日: 2021年5月8日
Alleged NPA killed in Agusan del Sur
Nograles recognizes Cagayan Valley agri output amidst pademic
Despite declining COVID-19 cases, extension of MECQ would help: OCTA Research
Eleazar tells policemen: arrest face mask violators but do not hurt or punish them
Transcript: Consolidated Public Briefing #LagingHandaPH May 8, 2021
PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS OFFICE
News and Information Bureau
PUBLIC BRIEFING
HOSTED BY PCOO UNDERSECRETARY ROCKY IGNACIO
MAY 8, 2021 [11:01 A.M. – 12:04 P.M.]
USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas. Mula sa PCOO, ako po si Usec. Rocky Ignacio. Ngayong araw ng Sabado, muli ninyo kaming samahan sa makabuluhang talakayan para linawin ang samu’t saring usapin sa bansa. Makakasama pa rin po natin ang mga panauhin mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan na direktang sasagutin ang tanong ng bayan. Simulan na po natin ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Maya-maya lamang po ay makakasama natin sa programa sina Department of Agriculture Secretary William Dar; GSIS Executive Vice President Nora Malubay; at Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Kung mayroon naman po kayong katanungan, mag-comment lamang sa live streaming ng ating programa sa PTV Facebook at YouTube account.
Sa gitna po ng mahigpit na pagpapatupad ng health protocols, hinimok ni Senator Bong Go ang mga awtoridad na pairalin pa rin ang malasakit sa mamamayan. Dapat aniyang balansehin ang mga ipinatutupad na patakaran at sitwasyon sa buhay ng ating mga kababayan. Narito po ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Nagkasundo na po ang Senado at ang economic managers ng administrasyon sa ipapataw na taripa sa mga imported na karneng baboy. Ang tanong: Tuluyan na bang bababa ang presyo ng bilihin sa merkado? Aalamin po natin iyan mula kay Department of Agriculture Secretary William Dar. Secretary, welcome back po.
DA SECRETARY DAR: Hello! Usec. Rocky, magandang umaga po.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, may napagkasunduang adjustments nga po tungkol sa tariff rate ng imported pork meat from the original rate daw po sa Executive Order 128 ni Pangulong Duterte. Nadagdagan lang ito ng Senado at mga economic managers ng 5% pa po. So bababa rin ang minimum access volume or import ceiling na pinapayagan. Kayo po ba talaga ay pabor sa mga pagbabagong ito?
DA SECRETARY DAR: Usec. Rocky, kami, kasama po namin ang chairman ng economic development cluster na si Secretary Carlos Dominguez at si Secretary Karl Chua ng NEDA dito po sa arrangement na bago po doon sa MAV Plus ay 200,000. So with the existing 54,000, the MAV will now total 254,000.
Doon naman sa pagbaba ng taripa, ang nakapagkasunduan po namin ay in quota po ay for the first three months ay ten percent and the remaining nine months ay 15%. Doon naman sa out quota po, ang napagkasunduan ay first three months, 20%; at the rest of the nine months ay 25%. So ito po, everyone happy and the Filipino is happy.
USEC. IGNACIO: Opo. Ayon po sa mga importers, Secretary, posible daw pong tumaas pa ang suggested retail price ng imported na baboy dahil daw po sa kasunduang ito, tama po ba ito? At malaki po ba raw iyong nakikita ninyong pag-angat na presyo?
DA SECRETARY DAR: Well, ang presyo po, base dito sa pinal na taripa na binababa na taripa ay we are now making the calculations and we are doing this in tandem, in partnership with the Department of Trade and Industry. So baka next week ay i-announce po namin iyong suggested retail price. Ganoon po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Opo. Iyon nga po, sinabi ninyo nga po na maaaring sa susunod din na linggo ilabas ni Pangulong Duterte iyong bagong EO. So nakalagay na po kaya dito iyong puwede niyang bawiin iyong EO na agad-agad kung hindi naman po talaga bababa ang presyo ng karneng baboy sa merkado?
DA SECRETARY DAR: Iyon ang pakay ng amendment doon sa EO 128, so there will be a new executive order highlighting or mentioning itong pagbaba ng taripa. Mayroon din isang EO na nagsasaad doon iyong minimum access volume increase. So ganoon po ang inaasahan po natin.
Now, with these twin measures na MAV Plus, plus the lowering of the tariff of imported pork and pork products, ay nakikita po natin in general na bababa ang pork prices, imported pork prices to a level of about 23%. Iyon po.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Secretary, hindi naman po ba nangangamba ang Department of Agriculture na baka muling tumaas naman po iyong ASF cases dahil sa imported meat?
DA SECRETARY DAR: Well, pinaigting po natin iyong first border examination in many ways. We are doing that with the, of course, Bureau of Animal Industry at kasama niya ang National Meat Inspection Service, in tandem with the Department of Health and in regard to tariff measures ay with the Bureau of Customs.
So basta dumaan dito po sa proseso at legal iyong imported ay may pag-asa na hindi po makapasok ang ASF virus na galing sa ibang bansa. Kasi ang pinapayagan lang po natin kung saan angkatin iyong mga karne ng baboy ay doon sa ASF-free countries. So ganoon po.
Ang problema, doon sa mga smuggled items ay doon talaga tayo magkaproblema kasi ang borders po natin ay very porous at may nakakalusot in spite of the whole of nation approach dito po sa pagbantay ng mga borders natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, naitala kasi sa ilang lugar sa China iyong bagong variant ng African Swine Fever. Base po sa inyong pag-aaral, mas malala po ba iyong posibleng epekto nito sa mga baboy?
