakailangan magbigay po ng kasagutan ‘no ang mga lokal na pamahalaan para masiguro naman na hindi rin masayang iyong ating halos isang buwan ng lockdown.

 

USEC. IGNACIO: Secretary, si Mela Lesmoras ng PTV.

 

SEC. ROQUE: Go ahead, Mela.

 

ELA LESMORAS/PTV4: Good afternoon Secretary Roque at kay Dr. Wong. Secretary Roque my first question po, ang COVID-19 cases lang. Kung atin kasing nakikita sa datos, malapit na nating maabot iyong 1 million mark. Ano po ang masasabi dito ng Palasyo; at, at this point sa patuloy na COVID-19 surge, ano po iyong magiging assessment pa rin ng Malacañang sa ating government efforts?

 

SEC. ROQUE: Alam ninyo po iyong 1 million halos—huwag ninyo pong titingnan lamang ang 1 million cases. Unang-una halos 900,000 na po ang gumaling diyan so mga aktibong cases ay mahigit-kumulang 100,000. At kung ikukumpara mo ito sa buong daigdig eh number ano na nga tayo—ano nga bang number tayo? Paki-flash nga kung ano iyong ating ranking sa buong daigdig. Bumaba pa po ang ranking natin – ibig sabihin mas humusay pa iyong ating ranking sa buong mundo.

 

Itong paglobo po ng numero, hindi lang sa Pilipinas iyan. Iyong ranking natin na bumaba pa tayo, patunay po na mas maraming kaso doon sa mga iba’t ibang mga bansa.

 

So akin po, huwag lang po nating tingnan iyong total figures, tingnan po natin iyong figures na gumagaling na halos 900,000 na at saka iyong ating case fatality rate na mababa po sa world average na 2.1.

 

‘Ayan po tingnan ninyo po ah, number 26 – dati number 20 po tayo – bumaba pa tayo sa number 26 bagama’t lumaki nga po iyong numero. At ang sabi ko nga po ang tingnan natin ilan ang gumaling sa 997,000 at ilan ang namatay – 1.7 po ‘no.

 

So I don’t think it is a negative reflection. On the other hand dahil nga po mayroon tayong world ranking, makikita po natin na we are managing still the new variants rather well.

 

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. And sir, follow up lang po sa sinagot ninyo nga kanina about sa quarantine classification. May I ask sir, para lang din malinaw sa ating mga kababayan. Puwede po ba natin i-recap, anu-ano po ba iyong mga pinagdadaanan ng IATF bago magkaroon ng rekomendasyon sa Pangulo? Kailan po kayo magmi-meeting at kailan ninyo naman po ito ipipresenta kay Pangulong Duterte?

 

SEC. ROQUE: Bukas po ‘no. At bagama’t magkakaroon ng apela pa iyan, tingin ko ibibigay na ang rekomendasyon kay Presidente kasi magiging a-uno na ng Mayo ‘no at ang Talk to the People nga ay Wednesday so puwede nang si Presidente mag-anunsiyo. Pero ang tinitingnan po natin iyong two-week attack rate, iyong daily attack rate at saka iyong healthcare utilization rate.

 

Ang mabuting balita naman po ay madadagdagan nang 179 ‘ata iyon ‘no, iyong sinabi ni Sec. Vince, iyong ating ICU beds. At kanina po kausap ko iyong Director ng Tala ‘no, iyong Jose Rodriguez – aba’y mayroon po silang additional 110 ICU doon po sa Tala ‘no. At hindi ko po alam kung na-reflect na iyong additional 110 dahil parang April 23 lang daw po nabuksan iyong kanilang 110 additional ICU ‘no. Hindi ko po alam kung na-reflect na iyan doon sa 700 beds na ICU na recorded natin ngayon sa ating statistics. Pero lalaki po iyan dahil 179 plus mayroon pang 110 doon po sa Tala.

 

MELA LESMORAS/PTV4: Opo. Panghuling katanungan na lamang po, Secretary Roque. Kung si Dr. Wong kanina sa kaniyang presentation, tinanong ninyo po siya kung ano sa kaniyang tingin, kung tayo ba’y ready na sa GCQ. At sinabi nga niya, para kay Dr. Wong ay hindi pa tayo ready. Sa Malacañang po kaya sir or kahit po sa inyong personal na opinyon base sa mga datos na inyong prinisenta po kanina, are we ready na po kaya sir sa GCQ?

