日: 2021年5月24日
Consolidated Press Briefing of Sec. Roque May 24, 2021
Consolidated Public Briefing #LagingHandaPH May 24, 2021
PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS OFFICE
News and Information Bureau
PUBLIC BRIEFING #LagingHandaPH
HOSTED BY PCOO UNDERSECRETARY ROCKY IGNACIO
MAY 24, 2021 [11:01 A.M. – 12:02 P.M.]
USEC. IGNACIO: Magandang umaga, Pilipinas, at sa lahat po ng Pilipinong nakatutok sa ating programa. Muli tayong maghahatid ng mga napapanahong balita’t impormasyon tungkol sa COVID-19 at sa iba pang mahahalagang usapin sa bansa. Ako po ang inyong lingkod, Usec. Rocky Ignacio, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Umabot na sa lampas apat na milyong doses ng bakuna kontra-COVID-19 ang naiturok sa buong bansa, 3,147,486 sa mga ito ang para sa unang dose habang 949,939 naman ang para sa ikalawang dose.
Sa loob lang ng pitong araw o isang linggo ay umabot na sa kabuuang 1,137,596 doses ang mga bakunang naipamahagi sa buong kapuluan, katumbas po ito ng 162,514 average dose sa isang araw.
Nananatiling pumapangalawa ang Pilipinas sa may pinakamaraming nabakunahan sa mga bansa sa ASEAN, panlabing tatlo sa buong Asya at ikatatlumpu’t pito sa buong mundo. Sa inaasahang pagdating po ng mga dagdag na bakuna sa mga susunod na linggo, tinatayang dadami rin ang bilang ng mga nababakunahan sa kada araw. Kaya naman po muli naming hinihikayat ang mga nasa priority sector na magpalista na sa inyong mga local government units para po magpabakuna.
Tandaan po na ang COVID-19 po ay hindi lamang laban ng pamahalaan kung hindi laban ng bawat Pilipino.
Samantala, muli naman pong pinuri ni Senator Bong Go ang patuloy na pagsiserbisyo ng mga medical frontliners sa Philippine General Hospital matapos pong matupok ng sunog ang isang bahagi ng ospital noong nakaraan. Muli rin namang sinisiguro ng Senador na susuportahan ng pamahalaan ang pagsasaayos ng mga naapektuhang pasilidad. Narito po ang detalye:
[VTR]
USEC. IGNACIO: Samantala, isa po ang Cagayan de Oro City sa patuloy na nagpapakita ng surge sa mga nahawaan ng COVID-19 sa labas ng Metro Manila. Sa loob lang kasi po ng dalawang buwan simula noong March ay lampas sa dalawanlibong kaso ang nadagdag sa kanilang lungsod. Kaugnay po niyan ay makakausap po natin si Cagayan de Oro City Mayor Oscar Moreno. Magandang umaga po, Mayor.
CDO MAYOR MORENO: Magandang umaga po, Usec. Rocky. Good morning sa lahat din po.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, maki-update muna kami kung ano na po iyong pinakahuling datos sa pinakahuling sitwasyon ninyo diyan sa Cagayan de Oro City; at ilan pa po iyong nananatiling aktibo?
CDO MAYOR MORENO: The last two days—dahil since March 13 of last year, mayroon tayong daily press briefing except only kapag Sundays, ano po. Ang today, we will have our 364th press briefing, and magri-report kami sa cases ng Saturday and Sunday. And sa both days, mayroon tayong average mga 72, 73 per day ‘no. Medyo umaakyat siya since the beginning of April, sayang nga dahil maganda na ang takbo noong March. Pero na-notice natin, Usec. Rocky, whenever mayroong surge sa Manila, after a few months, mga one and a half to two months ay kumakalat din sa countryside ‘no, and this was not the first. Although, as early as April, nakita natin iyong rising cases ng COVID infection ‘no.
Ang ating active cases ngayon, mga less than a thousand pa rin ‘no. Pero ang ating nasa hospital, tumatakbo ng mga 250, more or less; the rest are nasa quarantine ‘no, sa ating temporary treatment and monitoring facility and sa ating city isolation unit.
Now, medyo tumataas, nagbi-build up ang pressure hindi lang sa Cagayan de Oro, sa buong rehiyon po, Usec. Rocky ‘no. And we have seen that, like I said, since the beginning of April. Kaya doon sa ating mga daily press briefings, sinasabi natin iyong pataas nang pataas and kasama rin natin ang ating epidemiologists and ang ating sa Northern Mindanao Medical Center. And hopefully, ang drive talaga natin is talaga ang taumbayan lang ang makakatalo o makaka-suppress, makaka-slowdown sa spread ng virus. And the government is doing everything we can ‘no, from the national all the way sa local level, iyong mga interventions like for instance diyan sa contact tracing, sa testing, sa profiling, risk assessment; and then doon sa close contact, dinadala natin sa ating city isolation unit; and doon sa positive, dinadala natin sa ating temporary treatment and monitoring facility.