DA SECRETARY DAR: Iyon po ang reports na natanggap po natin internationally na iyong variants na nag-evolve na sa China at mas matindi raw dito sa existing ASF virus.
USEC. IGNACIO: Sinabi ninyo nga po pinahihigpit po iyong mga regulasyon para hindi mangyari iyan. Pero sa ngayon po ba ay may import ban tayo ng karneng baboy sa China dahil po sa balitang ito? At kung wala pa po, ano po iyong mekanismo ng Department of Agriculture para po ma-detect kung strain-free ang mga pumapasok na karne sa bansa.
DA SEC. DAR: Iyong galing China po ay wala na talaga, dapat wala na. Wala kaming pinapayagan, binibigyan ng permit na mag-angkat ng karneng baboy galing China. It’s banned. So ang pinakaproblema na bantayan natin iyan ay iyong mga smuggled pork products na galing China.
USEC. IGNACIO: Opo. Pasensiya na, Secretary, kailangan itanong ko sa inyo ito ‘no. Sinampahan daw po kayo ng criminal complaint sa Ombudsman ng isang grupong Sinag dahil sa kabagalan ‘di umano ng Department of Agriculture na magkaroon ng border inspection facility na magpuprotekta sana noon sa local hog industry mula daw po sa ASF. So ano po ang masasabi ninyo dito, Secretary?
DA SEC. DAR: Bago ko sagutin iyan, Usec. Rocky, gusto kong banggitin din na mayroon na tayong trials ng bakuna kontra African Swine Fever. Mayroong isang US vaccine company, Zoetiz, working with us now, working with 10 commercial farms in the country para ma-testing po itong mga bakuna na ito.
Now iyong katanungan ninyo ay simula’t sapul naman ay iyong dati na ginagawa ay we strengthen continuously iyan. Anong ibig sabihin, Usec. Rocky? Iyong first border inspection ay nandiyan ang BOC at ang mga kawani ng Bureau of Animal Industry namin na titingnan/bubuklatin at ikukumpara doon sa papeles kung tama ba iyong manifest doon sa nakikita sa cargo.
Now, kung tama muna ay isiselyo ho iyan, siselyuhan ng Bureau of Animal Industry with Bureau of Customs in attendance at dadalhin iyan sa pangalawang border inspection at dito na ngayon bubuklatin 100% iyong parating. At ang isang strengthening na ginagawa po natin ay mag-spot test na tayo kung mayroon African Swine Fever. So on top of what have been done before, pinapaigting po namin na may spot checking kung may virus na African Swine Fever. Iyon po ang masasabi ko po.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, pinag-aaralan naman daw po ng Department of Agriculture iyong paggamit ng Ivermectin sa iba pang mga gamot na gamit sa baboy bilang panlaban po sa ASF. So, ilang hog raisers po ba ang sasali sa trials at kung magkakaroon po at kailan po inaasahang makapaglalabas ng development tungkol sa effectivity ng ginawang trial?
DA SEC. DAR: Opo, Usec. Rocky. Mayroong tatlong anti-viral products na tini-testing na ngayon ng Bureau of Animal Industry in tandem with the hog raisers with some universities. At ito ay kagaya din sa bakuna, we would like to see whether these are effective or not. So i-observe po natin iyan for, say about 3 months at titingnan natin kung ituloy pa natin iyong trial. So we will follow iyong mga standard testing procedures or protocols para dito sa tatlong anti-viral products kagaya ng Ivermectin.
USEC. IGNACIO: Opo. Secretary, panghuli na lang, kumusta po iyong ating food security? Ito po bang nararanasan nating mainit na panahon ay nakakaapekto sa produksiyon ng ating mga pagkain?
DA SEC. DAR: This is now summer, Usec. Rocky, so lahat po ng ating mga commodity industries – let’s start with rice – again sapat po iyong ating produksiyon, mayroong augmentation na galing ibang bansa, iyong imports about 10%. Iyong mais ganoon, 55% so mayroong mga substitute na mais, feed wheat and the like. Ang isda ay we have more or less – open season na kasi – sapat naman iyong supply ng isda sa merkado. Fruits and vegetables ay talagang ito iyong panahon na sobra ang harvest and so the prices are very, very affordable.
USEC. IGNACIO: Okay. Kami po ay nagpapasalamat Secretary sa pagtanggap ninyo sa aming imbitasyon. Agriculture Secretary William Dar, mabuhay po kayo Secretary.
DA SEC. DAR: Mabuhay kayong lahat! Mabuhay tayong lahat! Sana po ito na iyong panahon na lahat po ay tulung-tulong. We are asking everyone to be one with government, to be one with the Department of Agriculture in managing and enhancing our food security levels. Marami pong salamat.
USEC. IGNACIO: Salamat, Secretary Dar.
Sa iba pang balita: Rumesponde agad ang team ni Senator Bong Go sa daang-daang kababayan nating biktima ng sunog sa ilang barangay ng Davao City. Ang mga ahensiya ng pamahalaan namahagi rin ng tulong pinansiyal sa mga nasunugan. Narito po ang report:
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Alamin naman po natin kung paano pinapagaan ng GSIS ang transaksiyon ng kanilang mga miyembro ngayong panahon ng pandemya. Makakasama po natin si GSIS Executive Vice President Nora Malubay. Welcome back po, ma’am.