 

SEC. ROQUE: Well ang sinabi po ni Dr. Wong, hanggang hindi mabigyan ng kasagutan ng lokal na pamahalaan, hindi pa siya makakasagot kung ready na kasi dapat makita natin iyong mga kasagutan doon sa mga tanong ni Dr. Wong.

 

Sa akin po, nakikiisa po ako doon sa sinabi ni Secretary Karl Chua – at congratulations kay Secretary Karl Chua dahil mayroon na po siyang regular appointment as Secretary ng NEDA ‘no – na ang ating objective iyong total health. Tingnan po natin ilan ang nagkakasakit, ilan ang namamatay sa COVID at ilan ang nagugutom, ilan ang nagkakasakit at ilan ang namamatay sa iba pang kadahilanan o dahil kaya doon sa dagdag na pahirap na nagbubunga sa lockdown. Total health po ang dapat tingnan natin.

 

MELA LESMORAS/PTV4: Okay. Thank you so much po Secretary Roque, Dr. Wong.

 

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Mela. Balik tayo kay Usec. Rocky, please.

 

USEC. IGNACIO: Yes. Question from Red Mendoza of Manila Times: Mamaya po aabot na tayo sa 1 million total cases kahit na sabihin natin na 900,000 ang gumaling, hindi makakaila na 1 million ay isang malaking threshold. Sa tingin ninyo isa itong malaking hampas sa government response sa pandemic na hinayaan na umabot sa 1 million ang total cases?

 

SEC. ROQUE: Well, sinagot ko na po iyan ‘no. Unang-una, hindi po natin hinayaan, talagang nagkaroon po ng mga variants na nagiging dahilan kung bakit lumobo. Tandaan ninyo po ha, noong mga February 22, wala pa po tayong mga 400,000 o 400,000 plus ang kaso, matapos po ang ilang buwan lamang, umabot na ng isang milyon. Ganiyan katindi po iyong mga new variants.

 

Pero ang dapat tingnan natin ay iyong mga 900,000 na gumaling, iyong ating case fatality rate at iyong ranking natin sa buong mundo na nagpapatunay na for the rest of the world problema talaga iyong pagdami ng kaso dahil po sa new variants.

 

USEC. IGNACIO: Second question po niya: Ano ang gagawin natin para maiwasan na umabot pa sa susunod na million cases ang Pilipinas?

 

SEC. ROQUE: Well unang-una po talagang kinakailangan pabilisan natin iyong pagbabakuna at kinakailangan paigtingin pa rin natin iyong ating PDITR – Prevention, Detection, Isolation, Treatment and Reintegration.

 

USEC. IGNACIO: Thank you, Secretary. Si Joseph Morong po iyong kasunod.

 

SEC. ROQUE: Go ahead Joseph, please.

 

JOSEPH MORONG/GMA7: Hi. Sir, good afternoon. Sir, iyong mga patanong muna kasi hindi na nga umabot sa cut off kanina eh ‘no. From Maki: Iyon daw pong mga healthcare workers, iyong special allowance nila gusto sana nilang tanggalin iyong mga conditions. One of those conditions is pro-rata so ibig sabihin hindi nila nakukuha because pro-rated iyong kanilang special allowance. So, what’s the position of the government here—ibig sabihin parang kumbaga ang lumalabas parang per day iyong special allowance nila. Are we amendable to changing that as parang token of appreciation for them?

 

SEC. ROQUE: Lilinawin ko po iyan sa DOH. Siyempre kung ako ang tatanungin pabor ako diyan pero wala naman po akong kapangyarihan. [laughs]

 

DOH po magdidesisyon diyan, hayaan ninyo po ipararating ko kaagad kay Secretary Duque ito, itong bagay na ito.

 

JOSEPH MORONG/GMA7: Yeah. Sir, kay Cedric naman. Sir, may bill yata sa House na gawing mandatory iyong vaccination because of course maybe iyong vaccine hesitancy.

 

SEC. ROQUE: Wala pa pong posisyon ang ating Presidente tungkol dito. Ang tingin po natin ay dumadami na po o tumataas na ang vaccine confidence kaya nga po ang problema natin hindi sapat ang bakuna ‘no doon sa mga gustong magpabakuna.

 

Pero ganoon pa man, bilang isang abogado po, kabahagi po ng police power ng estado ang i-require ang bakuna kung talagang kinakailangan. Pero sa ngayon naman po, mukhang hindi naman kinakailangang mandatory iyan, dahil hinihintay pa natin iyong bulto ng ating mga bakuna. So tama lang naman na habang wala pa iyong mga karamihan ng bakuna natin ay hindi pa nagnanais na magpabakuna ang lahat.