Buti na lang last month, mayroon tayong na-turnover na CERID ‘no, Center for Emerging and Re-emerging Infectious Diseases. Na-turnover natin iyan sa Northern Mindanao Medical Center. Actually, from the Bayanihan fund ay nag-allocate tayo ng, more or less, mga 170 million to build that facility, ano po. And na-turnover natin—ang purpose lang natin noon initially, para TTMF and then eventually magiging expansion venue ng Northern Mindanao Medical Center and then on a long term basis maging counterpart ng Mindanao sa San Lazaro Hospital in Manila and also maging counterpart ng Mindanao sa RITM ‘no.
Now, in the meantime iyong CEREID (Center for Emerging and Reemerging Infectious Diseases), nandoon sa Barangay San Simon is augmenting our capacity to accommodate iyong mga COVID positive, iyong moderate. Iyong ating Northern Mindanao Medical Center ang pinaka-main COVID referral hospital, halos lahat ng severe to critical nandoon and then ang moderate and mild in other hospitals in the city, including our city hospital and Camp Evangelista. And then iyong asymptomatic, Usec. Rocky, nasa ating Temporary Treatment and Monitoring Facility.
We are indeed experiencing some rise pero sa awa ng Diyos, nagpapasalamat ako sa NMMC, ini-upgrade naman nila ang kanilang response capability to Code Red ‘no. So, 50% of their hospital capacity is now dedicated sa COVID ‘no. And then hopefully ma-address din ang ating CCUR (critical care utilization rate).
So, tulungan lang talaga ang buong hospital system ng Cagayan de Oro ‘no. Problema lang sa Cagayan dahil we are a convergence city, we are also a hospital care center ‘no. So, sa ating mga pasyente in Cagayan de Oro hospitals, mayroong mga more or less 20-30% na taga-labas ng Cagayan de Oro pero okay lang sa akin, hindi natin iyan maiiwasan given na tayo ang hospital care center.
Ang pakiusap ko lang, I think there will be a meeting tomorrow led by DOH and NMMC, isama iyong mga hospitals dito sa Cagayan de Oro, pag-uusapan iyong strategies. What strategies can we introduce para iyong mayroong efficient use and optimal use ng ating resources ‘no. Like for instance, kung mild or asymptomatic, puwede naman iyan sa ating temporary treatment and monitoring facility. Iyong talagang moderate lang and higher ang nasa hospital system.
So, we’re pushing that pero in the meantime, of course, reminder sa ating mga kababayan na talagang we need the cooperation of everyone dahil tama din iyong sinabi ninyo kanina na itong laban hindi ito laban ng gobyerno kontra sa virus ‘no. Sinasabi ko nga dito this is a battle between the virus and the people ‘no. Kakampi ng taumbayan ang gobyerno but we cannot win the war for the people ‘no. No matter what we do kahit na i-lockdown mo na ang buong bansa if the people will not cooperate, wala rin. In the meantime, ang economy natin will be affected ‘no.
So, inaano ko rin sa ating mga kababayan na lockdown may prove to be a good solution pero mayroong premyo diyan, mayroong price that we have to pay which is the economy. Now, and siyempre kung humina ang ating ekonomiya everybody gets hit. So, ang akin lang is sana we won’t get to that point, ang kailangan is ang suporta ng ating mga kababayan na talagang i-suppress or even to slowdown the spread of the virus. Sa awa ng Diyos may mga kaunting signs na but we need to intensify iyong ating campaign and of course, ano ito, Usec. Rocky, iyong mga interventions will not produce immediate results ‘no pero ang importante is ma-sustain lang talaga po natin.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, base nga po doon sa trend noong kaso ninyo sa lungsod, April or itong Holy Week nagsimula po iyong hawaan ano po, so, tumaas iyong kaso. Sa palagay ninyo po ba ay naging complacent din iyong inyong kababayan at base na rin po doon sa mga eksperto na kasama ninyo diyan sa City LGU na nagsasabing posible pa daw pong tumaas iyong kaso? So, sa palagay ninyo po ba talagang dapat ay magpatupad kayo ng mas mahigpit na restrictions?