GSIS EVP MALUBAY: Magandang umaga po, Usec. Rocky. Naririto po uli ako, salamat po sa pag-imbita.
USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, ano po itong tinatawag na Bayad Program ng GSIS?
GSIS EVP MALUBAY: Yes. Ito po ang bago nating proyekto under sa ating Ginhawa Projects, sa mga Ginhawa Programs. Kami po ay nagkaroon ng partnership with Bayad Centers, ito po ay magkakaroon nang karagdagang channel or outlet iyong atin pong mga GSIS members na instead of going to GSIS for over-the-counter payment o kaya iyong halimbawa iyong mga payments nilang hindi nasasama sa agency remittances so iyong mga kakulangan sa pagbabayad o hindi nakapagbayad o kaya naman po ay gustong mag-advance payment, ‘ayan puwede na po, tatanggapin po sa mga Bayad Centers sa different outlets po ng Bayad Centers. Iyan po ang bago nating programa, ibibigay na ginhawa sa ating mga GSIS members. Iyong iba ho kasi maraming nagtatanong kung paano sila magbabayad without going to the GSIS offices, mag-u-over the counter so ito po ay napakalaking ginhawa sa kanila.
USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, anu-ano po iyong mga loans na maaaring bayaran sa Bayad Centers para malinaw po sa ating mga miyembro?
GSIS EVP MALUBAY: Opo. Lahat po ng klase ng service loans na mayroon po silang gustong mag-advance payment o kaya naman may kakulangan o underpayment o kaya naman nagkaroon ng arrearages tulad po noong educational assistance loan noong dati, iyong mga e-card cash advance po natin, iyong mga enhanced conso loan, iyong mga dating salary loan po natin noong araw pa. Iyon pong mga “Fly PAL, Pay Later” na mga dating loans, kung halimbawa nagkaroon din siya ng arrearages sa kaniyang GSIS Financial Assistance Loan, iyong ating GFAL; ngayon po ay mayroon kaming bagong program, iyong multi-purpose loan.
Halimbawa lang, gusto niyang mag-advance payment or nagkaroon ng underpayment, iyan puwede po nilang bayaran iyan sa mga Bayad Centers or different outlets po ng ating Bayad Centers. Iyon pong loan noong araw, iyong home emergency loan program, paki-settle lang po iyan through our Bayad Centers and different payment outlets po ng Bayad Centers para hindi na masyadong takbuhan ang penalties.
Iyon din pong ating mga optional policy loans, iyon pong mga tinatawag nating program for restructuring and repayment of debts. Iyan po iyong mga inactive members na na may utang pa rin po, ang tawag po namin diyan sa programang iyan ay PRRD – Program for Restructuring and Repayment of Debts. Kung nag-apply na tapos magma-monthly amortization biglang nagkaroon ng underpayment o biglang nahinto, bayad lang po kayo sa Bayad Centers.
Iyon pong mga stock purchase loan noong araw at iyon pong mga iba pang salary loan, mga one-month salary noong araw at iba pang mga GSIS loans na bago, paparating pa lang, lahat po iyan ay iku-cover na po nitong Bayad Centers na ito.
USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, pero puwede ba daw pong cash, check or credit card iyong ipambayad dito sa GSIS loans?
GSIS EVP MALUBAY: Ang tinatanggap po sa mga Bayad Centers ay cash lang po. Opo, maliwanag po iyon, cash lang po lang po.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero paano raw po malalaman ng isang member na iyong kaniyang outstanding GSIS loan balance at iyong payments?
GSIS EVP MALUBAY: Opo. Puwede po silang bumisita sa GSIS member online o iyong tinatawag naming e-GSISMO in the meantime. Pero ang ginagawa po namin ngayon, iyong pinuprograma namin baka po this coming week ay maka-receive na sila, magkakaroon po kami ng tinatawag na text blast. So maaari po silang maka-receive ng mga text messages para sabihin na ito iyong kanilang puwedeng bayaran.
USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, tungkol naman po sa 20,000 pesos one-time cash aid para sa mga EC pensioners, may balita na po ba kung kailan magsisimula iyong pamamahagi nito sa parte po ninyo sa GSIS; at paano ninyo raw po ito maipatutupad?
GSIS EVP MALUBAY: Sa GSIS po, kami po ang nag-a-administer ng EC fund para po sa mga government workers, okay. So iyon pong mga EC pensioners, sila po iyong mga maagang nagsipag-retire because of disability, compensable under ECC, okay. Ngayon po, sila po ang makakatanggap na fix amount na 20,000 as one-time financial assistance.
Paano po babayaran ng GSIS iyan? Sila po kasi ay nagki-claim ng kanilang monthly EC pension, kung minsan po ay iniipon nila, two months, three months. So lahat po ng magki-claim, isasabay na po namin iyong 20,000. Either po through checks, iyong iba po kasi binabayaran pa sa tseke; iyong iba naman po ay may UMID e-card na, so ini-e-credit po namin iyan. Ngayon pong Mayo, ipapasatupad na po namin iyan. Pinuprograma na po namin, madaling-madali na lamang po iyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, kakadeklara nga lang po ng DOLE na compensable work-related disease na po iyong COVID-19, ano po. So nailatag ninyo na rin po ba ng ECC iyong guidelines sa pagkuha po ng benepisyo kaugnay dito?