JOSEPH MORONG/GMA NEWS: Sir, I will go now for my question. Sir, can I go first to Dr. Wong, before sa inyo po?

SEC. ROQUE: Go ahead please.

JOSEPH MORONG/GMA NEWS: Good afternoon, Sir. Hi Sir, okay so you mentioned Sir, mga matrix, mga things that you would like to see before we could justify a move to a deceleration to GCQ. And two of these things, testing and quarantine at saka iyong vaccination ng 350,000. Just based on this, Sir, I’m sure you know this, because you are part of the IATF, kaya ba iyan Sir, na ma-achieve or mukhang impossible so therefore, our position is, if based on health management, we better stay in MECQ?

DR. WONG: First, we need to look out where we are now. So we need the LGUs to report on how well they are doing well on each of these indicators. And then if they are not doing well, we have to look into why they are not doing well, identify the reasons and then figure out how to improve. Some LGUs are doing better than others. So baka we can borrow best practices for the other LGUs. Pero the key is execution. So to be able to execute better, we need to know how well they are doing now.

JOSEPH MORONG/GMA NEWS: Sir, sa vaccination, 350,00o iyong requirement po ninyo, mukhang medyo, Sir, is that in the realm of possibility, because that will dictate whether we can confidently move to GCQ?

DR. WONG: Again, we can borrow from best practices from other countries. So for example in Baltimore, in the States, there is one vaccination site that they can do 5,000 in a day. So if we can learn from their experiences and scale up the number of these mass vaccinations sites that we have, I think we can also achieve that.

SEC. ROQUE: Idagdag ko lang, Joseph, iyong dumating na 500,000 nalaman ko na hindi pa natin nadi-distribute iyan kasi mayroon silang hinihingi na certificate of analysis. Para masigurado na iyong dumadating na batch na Sinovac ay of the same standard na kinakailangan natin. So kanina ko lang nalaman na iyong pangalawang 500,000 hindi pa nadi-distribute at parating pa iyong pangatlo na 500,000.  So magkakaroon tayo ng isang milyon, tingin ko naman iyong 350,000 na sinasabi ni Dr. Wong ay madali sa atin iyan, kasi nga ang problema natin kulang, hindi sa mabagal ‘no. So, kung iri-release natin lahat iyong 500,000 at I understand sa 29 baka makuha na iyong certificate of analysis at ma-release natin kaagad iyong 500,000, sapat iyong bakuna natin para ma-achieve iyong 350,000 na sinasabi ni Dr. Wong.

JOSEPH MORONG/GMA NEWS: And therefore, Sir, GCQ na tayo?

SEC. ROQUE: Kung makakamit natin iyon at kung masasagot nga ng mga local governments iyong mga tanong na binanggit ni Dr. John Wong.

  

JOSEPH MORONG/GMA NEWS: Sir, one lang ulit, kay Dr. Wong. Sir, I know that you are one of the think tanks, you were part of the think tanks sa IATF. Pero kung, Sir, kayo po confident po ba kayo na mag-GCQ tayo?

DR. WONG: Right now, without seeing any indicators, I would not recommend it. So it’s like driving, I mean, you have to check first whether your car is in good working condition, before you undertake a long trip or move forward.

SEC. ROQUE: Ang solusyon, Joseph, eh tanungin talaga natin iyong mga pamahalaang lokal, iyong kasagutan nila dito sa mga tanong na ito.

JOSEPH MORONG/GMA NEWS: Sir, last na lang. I would like to go sana doon sa EEZ, pero I don’t have time na. But one last question. Sir, in your analysis, you have mentioned this in part kanina, mayroon po bang effect talaga, for the record, lang iyong MECQ at ECQ natin and what’s the benefit of extending MECQ, if ever?

SEC. ROQUE: Si Dr. Wong ba iyan o sa akin?

JOSEPH MORONG/GMA NEWS: Sa inyo po, Sir, as IATF Spox?

SEC. ROQUE: Okay, well bilang tagapagsalita ng IATF gumana po ang ating ECQ at MECQ. Napababa po natin sa less than 1 pa nga ang ating R Naught. Pero ang kinakailangan nating masigurado ay hindi po masasayang iyong gains ng ECQ at ng MECQ at makakamit naman po ito kung maisasagot po o maibibigay ang mga tamang sagot doon sa mga tanong pagdating po sa PDITR sa lebel po ng mga lokal na pamahalaan, lalung-lalo na dito sa NCR plus.