CDO MAYOR MORENO: Well, mayroon naman tayong mga restrictions, Usec. Rocky. Iyong mga daily cases natin, iyong ating daily press briefing, the way iyong ating epidemiologist niri-report niya individually lahat ng kaso. Pero classified sila, number one, iyong index cases, ito iyong hindi ma-identify kung sino ang link ‘no. Number two, iyong cases with link ‘no and then number three iyong APOR ‘no, para maintindihan ng ating mga kababayan kung ano iyong mga, what would I call, common characteristics.
Kaya marami doon sa mga kaso siguro few two weeks ago, marami doon sa mga kasi emanated from birthdays and then gatherings, parties. Alam mo, maraming fiesta dito not in Cagayan de Oro but elsewhere. Sa buwan ng Mayo talagang maraming fiesta ano and mga reunion, summer ‘no, punta sa beach, etc, kahit iyong wake nakita rin na kung saan nagkukumpul-kumpol iyong mga ating mga kababayan.
So, mga interventions natin, mayroon naman tayo. Iyong Modified General Community Quarantine, mayroon tayong curfew. Iyong curfew ni-lengthen natin from ten to five in the morning ginawa nating nine in the evening until four in the morning ‘no. And then of course iyong face mask, face shield, etc., tuluy-tuloy iyan. And mayroon na tayong QR code which is in place ‘no which has made contact tracing a bit more efficient ‘no.
And then nag-ano tayo na iyong mga wakes no more than three days ‘no and doon sa attendance ng wake no more than twenty. Alam mo, Usec. Rocky, medyo mahirap i-implement iyan sa probinsiya dahil siyempre ano natin, iyong kultura natin na talagang magpaalam doon sa pumanaw na.
And anyway, ano lang, iyong pag-deliver lang talaga ng mga mensahe sa ating mga kababayan. Karamihan din ng ating mga cases ‘no, nakita ko rin doon iyong APOR, mayroon kasing ano iyong like iyong pulis ‘no nasa isang battalion, iyong military nasa isang brigade ‘no, and then iyong ating PDLs. Mabuti na lang iyong sa PDLs nagawan natin ng intervention early on. Pero ito ngayon, I think last Friday, we reported about 15 na PDLS na.
Ang ginagawa kasi natin, Usec. Rocky, iyong kino-commit na ng husgado sa ating BJMP, siyempre dalhin na sa BJMP iyan ‘no. Pero on top of them, iyong ating mga detention cells sa ating mga police station sa city as early as last year dahil sa enforcement din ng batas, dumadami, nagkukumpul-kumpol iyong PDLs natin in the detention cells ‘no. Under trial pa ito and so on, investigation pa nga iyong iba.
Kaya ang ginawa namin, mayroon tayong pinagawa na three-storey building doon sa BJMP mga three years ago and sinagot din ng BJMP ng sarili nilang counterpart same three-storey building, so, harap-harapan iyan. Buti na lang hindi pa naumpisahang gamitin when the pandemic sets in.
So ang ginawa natin nakiusap ako sa BJMP na iyong three-storey building gawing isolation room para doon sa mga, number one, iyong mga papasok sa BJMP by virtue of the commitment order ng husgado; and number two, iyong mga detention prisoners sa ating mga police stations na kailangan I-decongest. So, doon lang muna sila and iyon natutukan. Now, by the hundreds ito, Usec. Rocky ‘no and sa awa ng Diyos nakontrol natin. Matagal-tagal din na nag-zero cases doon. Pero last Friday, I think we reported something like 15, pero tinututukan pa rin.
Ang problema doon sa ating isang battalion ng police in one barangay in the city, dahil ang ano natin—siyempre highly infectious ng virus ‘no. Ang kinakatakutan natin diyan iyong uuwi iyong mga—they are staying in the same place, nakakampo sila, pero siyempre hindi maiiwasan umuuwi din sila sa kanilang mga bahay ‘no. So, iyon ang pakiusap ko, kaya I called out health team to communicate with the regional police na sana if we can ask iyong mga police na nandoon sa battalion na iyon to stay put for observation, dahil kooperasyon lang talaga.