GSIS EVP MALUBAY: Opo. Iyon pong guidelines diyan, actually po additional lamang iyan doon sa listahan ng mga compensable illnesses or sickness. So okay po, kung may guidelines na lalabas, pag-uusapan po namin sa board.
Pero kami po, sa tingin ko, puwede na po naming i-implement kasi ia-add lang po natin iyan sa additional list of compensable illnesses.
USEC. IGNACIO: Nanawagan po ang isang grupo ng mga teachers na i-cancel po ng GSIS iyong paniningil ng naipong loan interest nang magpatupad ng ECQ last year. Totoo po ba na diumano’y nagtsa-charge ang GSIS ng interest sa kanila para sa mga buwan ng April hanggang June last year, at hindi raw po ba labag ito sa Bayanihan Law 1 o iyong first Bayanihan law?
GSIS EVP MALUBAY: Liliwanagin ko po iyan, Usec. Rocky. Nagbigay po ang GSIS ng six months moratorium, okay. So ibig sabihin hindi po kami nangolekta sa kanilang mga loan amortizations for six months. Wala po kaming chinarge [charged] na interest. Bawal po iyon sa Bayanihan I and II, bawal po iyon. So hindi po kami nag-charge ng additional interest o whatever.
Hindi ko po malaman kung saan po nanggagaling iyong mga usapin na iyan. Hindi po pupuwede iyon, bawal po iyon. So ang nangyari po diyan, kung ano po iyong monthly amortization nila for six months, hindi po kami kumolekta. So halimbawa po ang remaining term of the loan niya ay six months na lang, in-add lang po namin iyong plus six months, so inusod lang, inusod lang namin, idinifer [deferred]. So after six months, on the seventh month ay nag-umpisa na po tayong mag-bill. So nagbabayad na po sila kung ano po iyong kanilang regular na monthly loan amortization.
Ganoon lang po. Wala po kaming additional interest na chinarge [charged]. Maliwanag po iyan sa policy na in-approve ng ating GSIS board of trustees. Aba eh, talaga pong pina-defer. Malaking bagay po iyon at kami po ay six months ang ginawa namin. So wala po kaming—liliwanagin ko po: Wala po kaming chinarge na additional interest. Wala po.
USEC. IGNACIO: Opo. Ma’am, mayroong nagpapatanong lang po, ano. Iyon daw pong—baka alam ninyo na rin po ito, iyong burial benefit daw po kasi February pa raw po nag-file pero until now po ay wala pang nakukuha. Iyan po ay tanong ng isang kasamahan namin dito sa Malacañang, namatay po kasi iyong kaniyang mother. So papaano po ito, kasi February pa po nangyari at pinayl daw po at until now ay wala pa po daw iyong burial benefits. Papaano daw po iyong kaniyang dapat gawin para mapabilis?
GSIS EVP MALUBAY: Puwede sana, Usec., ibigay lang sa akin iyong pangalan po noong namatay at kung sino po iyong contact person, iyong cellphone number kasi po mabilis lang po ang pagbabayad natin ng funeral benefit na 30,000. Ang amin pong commitment ay 20 working days, kung minsan po ay mas napapaaga pa, nababayaran namin. Kasi po ang requirement lang dito, iyong application siyempre for burial benefit at saka po iyong death certificate kahit po hindi pa iyon iyong na-duly authenticated ng PSA, basta po iyon lang iyong nailabas ng hospital o kaya ng local civil registrar office, puwede na po iyon. Kaya po mabilis kaming magbayad ng funeral benefit.
Malaman ko lamang po sana kung sino po, anong pangalan, anong namatay para po masilip natin kung nasaan po iyong kaniyang burial benefit application; bakit po hindi pa siya nababayaran. Kung February po iyon, aba ay dapat po within ten to 20 days bayad po iyon. Hindi po nagtatagal ang burial benefit natin kasi po mayroon tayong ARTA, Anti-Red Tape Act na commitment number of days ‘no, na commitment namin, during which to process all kinds of claims. So malaman ko po sana iyong pangalan. Paki-text lang po sa akin o kaya e-mail para po matugunan agad natin within the day po iyan, kahit Sabado po ipapaasikaso natin.
USEC. IGNACIO: Opo, salamat po, ma’am. Ipapadala po namin sa inyo iyong pangalan. At mayroon pong kalakip na ID rin po na binigay noong kaniyang anak para raw po mapabilis na nga po.
GSIS EVP MALUBAY: Opo, Usec. Ipadala lang po agad para—
USEC. IGNACIO: Opo, ipapadala po namin. Ma’am, kunin ko na lamang po iyong mensahe ninyo sa ating mga kababayan.
GSIS EVP MALUBAY: Opo. Gusto ko po sanang manawagan sa mga GSIS old age and survivorship pensioners na kailangan pong mag-appear ang ating old-age pensioners, kailangan pong mag-appear every birth month. Ngayon pong May, lahat po ng may birthday ng May kung puwede po sana ay magsipag-appear kayo online po – hindi po namin pinapayagang magpunta sa mga opisina para po sila ay mag-renew ng annual active status. Kailangan po online – Kapag sinabing online, pupuwede pong through Zoom, puwede pong Viber, puwede pong Messenger, puwede pong Skype, Facebook Messenger. Ganiyan po, hihingi lamang po kayo ng appointment o kung minsan po kami na po ang tumatawag, magbigay lang po kung kailan po available ang atin pong mga old age pensioners para po hindi mahinto o ma-suspend ang kanilang pension. Salamat po.