JOSEPH MORONG/GMA NEWS: Sir, sorry hindi ko mapakawalan sa utak ko, shoot ko lang. Sir, iyon pong discussion ninyo sa EEZ, so bottom line is the baselines law limited our territorial seas and that law is approved under whose administration and what does it do now to the Chinese actions in areas that are outside of our territorial seas but within our EEZ? So are you justifying it, sir?

SEC. ROQUE: Unang-una nabalewala po iyong section 1, article 1 ng ating Saligang Batas na iyong karagatan na nasa loob ng straight archipelagic baseline ay internal waters, hindi pupuwedeng  maglayag ang mga dayuhang mga barko. Pangalawa, napakalaki ng nawala sa ating sa territorial sea. Now, ang naging justification kung bakit kinakailangan maging compliant daw tayo with UN Convention of Law of the Sea, eh kasi mayroon nga tayong hidwaan pagdating sa teritoryo at makakatulong daw itong batas na ito sa hidwaang ito.

Pero anong nangyari, sinabi nga po noong tribunal itself na hindi nakatulong iyong batas na iyan, kasi hindi naman po ini-incorporate ang Spratly sa tama rin na pamamaraan. So, nawalan tayo ng internal waters, nawalan tayo ng territorial sea at hindi naman po nakatulong sa ating kaso dito sa hidwaan ng teritoryo. Dapat po pag-aralan ng Kongreso at kinakailangan po eh repasuhan iyong batas na iyan at ibalik po iyong ating Treaty of Paris, dahil sa international law naman po uti possidetis, kinikilala po iyan under customary international convention.

JOSEPH MORONG/GMA NEWS: So the Chinese presents there, Sir, iyong poaching activities nila and even  mere presence in the West Philippine Sea, hindi iyon mali, because would  limited our  territorial waters where we can exercise our jurisdiction  by the baselines law.

SEC. ROQUE: Well, alam po ninyo kasi depende iyan kung saan iyong pangingisda, hindi ka pupuwedeng mag-generalized, kasi napakalaki noong West Philippine Sea.  Now, pagdating doon sa pangingisda sa Scarborough Shoal, pupuwedeng  mangisda ang lahat, hindi po iyan dahil sa joint fishing agreement, iyan po iyong desisyon ng Arbitral Tribunal na magkakaroon ng traditional fishing doon po sa Scarborough Shoal, Tsino, Vietnamese at mga Pilipino pupuwedeng mangisda, pero traditional, hindi dapat commercial.

Now, pagdating naman po doon sa mga iba’t ibang lugar, depende po kasi iyan eh. Kasi itong latest na pinag-aawayan natin, bagama’t iyan po ay kabahagi noong PD ni Marcos na inaangkin natin, ang katotohanan naman po talagang matinding nag-aagawan diyan ay ang bansang Tsina at saka an bansang Vietnam. So kung titingnan po natin, ang West Philippine Sea, hindi naman po talaga kinikilala siya for fishing resources, iyong buong Spratlys nga po, iyong Kalayaan Group kung titingnan mo sa mapa – dangerous grounds.

So kinakailangan specify kung saan iyong pangingisda, kasi mayroong mga identified na rich fishing areas kagaya iyan ng Scarborough Shoal na subject to traditional fishing regime lahat pupuwedeng mangisda at may mga lugar naman diyan na talaga namang hindi traditional fishing grounds at maraming nag-aangkin diyan. Although mayroon din tayong claim.

                          

JOSEPH MORONG/GMA NEWS: Okay, Sir, thank you for your time, Dr. Wong thank you for your time also, Sir.

    

SEC. ROQUE: Maraming salamat at naintindihan ko na mahaba iyong presentasyon ko, puwede namang bukas kayo magtanong doon sa tungkol sa naging presentasyon ko.

Usec. Rocky, back to you.

USEC. IGNACIO: Yes, from Kyle Atienza ng Business World: Is the President still willing to declare a state of emergency to address ASF?

SEC. ROQUE: Pinag-aralan pong mabuti iyan ng Office of the President. At sinisigurado po natin na magkaroon ng complete staff work bago po iprisenta kay Presidente.