We had a case in February, isang malaking construction, we noticed na nagkaroon ng mga around 15 to 20 cases just in a few days within a week at mga ganoon, mga 10, 15. Kaya what we did was, pinatingnan ng ating health team, ano ito construction ng condominium, high-rise mga 15 to 20 floors and nakita naman nila na nakatira iyong mga workers doon sa mga rooms, isolated from each other; pero siyempre kapag kakain magkasama, etcetera. So, what I did was we wrote a letter to the owner of the construction company asking him to please ask your men to cooperate, we need to isolate all of them doon sa ating isolation unit para ma-test after a few days; mga 200 plus iyon, Usec. Rocky and sa awa ng Diyos, after less than a month na-address na. Iyong positive, dinala natin sa TTMF natin, iyong negative iyon nag-quarantine sa kanilang work area; so awa ng diyos tuloy ang project. Ito ang mga nakakakot, iyong isang… iyung living in one enclosed place by bulk ‘no and siyempre kung mayroong isa, delikado.
USEC. IGNACIO: Pero Mayor, kumusta po iyong rollout ng vaccination program sa Cagayan De Oro City and kumusta po iyong ni-request po or nagkaroon na po ba ng tugon si Secretary Galvez sa hiling ninyo na triplihin iyong daily supply ng COVID vaccine dito sa Cagayan De Oro City. Mayor?
CDO MAYOR MORENO: Yes. Sa awa ng diyos, Usec. Rocky, dahil as early as two weeks ago when I noticed na medyo patingi-tingi ang dumarating na vaccines, mahirap talaga, given the population ng Cagayan De Oro. Ang worry ko talaga iyong mga seniors natin kaya sumulat ako and salamat naman, si Secretary Galvez, nag-react kaagad ‘no, he assured us na they will of course look into the needs of the city.
What I did Usec. Rocky was, I encouraged our medical team to insure that ang ating vaccination rollout would be very efficient and very fast. Para ang idea ko na ipakita natin na we can protect more people here by being more efficient, maybe in faster. And, palagay ko iyon naman ang agenda ni Secretary Galvez, ng ating pamahalaan ‘no, get as many people protected the earliest possible time ‘no.
USEC. IGNACIO: Kami po ay nagpapasalamat, Mayor, sa inyong pagpapaunlak sa ating programa, Mayor Oscar Moreno ng Cagayan De Oro City. Mayor, ingat po kayo at siyempre sa atin pong mga kababayan diyan sa CDO. Ingat po, Mayor, salamat po!
CDO MAYOR MORENO: Usec. Ikaw din po ingat din po kayo. Salamat po!
USEC. IGNACIO: Samantala, dito naman po sa kalakhang Maynila napagkasunduan ng Metro Manila Council na payagang dagdagan sa 30% venue ang capacity ng religious gatherings ngayong tayo po ay nakailalim na sa GCQ with heightened quarantine. Bukod po diyan ay may mga kumakalat ding balita online na umano’y pagbebenta ng slot sa pagbabakuna sa ilang siyudad dito sa NCR at upang bigyang linaw ang ilang usapin, kasama po natin si Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benjamin “Benhur” Abalos. Good morning po, Chairman Abalos.
Babalikan po natin si Chairman Abalos, ayusin lang naming ang linya ng aming komunikasyon sa kanya.
Samantala, puntahan po muna natin ang ilang balitang ihahatid sa atin ng Radyo Pilipinas.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Aaron Bayato.
Samantala, sa latest COVID-19 count sa buong bansa, umabot na po sa 1,179,812 ang lahat ng mga nahawaan ng COVID-19 virus matapos itong madagdagan ng 3,083 kahapon. Mas mataas naman diyan ang mga bagong gumaling mula sa sakit – 6,756 recoveries ang naitala para sa kabuuang 1,109,226, 94% po iyan ng lahat ng mga nagkasakit. Tatlumpu’t walo naman po ang dagdag na mga nasawi na katumbas ng 19,951 total deaths. Sa kasalukuyan ay nasa 50,635 na po ang nananatiling active cases sa bansa.
Ang amin pong paalala: Patuloy po tayong maging maingat. Huwag po tayong magpakampante laban sa COVID-19. Ugaliin pong isuot nang tama ang ating mga face masks at face shield lalo kapag nasa labas po ng tahanan. Ugaliin din po ang pag-disinfect ng kamay at ng mga highly-touched o parating hinahawakan kagaya po ng cellphones, doorknobs at iba pa. At higit sa lahat po, huwag pong maniniwala sa mga fake news lalo pa’t kaligtasan po natin at ng ating buong pamilya ang nakasalalay dito.
Samantala, dumako muna tayo sa ilang mga report ng ating kasama sa PTV-Cordillera.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat sa iyo, Florence. Magbabalik pa po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
[COMMERCIAL BREAK]
USEC. IGNACIO: Balikan na po natin si Metro Manila Development Authority Chairperson Benjamin “Benhur” Abalos. Magandang umaga po ulit, Chair Abalos. Paumanhin po kanina.