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa inyong pagbibigay-linaw, GSIS Executive Vice President Nora Malubay. Salamat po.
GSIS EVP MALUBAY: Thank you po and take care. God bless.
USEC. IGNACIO: Samantala, makibalita naman tayo sa iba’t ibang bahagi ng bansa, puntahan natin si Ria Arevalo mula sa Philippine Broadcasting Service.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Ria Arevalo ng PBS-Radyo Pilipinas.
Narito naman po ang pinakahuling datos ng COVID-19 cases sa buong bansa. Base po sa report ng Department of Health kahapon, May 7, 2021, umabot na po sa 1,087,885 ang total number of confirmed cases matapos makapagtala ng 7,733 na mga bagong kaso; 108 na katao ang mga bagong nasawi kaya umabot na sa 18,099 ang total COVID-19 deaths. Ang mga kababayan naman po nating naka-recover na sa sakit ay sumampa na sa 1,003,160 matapos makapagtala ng 4,227 new recoveries kahapon.
Bahagyang bumaba ang bilang na ito kumpara sa naitatala noong mga nakaraang araw. Ang total active cases naman sa kasalukuyan ay 66,626 kaya po aming pinapaalala sa lahat ang pagsunod pa rin sa minimum health protocols upang tuluyang malampasan ng bansa ang COVID-19.
At para naman po kumustahin ang estado ng sektor ng kalusugan sa patuloy pa rin nating pagtugon sa epekto ng COVID-19, muli nating makakasama sa programa si Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire. Good morning po, Usec.
DOH USEC. VERGEIRE: Magandang umaga po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Usec., bigyan-daan ko na po muna iyong tanong ng ating mga kasamahan sa media ano ho. Tanong ni Job Manahan ng ABS-CBN News: We are seeing a decline of new cases recently. But in some days, the DOH attribute this to the low number of samples received by testing laboratories or the low number of labs that were able to submit iyon daw pong data. Is the decline of new cases artificial po or is this due to the effect of iyong stricter lockdowns?
DOH USEC. VERGEIRE: Actually Ma’am, kailangan po nating maintindihan na ang atin pong mga iniri-report na mga kaso ay base rin sa mga laboratoryo na nagagawa natin. So sa ngayon po nakita natin for these past weeks, bumababa po ang mga samples na ipinapasa ng mga implementing units natin sa ating laboratoryo kaya nakikita ho natin na bumababa rin po ang mga kaso. Atin pa rin hong inuobserbahan kung ito po ay dala talaga nang pagkonti ng mga kaso o hindi lang po natin nati-test ang ating mga kababayan nang mas madami.
So kapag tiningnan ho natin kasi ang datos natin from the week of April 23 to 29, ang mga samples po na-test natin is almost 374,000. Noon hong kasunod na linggo, April 30 to May 6, it went down to 342,000 and that is a difference of -9%. Kapag tiningnan ho natin iyong mga indibidwal naman po na tini-test, bumaba rin po by as much as 10%. So kapag tiningnan ho natin in the whole, kailangan ho nating ma-analyze maigi if this really, pagbaba ng samples na pag-submit is because mababa na po ang nakikita nating mga dapat i-test sa ating mga communities or hindi lang po talaga nati-test iyong iba doon sa ating komunidad.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Usec., aside from that, ano po iyong nakikita ninyong isa pang dahilan kung bakit hindi kaagad nakakapag-submit iyong ating mga laboratoryo.
DOH USEC. VERGEIRE: Well, hindi ho sa pagsa-submit ng laboratoryo ngayon ang problema natin or issue dito po sa pagtala nang medyo mas mabababang kaso for the past weeks. It’s about the samples that are received by the laboratories. So nakakapag-submit na po sila ngayon nang regular, araw-araw sa Department of Health. Kaya lang kapag tiningnan natin iyong mga samples na tini-test nila, ibig sabihin the samples submitted to them para maiproseso sa RT-PCR bumaba po iyon.
USEC. IGNACIO: Ah, okay. Ma’am ikalawang tanong po niya ay: May resulta na po ba iyong genome sequence ng seafarers ng MV Athens Bridge? If wala pa po, kailan daw po ito malalaman?
DOH USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky ‘no. So kahapon po nakapag-collect na tayo ng mga samples doon po sa dalawang individuals na nasa ospital at saka doon sa sampu na individuals na apparently positive at nilagay na natin sa quarantine facility. We submitted it already to the Philippine Genome Center, mag-a-RT-PCR po uli ito kung sino ang mag-turnout na positive will be subjected to the whole genome sequencing. Nagkakaroon na ho tayo ng special run para dito, hindi po natin gagamitin iyong malaking makina, iyong maliit lang na makina. So hopefully in 2 to 3 days we’ll get the results po.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong pa rin po ni Job Manahan: Base daw po sa DOH bio-surveillance report as of May 3, there are currently 14 active cases of various COVID-19 variants in the country. This is a small number compared with the over 66,000 remaining active infections. Is the country’s genome testing capacity limited and what’s the basis po of getting the samples?
USEC. VERGEIRE: Actually, the basis of getting the samples would be, lahat po ng positibo na lalabas ‘no, puwede po natin i-genome sequence iyan ngunit pagdating sa Philippine Genome Center there is this additional criteria, tinitignan nila kung itong sample na ito ay well prepared at walang kontaminasyon.