         

USEC. IGNACIO: Second question po niya: Pfizer Incorporated reportedly asked the governments of Argentina and Brazil to put up military bases and federal bank reserves as part of the deal to acquire the vaccines made by the American drug manufacturer. The move was described as high-level bullying. Did Pfizer Incorporated demand the same deal to the Philippine government?

SEC. ROQUE: Wala po akong alam diyan, dahil hindi naman ako nakikipag-usap sa Pfizer. Pero kung magkaroon ng demand, kilala naman natin ang Presidente, alam natin na magiging desisyon niya. Sinisiguro po natin na kung hindi tayo makakakuha ng Pfizer, makakakuha tayo ng ibang mga bakuna.

USEC. IGNACIO: Third question po niya: the US government imposed restrictions on exports of supplies that vaccine makers in India need to expand production. Will this affect the country’s vaccine supply, may mga pagbabago ba sa timeline ng vaccine deliveries?

 

SEC. ROQUE: Ang huli ko pong balita kay Secretary Galvez, bagama’t nagpunta pa nga sila sa India, eh nananatili pong four million ang kukunin nating Novavax at hindi nga po sila nakakuha ng additional doon sa kanilang trip kasi ang maku-commit lang ng India ay iyong four million na Novavax.

 

USEC. IGNACIO: Okay. Ang susunod pong magtatanong Secretary ay si Pia Rañada ng Rappler.

 

SEC. ROQUE: Go ahead, Pia.

 

PIA RANADA/RAPPLER: Hi, Sec.! Can you hear me?

 

SEC. ROQUE: Yes, I can.

 

PIA RANADA/RAPPLER: Sir, just on the NTF-ELCAC and community pantries issue. Sir, is the Palace worried that the remarks of General Parlade are endangering the NTF-ELCAC’s Barangay Development Program given that lawmakers want to defund the Task Force over his community pantry remarks?

 

SEC. ROQUE: Well, tingin ko naman po alam ng ating mga mambabatas na ang programa ay may ibang rasyonal kaysa doon sa tumatayong tagapagsalita. At actually, nakausap ko na rin si Secretary Esperon at sinabi naman niya sa akin na pinagsabihan na niya parehong si General Parlade at saka si Usec. Badoy na maging mas mahinahon at mas maingat sa mga binibitawang mga salita.

 

PIA RANADA/RAPPLER: And sir, the Palace stands by this order from the NSA? You support po iyong ganoong stance niya? Gag order—

 

SEC. ROQUE: Opo. At ang ating paki-usap po ay alam naman po natin ang polisiya natin, wine-welcome natin itong bayanihan ng community pantries at hinihingi natin sa lahat ng opisyales, maging mas maingat at maging mas… how should I put it – mas malalim sa kanilang mga sinasabi, na kailangan mas malawak ang kanilang pananaw.

 

PIA RANADA/RAPPLER: And then, sir, lastly before I ask a small question lang to Dr. Wong. Sir, knowing that we will eventually have to reopen the economy and there are more variants out there, what’s the government’s plan to avoid that tragic situation where we had full hospitals and patients dying while waiting for treatment, how are you going to change our system para may earlier action on beefing-up hospitals like deploying maybe nurses from other regions to Metro Manila so that hindi na nga po mangyari iyong full hospitals and people dying while waiting?

 

SEC. ROQUE: Alam ninyo po, patuloy ang pag-uusap namin ni Secretary Duque dahil noong ako ay naka-confine sa PGH talagang nangako ako na magiging advocacy ko na makakatulong ako sa proseso ng pagdagdag ng mga ICU beds. Kung titingnan mo naman ang datos, hindi tayo nagkulang ng kama para sa COVID; ang nagkukulang tayo, ICU beds. Ito ay importante because ito iyong life-saving ano, ito iyong severe and critical.

 

Pero ngayon nga po may nagawa na po si Secretary Vince sa pamamagitan ng pagbabayad ng utang ng PhilHealth. Nagkaroon tayo ng 179 additional at kanina ko nga lang po nalaman na noong April 23 lamang nagbukas ng 110 ICU beds ang Tala ‘no. At patuloy po ang pag-uusap namin ni Secretary Duque para magkaroon ng iba’t-ibang pamamaraan para madagdagan pa ng 200 ICU beds dito po sa Metro Manila.

 

Iyan po talaga ang solusyon, dahil hindi naman po tayo nagkukulang sa isolation beds, isolation ward at TTMF, mababa nga po tayo, nasa 60% lang ngayon. Ang dapat nating damihan talaga iyong ICU bagama’t bumaba na rin ang usage ng ICU, nasa 72 na po tayo ngayon.