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Magandang umaga, Usec. Rocky. At sa lahat po ng mga nanunood, nakikinig, magandang umaga po sa inyong lahat.
USEC. IGNACIO: Opo. Chair, automatic po bang pinapayagan ang lahat ng religious gatherings at 30% dito sa Metro Manila o kailangan pa rin nilang mag-seek ng approval at permit sa kani-kanilang LGUs?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Hindi na po, Usec. Rocky. Nag-meeting po ang mga alkalde ng Kalakhang Maynila, at talagang unanimous ‘no, out of 17 city mayors, lahat po ay pumayag na sa 30% dahil nga ang laki na ng ibinaba ng ating kaso at maganda naman ang implementasyon ng minimum health protocols. Kaya okay na po iyon, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Chairman, ano daw pong mangyayari sakaling magkaroon ng pagdagsa o paglabag sa 30% capacity kung sakali po?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, ito ay sasabihan po ang simbahan, wawarningan po sila na huwag po silang lumabag. Otherwise, huwag na siguro tayong umabot pa doon sa mga sinasabing mga violations. Siguro naman ito ay madadaan sa magandang dialogue ng LGU at ng simbahan po.
USEC. IGNACIO: Chairman, mapunta naman tayo sa sinasabing vaccine for sale. Ang tanong po ni Kris Jose ng Remate/Remate Online: May schedule na po ba ang nakatakbang pagpupulong po ng Metro Manila Mayors laban sa napaulat na COVID vaccine for sale at COVID-19 slot for sale; may pangyayari na po ba kayong nabalitaan o may nakumpirma po kayong ganitong mga pangyayari?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well unfortunately, ito po sa aming lugar sa Mandaluyong, kung saan ang Mayor po ngayon, ang alkalde ay ang aking maybahay, si Mayor Menchie and of course San Juan po nabasa ko po sa pahayagan. Sa totoo lang po at sa mga nakikinig at nanunuod, napakaganda na ng performance ng ating lugar, isipin naman ninyo out of 10 country sa buong mundo pangalawa na ang Pilipinas sa ASEAN sa pinakamagandang bakuna. Out of 47 countries, pang number 13 tayo sa Asia, isipin ninyo iyon; then out of 196 sa buong mundo, number 37 tayo. Pinagpaguran po ito ni Sec. Charlie, si Sec. Vince, ng DOH, ng mga Mayors, of course mga doctor at nurses, ang ating Pangulo, lahat ang Kongreso, lahat po nagtulungan. Tapos huwag sanang dungisan ng mga taong ito.
Kaya gusto kong kunin ang pagkakataon na ito, para warningan ang mga taong ito. Talaga pong kami ay very serious dito, mamaya ay may pagpupulong kami sa NBI, pupunta kami ng aking maybahay, ito po ay sa NBI cybercrime at maganda ang development sa aming kapulisyahan sa PNP Cybercrime. Maganda rin at may mga lead na po kami at winawarningan ko po kayo, the full extent of the law will be applied here.
Ano ang puwedeng mangyari, you will be liable for three crimes at least. Number one, estafa for fraudulent acts of pretending to possess power or influence o kaya naman iyong tinatawag nating direct bribery or any public officer who shall agree to perform act constituting a crime at hindi lang po itong mga mai-involve na ito, pati po iyong taong kumukuha, ang tawag dito is principal by inducement. So, ang makukulong dito, kung totoo lang ito, ay itong mga kinukuha nilang taong magbabakuna sa kanila at sila mismo, iyong kumukuha. At hindi lang iyon, itong tinatawag na Bayanihan Law. Mabigat din po itong Bayanihan Law na ito.
Kung mararapatin lang basahin ko lang ito, itong sa Bayanihan Act: ‘individuals or groups creating, perpetrating or spreading false information regarding the COVID-19 crisis on social media and other platforms and such information having no valid or beneficial effect on the population and are clearly geared to promote chaos, panic, anarchy, fear or confusion and those participating in cybercrime incidents that make use or take advantage of the current crisis situation to prey on the public through scams, phishing, fraudulent emails or other similar acts.’
In short, kung ito naman ay scam at hindi naman totoo, pasok na pasok po dito sa Bayanihan.