Pangalawa, tinitignan iyong safety values. Pag mataas po iyong cycle threshold value nitong mga test na ito hindi po puwedeng isama, kailangan less than thirty po itong cycle threshold.
So mapapansin ninyo kahit nag-submit po ang isang unit natin sa kanilang genome sequencing hindi po lahat nati-test because we still screen them pagdating sa Philippine Genome Center based on this criterion. Ngayon ito po ating whole genome sequencing, it is limited because we just run every week about 750 samples.
So, tayo po ngayon ay may move na para bumili pa ng additional na mga machines na mga ganito para madagdagan. Pero kailangan maintindihan ng ating mga kababayan ang very objective po natin ngayon for whole genome sequencing is of course to determine kung nasaan sila, ang mga variant na ito, ano ba iyong extent nitong variant na ito at saka sila ba ang nakakapag-cause nitong clustering of infections o di kaya ay pagdami ng mga kaso sa iba’t-ibang lugar sa bansa.
USEC. IGNACIO: Opo USec., mula naman po sa Tribune News Desk: Given the downward trend of COVID-19 cases sa Metro Manila, is the DOH looking the possibility daw po of recommending GCQ in NCR Plus beyond May 14?
USEC. VERGEIRE: Kailangan po natin maintindihan it is not really just the numbers that we looked at. Kailangan tignan din natin iyong ating health care utilization, it should be the hospital capacity na mayroon tayo although this the signal for escalation pero kailangan pag niluluwagan po natin ang ating restriction nakikita natin na nakakahinga na ang ating mga ospital.
Sa ngayon po nakita naman natin na may gradual decline naman sa mga admission sa hospital especially here in NCR, nakita natin iyong ICU beds natin ay medyo maluwag na, mayroon na lamang po tayo ng utilization ngayon of about 68% sa ICU.
Pero hindi pa rin po natin puwedeng maging complacent tayo dahil po dito sa mga nangyayaring ito, nakikita pa rin kasi natin na ang average daily attack rate nationwide is at 7.8 and for NCR it is still 25.
ibig sabihin sa bawat araw na mayroon, mayroon pong 25 out of 100,000 population na nagkakaroon pa rin ng sakit sa bawat lungsod dito po sa National Capital Region at ito po ay maiko-consider pa rin na high risk. So, isa ho iyan sa ating mga pamantayan para masabi natin if we can deescalate already or if we are going to maintain the current quarantine classifications, ito po ay pag-uusapan naman with the IATF together with our experts based on their analysis.
USEC. IGNACIO: Opo, isunod ko na lang po iyong tanong ni Rida Reyes ng GMA News: Latest data daw po ng Octa Research show that although there have been downward trajectories in COVID daily cases, the main concern is the continued increase in COVID ICU beds. Ano daw pong steps ang gagawin, ginagawa ng pamahalaan to scale up ICU beds capacity?
USEC. VERGEIRE: Actually, as I have said, Usec. Rocky, nakakita naman tayo ng improvement with their ICU beds utilization. It was reaching around almost 80% during the time na talagang mataas iyong kaso at ngayon po nakikita natin iyong pagluwag naman sa ngayon dahil nga po nakapagdagdag tayo ng additional beds.
Iyong pong ating mga ICU beds ay nadagdagan because some of our hospitals have converted the isolation wards into ICU beds. So, talaga po nagkaroon ng extensive na pagdagdag diyan and also nakapagpatayo po tayo ng facilities na bago para mayroon tayong additional ICU beds. So ito po iyong ginagawa natin ngayon, we are going to continue further expand the capacity for our ICUs para mas prepared tayo in the coming months.
USEC. IGNACIO: Opo, tanong pa rin po ng Tribune News Desk: Gaano naman daw po tayo kasigurado na hindi makakalusot ang Indian variant sa bansa lalo na at may lima daw po na pasahero mula sa India iyong nagpositibo sa swab test? Pero alam ko po iyong apat dito ay magaling na Usec., tama po ba?
USEC. VERGEIRE: Tama po iyon, Usec. Rocky. About these five na mga pasahero or individuals that were found positive and they came from India, apat po dito ay recovered na, isa na lang ang nasa isolation facility natin.
Mino-monitor po natin sila lahat and ang atin pong measures para po talagang ma-prevent sana natin iyong pagpasok nitong variant is we have implemented through the IATF resolution, magpapatupad ng mas stricter na border control kung saan lahat po ng papasok ngayon na travelers would be subjected to a 10-day quarantine at the national level with testing on the seventh day and then pagkatapos po ng sampung araw saka po sila i-endorse sa local government for completion of the 14-day quarantine.
USEC. IGNACIO: Opo. Ito rin po ba daw ang dahilan kung bakit may pagbabago naman daw pong gagawin sa testing and quarantine protocols sa mga inbound passengers natin kung saan seven days ang testing at balik 14 days ang quarantine at para sa lahat daw po ba ng passengers ito?
USEC. VERGEIRE: Yes Usec. Rocky, para po ito sa lahat ng pasahero for all incoming travelers, coming from outside going into the Philippines. Ito po ay gagawin natin base po sa ebidensiya na kapag kayo ay nag-test on the seventh to eight days iyon pong probabilidad that the person can still transmit goes down as much as 4% na lang kung sa mga ganiyang araw po natin itatapat ang ang pagte-test natin.
