TRANSCRIPT: Interview with Acting Presidential Spokesperson Martin Andanar, March 10, 2022

 

INTERVIEW WITH ACTING PRESIDENTIAL SPOKESPERSON

AND PCOO SECRETARY MARTIN ANDANAR

BY WENG SALVACION AND JOEL REYES ZOBEL – SAKSI SA DOBOL B/DZBB

MARCH 10, 2022 (8:30 A.M. – 8:44 A.M.)

ZOBEL: Secretary, good morning. Si Joel at si Weng, live ka sa Super Radyo DZBB sa GTV.

SALVACION: Magandang umaga po.

SEC. ANDANAR: Hello! Good morning, Weng at Joel. It’s good to see you again. I don’t see you on my camera but I can hear you.

SALVACION: Pero malinaw kayo sa amin, Secretary.

ZOBEL: Malinaw kayo sa amin, Secretary. Kayo ba ay nakatabi baka may manghuli po sa inyo, anti-distracted driving po?

SEC. ANDANAR: Hindi may nagmamaneho.

ZOBEL: That’s good. Secretary, ano po itong possibility po na magdeklara po tayo ng state of economic emergency, iyong mga hiling ng mga kongresista.

SEC. ANDANAR: Alam mo iyong Department of Budget and Management pagdating sa pagtaas ng presyo ng langis halimbawa, mayroon silang programa na nagbibigay nitong ayuda or assistance ‘no at doon sa assistance na iyon ay nagbabase ang DBM sa galaw ng presyo ng krudo.

So, for example ang recommendation ng DOE is three months na 80 dollars per barrel. Now, kung tumaas ng tumaas iyon, halimbawa umabot ng 120, kasi 80 dollars per barrel iyong threshold aba eh siyempre mag-iiba iyong tono, iyong takbo ng ating ekonomiya; siguro iyon ang magti-trigger, Joel.

ZOBEL: Na?

SEC. ANDANAR: Na mag-announce o ang ating mahal na Pangulo ay i-consider niya iyong mga aksiyon para mas lalo pang matulungan natin ang ating mga kababayan.

ZOBEL: Pero, Sec., lagpas-lagpasan na tayo sa threshold ah.

SALVACION: Oo, nasa 120 dollars na po ngayon mahigit.

SEC. ANDANAR: Oo, Mayroon kasing three months na kailangang average—

ZOBEL: May pinagsasabihang panahon ano. Nakakailang buwan na ba tayo, Weng? Siguro nakakaisa at kalahating buwan na tayo.

SALVACION: Kung iyong 80 dollars, nakakatatlong buwan na tayo doon. Pero iyong 120 na threshold na sinabi ni Secretary, siguro mga isa at kalahati or isang buwan.

SEC. ANDANAR: Hindi, 80 iyong threshold, pero—

SALVACION: Iyong trigger? One hundred twenty.

SEC. ANDANAR: No, hindi ko sinasabing magti-trigger. Hindi iyon iyong talagang standard, pero ang DOE kasi sabi nila puwede nilang iatras hanggang December – so December, January, February. So kung makukuha mo iyong average noong tatlo na iyon, if they all agree, then iyon ang mangyayari.

Pero sa ngayon, it’s January, February, March. So kung January, February, March, ibig sabihin noon eh we need to wait for the entire March hanggang sa ma-average natin kung mage-80 dollars ba.

ZOBEL: Okay. So sinasabi ninyo maghihintay tayo ng isang buwan ng Marso bago ilabas po iyong pondo, tama po ba?

SEC. ANDANAR: Oo. Iyon po iyong kalakaran, iyon po iyong—

ZOBEL: Iyong pondo para pantulong dito, Weng.

SALVACION: Secretary, kung sakali po na magkaroon na ng trigger, magdeklara na si Presidente ng economic emergency. Ano po iyong mga hakbang ng gobyerno na isasakatuparan sa ilalim po ng sistemang iyon?

SEC. ANDANAR: Hindi po kasi namin napag-usapan doon sa meeting noong Lunes, iyong state of emergency pagdating sa ekonomiya. Pero mayroong mga panukala ang NEDA at ang buong economic cluster kung ano iyong mga puwedeng gawin. So halimbawa, ito nga pong pagbigay ng assistance sa ating mga transport groups, iyong pagbibigay ng assistance  sa ating mga magsasaka kasi siyempre kapag tumaas ang presyo ng langis, eh automatic, tataas lahat, tataas iyong production ng corn, etcetera. So, tataas din iyong presyo ng pagkain, therefore, kapag nangyari iyon magkakaroon tayo ng inflation.

Now, I understand na iyong inflation natin for February, halimbawa ngayon is about 3% at maaaring dumoble ayon sa mga dalubhasa iyong inflation. So maaaring pumalo ng 6%, kapag nangyari iyon, siyempre tataas din iyong interest rates. So, kawing-kawing na ito eh.

But, the President of course will have to wait for the recommendation of the Department of Finance, DBM, the economic cluster kung kailangan ba iyong state of economic crisis.

ZOBEL: Emergency.

SEC. ANDANAR: Emergency, opo.