So ang dami po nitong mga batas and I assure you Usec. Rocky we will not let these things sitting down. Ang ganda ng efforts ng ating pamahalaan, hindi dapat ito masira ng kung sino man, kaya ito ay talagang, ito ay we are very serious here, maganda nakausap ko ang Chief of Police namin sa Mandaluyong kaninang umaga, maganda ang lead at hindi ko lang mada-divulge ngayon. Tapos may NBI pa, kaya sa lahat po ng nakikinig ngayon, please ang bakuna ay libre, libre po ito. Ang laki po ng talagang efforts ng ating pamahalaan para kunin ito. At pagbabakuna ng ating mga doctor, nurses, ang ating DOH, ang ating ng mga alkalde, pagod na pagod na po lahat. Sana huwag na po nating guluhin pa ito.
Ang importante, may date tayo, magkaroon tayo ng tinatawag nating by November magkaroon na tayo ng herd immunity. We should be focused on this. So iyon lang po magtulungan po tayong lahat at kung may alam kayong mga ganitong tao, itawag lang ninyo kaagad sa mga Mayor ninyo o dito po sa MMDA, papaimbestigahan po natin iyan. Maraming salamat, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Mayroon lang pong follow-up question ang aming kasamang si Kenneth Pasiente diyan sa PTV: Kung may mga instances ng naitala na nagbebenta ng slot for vaccine. If yes, ilan na po kaya; maliban sa Mandaluyong, saan pa nangyayari ang mga ito?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, nabasa ko lang po ano, sa Mandaluyong at sa San Juan. Allegedly ‘no, I mean hindi ko masasabing nagbebenta pa sila. For all you know, baka gumagawa lang ng kuwento ito or what, pero it is now under investigation. Kaya nga masasabi ko kung totoo man ito, iyong mga sangkot dito ay ating ipapakulong, iimbestigahan at kung hindi naman totoo ito, ito ay mga scammer para gumawa lamang ng pera, under pertinent law ng Bayanihan Law ay talagang madedemanda pa rin sila. So we are looking into this Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Mayor, paano naman daw nasisiguro ng mga vaccinator na talagang kabilang sa priority list ang mga babakunahan nila? Halimbawa daw po iyong mga nasa A3 o iyong mga may comorbidity, sigurado po ba daw na natse-check na mabuti ang mga dokumento o katunayan na sila po ay may comorbidity? Ito po ay sa panig ng LGU.
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, sa ngayon po, mayroon tayong tinatawag na pre-registration. Doon pa lang sa pre-registration, sa mga QR Codes na ginagawa sa mga LGUs sasabihin mo na iyan. Pagkatapos nito kung sakali man ay nandoon ka na, mayroon pa tayong tinatawag na screening.
So dalawa ang safety measures mo dito: On the day itself, mayroon tayong screening diyan at doon pa lang makikita ng doctor kung totoo ang sinasabi mo, kung may comorbidity ka o wala, kukunin ang blood pressure mo, titingnan ang medical history ninyo. So these are the two safety valve dito, kung kaya’t sinasabi ko nga, sana naman sa mga tao, paunahin na natin iyong mga may sakit. Kasi alam ninyo ang A1 ito iyong mga frontliners natin, mga nurses, mga doctors. Ang A2 of course ang ating mga senior citizens at ang A3 ang persons with comorbidities.
Hindi tayo makausod-usod doon sa A4 hangga’t hindi natin matapos itong tatlong ito. Kaya nga ang dami na diyan nag-aantay na sana mag-A4 na tayo. Kaya please lang iyong mga may comorbidities, magparehistro na po kaagad tayo para ma-exhaust na rin po natin ito.
At hindi lang iyon, kasamang Rocky ‘no so that you could have a grasp of what is going on sa baba. Iyon lamang puwedeng pumunta sa Metro Manila ay iyon lamang may reservation. Ngayon, ang tanong ganito: Papano iyong iba kung let’s say nakapagbukas ka ng bakuna at baka mapanis? May tinatawag tayong buffer, itong buffer na ito kung sakali mang sumobra ang bakuna na nabuksan iyong araw na iyon, mayroon diyan iba, 20% up to 50% ang mga nakareserbang tinatawagan iyan para magpunta. Kaya hindi na aabot doon sa walk-in, kung umabot man halos bihirang-bihira na, doon pa lang na-screen na po, Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Chairman, kung totoo daw po na may mga bentahang nagaganap, ano daw po sa palagay ninyo ang dapat gawin ng mga local executive para mapigilan ito at sa tingin po ba ninyo may mga proseso pang dapat baguhin o mas higpitan para po hindi nagkakaroon o hindi makapasok iyong mga ganitong gumagawa ng mali?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, wala na pong [unclear] kung hindi iyong tinatawag nating pre-registration. Kasi mayroong pre-registration ka at malaman mo na ito, dapat talaga ikaw iyong pupunta roon, dahil kung hindi ikaw iyung pupunta roon hindi ka puwedeng papalit ng ibang tao, hahanapin talaga iyong pangalan mo, dahil iyon ang nakarehistro po rito.