So this is very rational, ito po iyong tinatawag natin na rational testing na appropriate na po iyong oras para i-test sila ng seventh day, mas mataas po ang probabilidad na makukuha natin na positibo sila kung talaga sila ay may sakit.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., sa isinagawa pong distribution naman ng Sputnik V nitong mga nakaraang araw, may report po ba kayong natanggap tungkol sa mishandling o may problema sa pag-maintain ng required temperature? Gaano na rin po sa mga nabakunahan ang nakaramdam ng malala o nagkaroon ng adverse effect na sinasabi?
USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky, for Sputnik V wala po tayong nakuhang report and we also monitored that, of mishandling or improper storage activities. So, nakita ho natin kung paano ini-handle ng mga local government involved ito po Sputnik V at lahat po ay naging maayos. Among those given with Sputnik V vaccine for these past days, mayroon po tayong walong reported na adverse events and lahat po ito ay non-serious or minor which included body ache, injection site pain, iyong isa po ay nagkaroon ng rash, iyong isa ay masakit ang likod, iyong isa ay masakit ang ulo parang nahihilo and iyong isa po ay tumaas ang BP but all of these were managed and lahat po sila ay nakauwi rin pagkatapos.
USEC. IGNACIO: Opo, ito naman po ay tanong ni Red Mendoza ng Manila Times: Itong linggo po na ito ay 3.5 milyon na bakuna dumating sa bansa, 1.5 milyon mula sa Sinovac at 2 milyon mula sa COVAX AstraZeneca. ilan po rito ang allotted sa Metro Manila at karatig probinsiya at matutuloy rin po ba iyong A4 priority group?
USEC. VERGEIRE: Ito pong A4 priority group according to the Vaccine Czar, si Sec. Carlito Galvez, maaaring mag-umpisa by June but it will all depend on the global supply dahil depende po iyan sa pagpasok ng mga bakuna sa atin g bansa.
Alam po natin na ang A1 to A3 ay malaking populasyon po at hindi pa rin po natin halos makalahati ay A2 at A3. So, titignan po natin kung paano po natin mabibilisan at mapapalawak ang pagbabakuna for A1 and A3 para makarating na po tayo doon sa A4 population. But as I have said, Sec. Galvez said that the most probably [signal cut]
USEC. IGNACIO: Opo. Usec. nawala po kayo sa linya. Usec. Vergeire? Okay, babalikan po natin si Usec. Vergeire.
Samantala, kasabay ng pagdiriwang ng Health Workers Day kahapon, binuksan na sa publiko ang dalawa pang Malasakit Center sa Mountain province at Apayao. Sa kabuuan mayroon ng isandaan at walong Malasakit Center sa bansa.
Sinigurado naman ni Sen. Bong Go sa mga medical front-liners ang sapat na supply na bakuna at iba pa. Narito po ang report:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Muli po natin balikan si DOH Usec. Maria Rosario Vergeire. Ma’am, pasensiya na po. Usec. Vergeire.
USEC. VERGEIRE: Yes po, Ma’am. Hello?
USEC. IGNACIO: Ulitin ko po iyong tanong ni Red Mendoza: Sinabi ni FDA Undersecretary Eric Domingo na inaprubahan po ang CPR ng isang drug maker na gumagawa ng Ivermectin bilang anti-parasitic o pampurga. So, paano po ma-assure ang DOH na ito po ay gagamitin lamang sa ganoong paraan at hindi bilang gamot laban sa COVID-19, kahit na may CPR approval ito?
USEC. VERGEIRE: Yes, ma’am. So, lumabas na po ang CPR ng Ivermectin and specific naman po iyong CPR na it’s for anti-parasitic purposes. So kung sakaling gagamitin iyang Ivermectin ng ibang mga doctor, it’s going to be an off-label use and ang accountability and liability will be resting upon the Physician who was prescribing.
USEC. IGNACIO: Tanong pa rin po ni Red Mendoza: Reaction lang po sa pag-approve ng emergency used listing ng Sinopharm vaccine sa World Health Organization. Sa tingin po ba ng Department of Health makatutulong ito sa pag-apply ng Sinopharm para sa EUA dito sa Pilipinas?
USEC. VERGEIRE: Well, ito ay malaking tulong dahil na-review na siya ng mga eksperto ng WHO, kapag ka mayroon siyang emergency use list. So, pagpasok dito, regular process pa rin although siyempre malaking karagdagan na credibility ay iyong nakapagbigay ang WHO ng EUL para sa bakunang ito. Pero it will seal under for regulatory evaluation para makita natin kung talagang puwede nating bigyan ng EUA dito sa ating bansa.
USEC. IGNACIO: Opo. Tanong naman po ni Michael Delizo ng ABS-CBN: Nearly 40 health experts involved in assessment and making guidelines for COVID-19 vaccine program implementation call for compassionate special permit be rescinded for vaccines that have no FDA emergency use authorization following President Duterte’s vaccination with Sinopharm which has no EUA. Ano daw po ang reaction ng DOH dito?
USEC. VERGEIRE: Usec. Rocky, hindi ko ho masyadong nakuha iyong tanong pero kung ang tanong ay ukol sa Sinopharm at ang EUA. Hihintayin po natin iyong EUA bago magamit dito. Pero iyon pong sinasabi na ginamit kasi ni President, ito po ay naipaliwanag na even the Food and Drug Administration that this vaccine has the compassionate special permit which was applied for by the PSG doon po sa mga dinonate na bakuna. So, iyon po ang ating maibibigay nating information and I guess the other things would have to be responded to by FDA and the Office of the President.