 

SALVACION: Doon po sa, sabi nga para daw mapabilis iyong paglalabas ng pondo, kailangan iyong declaration na iyon. Tinutukoy na po ng Malacañang ngayon o tukoy na ng Malacañang ngayon kung ano iyong mga budget sa bahagi po ng GAA natin o General Appropriations Acts na gagalawin natin at gagamitin kung sakali?

 

SEC. ANDANAR: Iyan naman po ay tukoy na ng gobyerno kung anong dapat gawin kung either sapat ba iyong pondong pagkukuhanan doon sa ating GAA or kailangan ba nating umutang ulit. Iyon ang ginagawa talaga ng gobyerno.

ROWENA SALVACION: Opo.

SEC. ANDANAR: Kung mayroong source of fund na nandiyan lang sa tabi, mas maganda. Pero kung iyong source of fund mo ay manggagaling pa sa international or external na mga bangko ay iyon ang medyo masaklap, pero that’s the bitter pill that we have to take kung talagang said na iyong ating gobyerno sa pera.

JOEL REYES ZOBEL: Mayroon pong mga panawagan para ho tayo po ay magpatawag po ng special session si Presidente at ilan sa mga pag-uusapan kung saka-sakaling magpapatawag ng special session ay iyon pong pagbawi sa value added tax pati daw po doon sa excise tax para ho sa mga produktong petrolyo. Papaano tinatanggap ni Presidente itong mga panawagang ito? Siya ba ay nakikita ninyong maaaring sumang-ayon doon sa mga panawagan na iyan o baka magkaroon tayo ng problema sa koleksiyon ng pera o pondo kapag ito ay ginawa?

SEC. ANDANAR: Tama ka, Joel, magkakaroon talaga ng problema at nabanggit naman iyan ng DBM, ng ating Acting Secretary.

Kung anong gagawin ng Presidente – alam mo si Pangulong Duterte naman ay talagang experienced na iyan – alam niya kung anong gagawin kapag mayroong krisis at pinapakinggan niya lahat.

Ang sabi ng DBM, kapag tinanggal mo iyong excise tax eh maaapektuhan mo iyong social services, iyong DSWD. Maaapektuhan mo iyong DOH, lahat maaapektuhan ‘no. So, kapag nangyari iyon, kung halimbawa, inalis mo iyong excise tax, papaano iyong mga pampagamot ng mga kababayan natin sa DOH? Papaano iyong mga ayuda sa DSWD?

So, iyon po. Kaya dapat maingat po talaga eh. Kailangan balansehin talaga ng husto kaya siguro iyong mga panukalang magkaroon ng State of Economic Emergency, iyan ay hindi naman mga simpleng salita, kailangang pag-aralan ng husto dahil maraming maaapektuhan talaga.

And itong lahat ng ito ay nakahanda naman ang gobyerno. Marami namang mga experts and you can be rest assured na si Presidente Duterte ay pinapakinggan lahat ng mga suhestiyon. In fact, noong nagkaroon nga kami ng meeting noong Lunes doon sa Talk to the People ay kasama sa mga napag-usapan iyong iba’t ibang mga rekomendasyon ng NEDA para maibsan ang epekto nitong oil crisis or possible world economic crisis.

ROWENA SALVACION: So, Secretary, hindi pa malinaw kung magpapatawag talaga si Pangulo ng special session?

SEC. ANDANAR: Hindi pa malinaw, pero napag-usapan base sa rekomendasyon ng Economic Cluster na mayroong mga provisions, mga batas na kailangang pag-usapan tulad nitong excise tax, kung papaano, kung saan kukuha ng pera para pantustos doon sa ating mga magsasaka, sa ating mga transports groups, mga tsuper, mga operator. Iyon po.

Iyon po iyong napag-usapan. So, kung magpapatawag ng special session o hindi eh siyempre iyan ay nakasalalay pa rin sa takbo ng panahon.

ROWENA SALVACION: Napapag-usapan din po ba sa economic cluster iyong posibilidad na pagbibigay ng ayuda sa mga household? Kasi sabi nga ng mga ekonomista, Joel, Secretary, ay kung gusto mong mapalakas ang ekonomiya, lakasan mo iyong purchasing power ng mga bahay-bahay, ng bawat pamilya.

JOEL REYES ZOBEL: Sila iyong namimili ng mga gamit at pagkain.

ROWENA SALVACION: Iyong parang dating SAP. Walang balak na ibalik iyong ganoong ayuda, Secretary?

SEC. ANDANAR: Alam mo, kung gugustuhin talaga mas gusto natin mayroong ayuda, may SAP lahat ano. Kaya iyon nga, nandoon nga iyong magiging dilemma natin sapagkat kapag tinanggal mo iyong excise tax siyempre maraming pondo ang mawawala doon sa social services sa DSWD. So, kaya kailangan talagang balansehin nang husto itong problema at ang solusyon para hindi naman gaanong maaapektuhan din iyong ibang mga services ng ating pamahalaan.

JOEL REYES ZOBEL: So, mukhang pupuwede namang mabigyan ng SAP iyong household, Weng, kasi malabo eh—

ROWENA SALVACION: Kung hindi mo tatangalin iyong excise tax.