 

PIA RANADA/RAPPLER: And then, sir, lastly for Dr. Wong. Sir, you mentioned iyong 350,000 shots a day. Sir, just to clarify, by when we should be doing this 350,000 shots a day and for how long do we do this is in order to achieve herd immunity?

 

DR. WONG: The basis for the 350,000 is if we started March 1 and we hope to achieve 70% vaccination of the population after a year ‘no, let’s say February 28, 2022, that’s the rate that we should be doing that ‘no. But since we’re already two months into the vaccination and we haven’t reached that number yet ‘no, the 350 maybe another, well not maybe, it’s a certainly underestimate lang, we probably should be doing more.

 

The later—maybe I should answer the question this way ‘no: The later that we’re able to hit that target or even higher, the bigger the target will become otherwise ‘no we will fail to achieve that target by February next year.

 

PIA RANADA/RAPPLER: All right. Thank you, sirs!

 

DR. WONG: Thank you.

 

SEC. ROQUE: Maraming salamat, Pia. Balik tayo kay Usec, Rocky.

 

USEC. IGNACIO: Secretary, from Maricel Halili of TV5: Why is there a delay on the arrival of Sputnik V? It was supposed to arrive on April 25 but it did not happen, can you give us the details?

 

SEC. ROQUE: Hindi ko po alam pero siguradong darating na ang 15,000 doon sa 28 ‘no. Ang Sputnik V po kasi requires negative twenty handling, so I suppose it has something to do with the cold storage handling ‘no. At kaya nga po maliit lang muna, may trial order muna tayo dahil titingnan natin kung paano natin iha-handle. We’ve never handled negative twenty before kasi ang Astra at ang Sinovac ordinary refrigeration lamang.

 

USEC. IGNACIO: Ang second question po niya: Father Austriaco of UST believes that the Filipinos are now developing the opposite of vaccine hesitancy which is vaccine envy. Does the government share the same observation; what do you think of this?

 

SEC. ROQUE: Ayaw ko pong isipin na vaccine envy iyon, ang tingin ko po that is vaccine confidence. Kasi mayroon naman po talagang dalawang survey na nagsasabi na ang majority ng Pilipinong nagpapaturok kapag nakita na nila iyong kapitbahay nila magpaturok at tingin ko po iyan ang nangyayari. So huwag po kayong mag-alala, pinaparami naman po natin ang supply nang mas marami ang mabakunahan.

 

USEC. IGNACIO: Ang third question po niya: Father Austriaco also said that the vaccine will likely be mandated not by the government but by the private sector. May private groups na raw kasi ang nag-e-evaluate ngayon na gawing mandatory ang bakuna sa kanila. Is this cause of concern?

 

SEC. ROQUE: Hindi naman po dahil sabi ko nga eh hindi naman po out of the question na talagang ang gobyerno mismo ang mag-require dahil kabahagi naman po iyan ng police power. Pero kung ang employers naman po ang mag-require niyan for continued employment, eh dapat galangin din natin iyong desisyon ng mga employers.

 

USEC. IGNACIO: Secretary, si Melo Acuña ang susunod na magtatanong.

 

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Good afternoon! Good afternoon, Secretary at ganoon din kay Dr. Wong! Ang tanong ko po ay mula sa mga naninirahan sa barangay na nagkaroon ng close contact sa nag-positive. Saan daw po sila magtutungo para magpa-test sapagkat worried din sila na baka COVID positive sila. Are there government institutions doing the testing for free?

 

SEC. ROQUE: Well, alam ninyo po, kabahagi po iyan ng babayaran ng PhilHealth, iyong mga naging close contact. So, in answer to your question, puwede silang tumawag sa kanilang barangay at iyong kanilang barangay ay makikipag-usap sa LGU dahil ganiyan po iyong naging karanasan ko. Dalawang beses na ako nag-COVID lahat ng naging close contact ko ay ang local government po ang nag-test at libre po iyan kasi kasama po iyan sa babayaran ng PhilHealth. So, hindi po iyan libre kung hindi babayaran po iyan ng PhilHealth.

 

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Thank you po naliwanag ninyo. Nabalitaan rin po na [garbled] Yes?