USEC. IGNACIO: Opo. Pero Usec., nabanggit nga po ni Pangulong Duterte sa kaniyang huling address na ipababalik daw po niya iyong ilang doses ng Sinopharm matapos batikusin ng ilang eksperto ang kawalan nito ng EUA sa bansa. So, may update na po ba kung kailan ito posibleng ibalik sa China or kung itutuloy po ba ito?
USEC. VERGEIRE: Yes, Usec. Rocky, sorry. Iyon pong pagbabalik nito ay would be the responsibility of the PSG kasi sa kanila po iyan dinonate. So, sa orders po ng ating Presidente, ito po ay dapat ibalik at dapat pina-facilitate na rin ng PSG ang pagbabalik niyan.
USEC. IGNACIO: Opo. May tanong po si Catherine Gonzalez ng Inquirer.net: Ilang machines po ang plan i-procure ng Department of Health for Genome Sequencing? How much is the budget for these and sa PGC po ba rin po ito ilalagay and also ilang additional samples po ang puwedeng mai-test nito kapag nabili na iyong bagong machine?
USEC. VERGEIRE: Ang mga machine po na ito has that capacity of testing 750 samples per round. So ito po ang atin pong proposal ng Philippine Genome Center. Ang proposal is dalawa, additional two machines na ganito po ang kapasidad. Kailangan malaman din ng ating mga kababayan na hindi lang po PGC ang may ganitong kagamitan, mayroon din po tayo sa UP-NIH at sa RITM.
Although iyong mga nasa UP-NIH and RITM ay mas maliliit po na makina and it can only run less than ito pong capacity ng Philippine Genome Center natin. Tayo po ay nagbigay na ng proposal para dito sa karagdagang equipment. Hintayin po lang natin that we can get the full amount na kailangan para po maibigay natin iyong impormasyon sa inyo.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., may mga bagong update po ba mula sa ibang bansa tungkol sa pinag-aaralang pagmi-mix and match ng mga bakuna at ang pagkonsidera ba ito ng DOH ay dahil sa better immune response o paghahanda kung sakali po na kulangin ng doses ng mga naunang bakuna na naiturok na po sa ating mga kababayan?
USEC. VERGEIRE: Yes Ma’am, tayo po ay we want to prepare for any untoward na mangyayari dahil alam po natin na napaka-uncertain ngayon ng time especially when it comes to vaccine.
So pinag-aaralan po natin, nakipagpulong tayo noong isang araw sa Department of Science and Technology at saka sa vaccine expert panel at ang DOST naman po they were able to map-out the different countries kung saan gumagawa na ng mga ganitong pag-aaral at nakakita sila ng isang bansa na nag-aaral na nitong mixing and matching of vaccines and that would be in UK.
Pero, iyong kanilang ginagawa ay wala pa pong resulta so kailangan din nating hintayin so that we can get additional evidence. As to here naman, iyong pag-aaral na ginagawa ng ating vaccine expert panel, mayroon ho silang nakitang theoretical basis. But it is theoretical, so kailangan pa nating susugan ng iba pang impormasyon at ebidensiya. So at the end of the day, kailangan lang po natin talaga sufficient evidence so that we can be able to apply this or implement this kung saka-sakaling kakailanganin.
USEC. IGNACIO: Opo. Usec., dahil na-move naman daw po iyong Nursing Board Exam sa November, hinimok po ni House Speaker Alan Velasco ang Department of Health at PRC na payagan na rin tumulong sa pagtugon ng mga tinatamaan ng COVID-19 ang mga unregistered pang mga nurses. Pabor naman daw po ba kayo dito o ang DOH?
USEC. VERGEIRE: Yes Ma’am, actually even before the start of the pandemic, noong tumataas po iyong mga kaso natin last year, about July, nagkaroon na po ng mga ganitong panukala no na ganitong mga rekomendasyon na iyong mga under board health care professionals natin ay maaari na pong tumulong sa atin dito sa response. We can assign them in primary care facilities para po ma-decongest din natin or mabawasan natin iyong burden ng health care workers sa community.
But sa pagkakaalam po ng Department of Health parang nagkaroon na po ng rekomendasyon na i-move iyong board exams ng mga nurses from November ibalik sa June yata. So that we can have more or new nurses this coming July at maaari na po silang sumama dito sa ating response.
USEC. IGNACIO: Okay. Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagpapaunlak sa aming programa, Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
USEC. VERGEIRE: Salamat po, ma’am.
USEC. IGNACIO: Alamin naman po natin ang sitwasyon sa Davao City kaugnay sa karagdagang swabbing area sa lungsod. May report si Claudette Loreto.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: At iyan po ang mga balitang aming nakalap ngayong araw.
Ang Public Briefing po ay hatid sa inyo ng iba’t-ibang sangay ng PCOO sa pakikipagtulungan ng Department of Health at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP.
Tandaan: Mag-Mask, Hugas, Iwas. Ugaliin ang tamang pagsusuot ng face mask. Pagkatapos gamitin, ilagay po ito sa tamang tapunan at huwag kung saan-saan.
Muli ako po si Usec. Rocky Ignacio, magkita-kita tayo muli sa Lunes dito lamang sa Public Briefing# LagingHandaPH.
###