JOEL REYES ZOBEL: —Malabong tanggalin ang excise tax eh—

ROWENA SALVACION: At saka iyong VAT.

JOEL REYES ZOBEL: —Iyon ang tono ni Secretary Andanar, na talagang medyo malabong tanggalin iyan pati iyong mga value added tax na iyon ‘no?

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ANDANAR: Well, again depende pa rin sa ating economic managers. Hindi naman ako kasama doon sa economic cluster pero logic would tell you that, that saan ka kukuha ng pera?

JOEL ZOBEL: Opo. Walang-walang kukunan talaga ‘no.

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ANDANAR: Walang sources of fund. Eh saan tayo kukuha ng—

JOEL ZOBEL: Wala tayong maibibigay.

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ANDANAR: Wala tayong maibibigay, ‘di uutang na naman tayo.

JOEL ZOBEL: Tama, tama.

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ANDANAR: Iyon ang lalabas doon.

ROWENA SALVACION: Sec., isang habol na lang. Ano po ang posisyon ng Malacañang doon sa mga panawagan na magkaroon na rin ng dagdag sahod ang mga manggagawa sa gitna po ng napakapagtaas ng mga bilihin ngayon, presyo ng bilihin?

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ANDANAR: Nagpahayag na rin si Labor Secretary Bebot Bello ng kaniyang suhestiyon diyan sa pag-increase ng minimum wage at siya naman ay sang-ayon dito. So I will take it from the Labor Secretary na kung iyon ang kaniyang policy then the Labor Secretary as alter ego of the President then iyon ang maganda para sa atin, ‘di ba iyong ating minimum wage [garbled].

In fact, I think tinawagan niya na iyong tatlong regional wage tripartite board ‘no para pag-usapan ito. Dahil iyon talaga, papaano mo tutulungan ang ating mga kababayan lalo na iyong minimum wage earners, paano sila kung tataas iyong inflation?

ROWENA SALVACION: Opo.

 

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ANDANAR: ‘Di ba iyong beinte mil mo, ano na lang ang magagawa sa beinte mil ‘di ba or sampung libo, kinse mil. So kailangan talagang dagdagan.

JOEL ZOBEL: Okay. Siguro panghuling tanong natin, Weng: Apat na buwan na lang si Presidente, ano pa ba ang aasahan natin, Secretary? Mayroon pa bang mga malalaking mga pagbabago na ipapatupad po ang pamahalaan?

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ANDANAR: Alam mo, Joel, iyong napag-usapan nga namin noong December ay ang focus natin ‘di ba iyong sa COVID, iyong pagbakuna tapos iyong ating ekonomiya, makabalik na, makabukas muli tapos iyong halalan. Tapos ito mayroong unforeseen event itong sa Ukraine, so nadagdagan.

So I guess iyong apat na problema na iyon ang tututukan ng pansin ng ating Pangulo at ng gobyerno. We have about three months and mga 23 days left. Gagawin ng Pangulo ang lahat para ang transition ay smooth at hindi mahirapan ang susunod na gobyerno na harapin ang mga bagong hamon ng ating bayan especially iyong mga hamon na nanggagaling sa… iyong mga external factors katulad ng giyera sa ibang bansa na nakakaapekto sa ating ekonomiya.

Grabe sunud-sunod ito pandemya tapos itong…

JOEL ZOBEL:  Oo nga po.

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ANDANAR: Walang tigil, sobra.

ROWENA SALVACION: So si Presidente may nagsasabi hindi na napapagkakita eh. Ano bang pinagkakaabalahan ng Pangulo, Secretary?

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ANDANAR: Well, madalas naman kaming pinapatawag either sa telepono – iyon naka-focus siya dito sa problema. Again—mayroon tayong Part 4 ng ating vaccination drive. Today magsisimula iyong vaccination drive sa mga senior citizens tapos iyong mga bata, may dumating na mga bakuna. Hindi pa kasi lahat nababakunahan e kaya kailangan mabakunahan lahat, tapos iyong peaceful, honest and fair elections kailangan matutukan iyan ng ating gobyerno dahil hindi naman puwedeng puro pandaraya ang mangyari sa Mayo.

JOEL ZOBEL: Ano ba ang tingin ninyo sa body language ni Presidente, Secretary, mayroon ba siyang ieendorsong kandidato at the last minute?

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ANDANAR: Palagay ko… palagay ko sa ngayon Joel, palagay ko wala eh. I think he will stick with his previous statement na he will stay neutral at iyon naman din ang bilin sa amin ni Presidente, iyong mga natitirang Cabinet members na kailangan maging neutral kasi kapag hindi ka naging neutral baka mapagdudahan ka na ginagamit mo iyong opisina mo, ‘di ba?

JOEL ZOBEL: Iyong resources. Secretary, mag-ingat ka ha!

ROWENA SALVACION: Maraming salamat po.

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON ANDANAR: Thank you. Thank you, Joel.

JOEL ZOBEL: Si Secretary Martin Andanar, ang acting Presidential Spokesperson, mga kapuso.