 

SEC. ROQUE: ­[Garbled]

 

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY:Yeah. Gumaling po iyong 903,665 na naging COVID positive – congratulations kabilang kayo roon – mayroon po bang programa ang gobyerno na aftercare para doon sa mga gumaling upang huwag na silang magkaroon muli ng COVID-19? Mayroon po bang aftercare program para sa kanila?

 

SEC. ROQUE: Well, wala pa po akong alam na aftercare program pero ako po talaga dahil marami akong comorbidities eh mas regular po ngayon ang aking check-up. Once a month po kinakailangan akong pumunta sa aking cardiologist dahil binabantayan po nila ang aking puso dahil maraming kaso daw po na gumaling sa COVID using Remdesivir na nagkakaroon naman ng atake ay isa po iyan sa comorbidities ko. So, mas madalas po ngayon ang aking mga bisita sa doktor.

 

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Well, could you recommend that the DOH come up with a program for the survivors? It’s good for you, you have your cardiologist who attends to you but not all survivors are of the same mould, Secretary.

 

SEC. ROQUE: Well, siguro po imumungkahi natin iyan sa DOH kasi ang mga nababalita nga po, may mga pag-aaral na isa pang nagiging problema ng mga nagrirekober sa COVID ay iyong depression. So, siguro po sa susunod na IATF meeting imumungkahi ko po iyan bilang isang COVID survivor.

 

MELO ACUÑA/ASIA PACIFIC DAILY: Very good. Congratulations. Salamat po! Pero may isa pa ring issue, kung ni-require ng isang quarantine facility na magtagal doon ang isang nag-COVID positive na asymptomatic, iyon po ba ay may koordinasyon sa barangay dahilan sa iba iyong programa noong nasa facility kaysa doon sa barangay? Parang cause ito ng conflict, Secretary.

 

SEC. ROQUE: Well, kapag sila po ay nagpunta sa TTMF, magkakaroon po sila ng certificate of quarantine at mayroon po ako niyan. Ang certificate of quarantine naman ay nagsasabi na either ikaw ay negatibo na sa PCR or ikaw po ay nag-quarantine na nang 14 days kasi mayroon po tayong DOH guideline na nagsasabi na kapag ikaw ay nag-quarantine ng 14 days you are deemed recovered and without need of further test.

 

Ang protocol nga po ng DOH, hindi na nagpapa-PCR after 14 days kasi chances are false positive na po iyon [garbled] of the sciences after 14 days ay tapos na po iyan. Kaya nga po iyong pangalawang beses ko, mayroon naman akong medical certificate na nagsasabi na tapos na akong mag-14 days at hindi na ako kinakailangan magpa-test. At iyan po ang protocol na dapat sundin ng lahat. After 14 days of quarantine, deemed recovered na po ang COVID positive.

 

MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC: Opo. Pahabol ko na lamang po. Doon po sa inyong—

 

SEC. ROQUE: Yes, Dr. Wong. Dr. Wong…

 

DR. WONG: I’m sorry. I just like to add to the question of Mr. Acuña ‘no. So aside from post COVID care, the other issue that we also have to address is the new condition called long COVID ‘no or long haulers. They found that about 20 to 30 percent of COVID patients ‘no still have symptoms ‘no 6 months afterwards. Not a lot is known yet about this condition, we don’t know what’s causing it and we still don’t have good effective treatments ‘no. Pero this is an issue that the Philippines also has to adjust ‘no considering that we have almost a million cases.

 

MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC: Opo. May timeline po kayo, Dr. Wong, para matapos iyong pag-aaral?

 

DR. WONG:  I’m personally not involved in any of the studies ‘no. Pero worldwide ‘no in a lot of developed countries ‘no, they have this ongoing studies. I’m not yet aware of any local study.

 

MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC: Ah, okay. Salamat po. Para po kay Secretary Harry, doon po sa presentation ninyo sa ating territorial area ‘no. Ngayon pong ganiyan ang sitwasyon, anong remedyo ang magagawa ng ating pamahalaan to protect our interests? 

 

SEC. ROQUE: Well, ito nga po ang sinasabi lang natin, dinatnan na po iyan ni Presidente. Hindi po sa termino ni Presidente nawala ang Scarborough, hindi po sa teritoryo ni Presidente na gumawa ng artificial islands ang Tsina at hindi sa termino ni Presidente na nagkaroon tayo ng batas at isang desisyon ni Justice Carpio na naging dahilan kung bakit nawalan tayo ng internal waters at territorial seas.