Pangalawa, kung wala ka roon, let say kung hindi ka pumunta, doon ka ulit sa dulo mapupunta na listahan.
So tingin ko we would—titingnan pa natin how we could go about this. But what is important is for each and every one of us to be vigilant. Kung may alam po kayong ganito, any Juan Dela Cruz sabihan kaagad ang kapulisan, sabihan po ninyo ang Mayor ninyo, magtulungan tayo mga kababayan. Iilang tao lang ito kung totoo man, kaiklangan talaga maaresto ito, masampolan ito, dahil mayroon pa tayong misyon; ang misyon natin ay matapos natin ang bakuna. Sa totoo lang, lahat tayo ay pagod na ‘no. Pagod na ang mga doktor walang pahinga iyan hanggang Linggo, mga nurses natin. Ang mga volunteers, ang mga Mayor, lahat gumagalaw, tapos masisira ang pangalan natin dahil sa iilang taong ito, let’s be vigilant here, kung may alam po kayo, itawag ninyo kaagad and I assure you this, hindi kami titigil hangga’t hindi mapakulong ang mga taong iyan.
USEC. IGNACIO: Opo. Kung sakali naman daw pong may mapatunayang opisyal o nagtatrabaho sa local na pamahalaan ang umano ay nagpapabayad para sa vaccination slot, so ulitin po natin, Chairman, anong mga parusa po ang mga puwedeng ipataw sa kanila?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, mayroon tayo sa tinatawag na criminal law, mayroong tinatawag tayong estafa, pretending to possess power or influence na kaya mong gawin ito o kaya naman sa mga nasa gobyerno, mayroon tayong direct bribery, it means any public officer who shall agree to perform any illegal acts constituting a crime. At doon naman sa pribado na gustong magpabakuna, madedemanda din siya. Ang makukulong dito hindi lamang iyong taga-gobyerno, pati iyong magpapabakuna na sisingit, principal by inducement.
At kung ikaw naman ay scammer at mangloloko ka, pasok ka naman sa violation of the Bayanihan Law na sinasabi ikaw ay “Participating in cyber incidents that make use or take advantage of that current crisis situation to prey on the public tool scams – phishing, fraudulent emails or other similar acts”. So lahat po ito, kung scammer ka, kung nangloloko ka lang, kung gumagawa ka ng kuwento o kung totoo man, hindi lamang iyong magbabakuna ang kasabwat mo pati ikaw mismo makukulong.
Kaya please lang ‘no, sumunod na lang tayo sa protocols, sa mga alintuntunin, sa mga guidelines, dahil ito ay para sa pamilya natin. Para sa ating bayan ito eh, may target tayo, pinagtatrabahuan natin lahat ito. So please lang, let’s just follow the guidelines and protocols here.
USEC. IGNACIO: Chairperson ngayon po dumadami na rin iyong pumipila sa mga vaccination center para po magpabakuna, nandiyan pa iyong patuloy na pagdadagdag nga po ng vaccinations hubs dito sa Metro Manila. Sapat pa po ba daw iyong bilang ng mismong nagbabakuna or vaccinator para i–accommodate ang dagsa ng mga tao at siyempre doon po sa inaasahang pagdating pa rin po ng mga bakuna sa bansa?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Huwag po kayong mag-alala, as of now, updated po ang mga Mayors ng Metro Manila. Magmula day one lahat po ng binigay ni Sec. Charlie ay talagang naubos na, talagang on the dot ang performance ng Metro Manila at iyon namang mga darating pa, kasi nga isipin mo, Usec. Rocky, 1.5 million itong Abril biglang magdya-jump ka ng 15 million ng July, August para lang mahabol natin ang herd immunity, that is a times ten production. Kaya ngayon pa lang pinag-uusapan na iyan. So that I would like to take this opportunity para pasalamatan hindi lang ang ating pamahalaan, sa ating Pangulo, but pati na rin ang private sector. Sa totoo lang, napakahirap na task ito, magagawa lang natin ito kung magtutulungan ang lahat.