 

The President has had to deal with these when he came into office. At ang issue nga is, gagawin ba niyang hadlang ito para tuluyan nang matigil ang ating relasyon sa Tsina o pupuwede ba nating isulong iyong mga bagay-bagay na pupuwede namang isulong hanggang wala pang pinal na solusyon itong pinag-aagawang teritoryo.

 

Alam ninyo po talagang malayo pa, mahaba pa ang ating tatahakin bago magkaroon ng resolusyon kasi iyong award na napanalunan na natin ay tungkol lang po sa karagatan. Ang pinag-aagawan isla, lupa – iba po ang law applicable, hindi po applicable ang UN Convention on the Law of the Sea. At iyan din po iyong sinabi natin sa kaso ng Magallona – paano makakaapekto ang Law of the Sea eh ang pinag-aagawan ay isla ‘di ba po?

 

MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC: Okay. Iwan na muna natin. Maraming salamat Secretary Harry at Dr. Wong. Thank you very much. Have a nice day.

 

SEC. ROQUE:  As I said kung may katanungan pa kayo bukas dahil medyo mahaba iyong ating presentasyon, it’s fair that you ask them tomorrow. Thank you very much, Melo.

 

Usec. Rocky, please.

 

USEC. IGNACIO: Yes. Secretary, question from Haydee Sampang of DZAS: May plano ba ang Malacañang na mag-impose ng travel ban sa India dahil sa na-discover na double mutant variant ng COVID-19 doon para hindi ito makapasok sa Pilipinas?

 

SEC. ROQUE:  Pinag-aaralan na po iyan bagama’t wala naman po tayong direct flights ngayon sa India.

 

USEC. IGNACIO: From MJ Blancaflor of Daily Tribune: Senator Lacson said Congress could defund the NTF-ELCAC next year if the DND continues to ignore the Senate’s recommendation to remove General Parlade as Spokesperson. What’s the Palace’ take on this? Will the President block the Congress’ move to defund the task force in 2022?

 

SEC. ROQUE:  Iyan naman po ay personal na opinyon ni Senator Lacson at alam naman natin ang proseso ng lawmaking, kinakailangan magkaroon talaga iyan ng consensus ‘no. Malayo pa iyong tatahakin niyan kung talagang madi-defund po iyan. Pero ang ating panawagan sa ating mga policymakers, alam naman po nila na ang policy ay may pagkakaiba doon sa mga nagpapatupad ng policy. At hindi naman dahilan para iyong isang tao na tagapagsalita ay maging dahilan para mabalewala ang isang polisiya. 

 

USEC. IGNACIO: Ang second question po niya: Do you agree with General Parlade that senators shouldn’t drag the whole NTF-ELCAC into the discussion if they had a problem with him?

 

SEC. ROQUE: Tama po iyon – I agree.

 

USEC. IGNACIO: Okay. Thank you, Secretary. Iyon lang po iyong mga question natin.  

 

SEC. ROQUE:  Well, maraming salamat po sa inyo. Pasensiya na po kayo bumalik ako doon sa aking dating papel na propesor ng international law pero kinakailangan po talaga sa pagbabalik-tanaw natin dito sa ika-500 years nang pagdating ng mga Espanyol sa Pilipinas eh talakayin din natin iyong isang legacy na nakuha natin sa mga Espanyol – isa nga dito iyong pagdating ng pananampalatayang Simbahang Katolika. Pero pangalawa, iyong depinisyon ng ating national territory na naging relevant po dahil nga po sa usapin ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

 

Ang ating mensahe lang po, hindi po naninisi ang Presidente. Hindi po natin kinukuwestiyon ang pagmamahal sa bayan ng kahit sino. Pero ang pinaiintindi lang po natin, ang mga problema ng West Philippine Sea, hindi po iyan kagagawan ng Presidente at ang ginagawa po niya ay humahanap ng lunas na ituloy ang ating relasyon without sacrificing even an inch of our territory.

 

Sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, maraming salamat po kay Dr. John Wong, ang ating panauhin. Maraming salamat Usec. Rocky at maraming salamat sa lahat ng kasama natin sa Malacañang Press Corps.

 

Sa ngalan po uli ng ating Presidente, Pilipinas babangon din po tayo. Napakadami na nating pagsubok na dinaanan at ni minsan po hindi tayo nagpasupil. Tayo po ay bumangon at lumaban. Magwawagi din po tayo laban sa COVID-19.

 

Magandang hapon po sa inyong lahat.

 

###