Kaya napakasaya ko, dahil hindi lang ang gobyerno, kasama po natin ang private, ito iyong T3 na tinatawag, sila [unclear] iyong Ayala, itong mga grupo ng Jollibee, McDonalds, Angkas, talagang mga malalaking negosyante. Mga malls, binubuksan nila, itong ShoeMart, itong Robinsons, nagbibigay pa ng mga doctor, so it’s a matter for us na i-identify lang kung ilang manpower ang kailangan atin, saang lugar, gaano karaming bakuna and then we have focus on what will happen for the next few months. Alam mo everything is achievable as long as magkatulungan lang tayo. At walang distractions, ano iyong distractions, ito iyong mga nagbebenta na ito dapat talaga ipakulong sila. So iyon lang, Usec. Rocky, importante dito ang pagkakaisa ng bawat Pilipino.
USEC. IGNACIO: Chairman may tanong din po si Marvin Calas mula sa UNTV: Ngayon daw po na bumababa na ang cases ng COVID-19 sa Metro Manila at tuluy-tuloy rin iyong vaccinations sa mga LGU, iri-recommend ba daw ng Metro Manila Mayors sa IATF na mas luwagan pa ang quarantine restrictions after May 31 and if ever, ano daw po iyong mga business sector na sa tingin ninyo, natin ay dapat nang i-resume gradually sa NCR?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, napakaganda ng naging approach ding ito. Kung matatandaan ninyo habang nakikinig nga ako sa interview ni Mayor Oscar Moreno kanina parang nagbabalik-tanaw ako noong nangyaring bangungot sa atin noong araw eh. Imagine mo nagkaroon ng variant hindi ba, noong nagkaroon ng variant, we have to go through ECQ and MECQ etcetera. At kung titingnan ninyo ang proseso, inuna muna natin iyong borders natin, sinama natin ang Rizal, Bulacan, Laguna ang Cavite. Sinarado natin totally ng dalawang linggo – ECQ, sacrifice ang lahat and then unti-unti nating binuksan while securing the borders. Nagkaroon tayo ng MECQ with openings of flexibility. Ngayon GCQ na tayo with heightened restrictions. Ibig sabihin, hindi kaagad binuksan ang mga kumpanya, tapos pagbukas mo unti-unti, ngayon iyong mga capacity binubuksan mo na unti-unti.
So maganda, huwag kayong mag-alala kung ano ang nangyari noon na unti-unti, I’m sure we will proceed with caution here. Pero one thing ang gusto kong sabihin dito kung anuman ang mapagkasunduan ng IATF pa rin dito, importante pa rin ang strict implementation ng minimum health protocols.
USEC. IGNACIO: Panghuli na lang po Chairman. Tanong po ni Kenneth Paciente ng PTV pa rin: Ngayon daw pong sobrang init ng panahon may mga naitala ba na heatstroke ang ating mga traffic enforcers, street sweepers sa Maynila. So ano po ba itong heat stroke break na ipinatutupad ngayon ng MMDA?
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Well, ang heatstroke break po ay binibigay namin extra 30 minutes sa aming mga traffic enforcers, sa mga cleaning officers naming sa mga batches po, iba’t ibang batches po sila eh, so nagbigay po kami dito. At kung tumaas pa on a certain degree, if I am not mistaken 40 degrees, additional 15 minutes pa rin po.
And Usec. Rocky, I would also like to take this opportunity para sabihan ang lahat na sa aming mga enforcers, sa aming mga empleyado rito ay nagbabakuna na rin kami. At hindi lamang kami nagbabakuna, ngayon lang ay galing ako doon sa center namin, bukod sa empleyado namin ay kami na rin ay nakiisa sa mga media. Sa mga media na senior citizen, may comorbidities dahil pamilya na rin namin sila eh, kasama namin sila araw-araw, nakikita ko kung minsan dikit-dikit sila. So ngayon ay binakunahan na rin sila ‘no, mga media ng MMDA. Talagang tulungan lang po itong effort na ito.
USEC. IGNACIO: Salamat sa inyong panahon, MMDA Chairperson Benhur Abalos. Mabuhay po kayo, Chairperson.
MMDA CHAIRMAN ABALOS: Thank you, Rocky, Mabuhay kayo.
USEC. IGNACIO: Samantala, magkahiwalay na sunog naman ang halos na sunud-sunod na pinadalhan ng tulong sa patuloy na pamamahagi ng tanggapan po o tulong ng pamahaalan at ni Senator Bong Go. Daan-daang mga pamilya ang nabigyan ng kagyat na ayuda. Narito po ang report.
[NEWS REPORT]
USEC. IGNACIO: Maraming salamat po sa ating mga partner agencies sa kanilang walang sawang pagsuporta sa ating programa at maging sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas.
At dito po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito, magkita-kita po tayo uli bukas para sa panibagong talakayan, dito pa rin sa Public Briefing #LagingHandaPH.
##