TRANSCRIPT: Interview with Press Secretary Trixie Cruz-Angeles- PTV4, July 14, 2022

SPECIAL COVERAGE

INTERVIEW WITH PRESS SECRETARY TRIXIE CRUZ-ANGELES – PTV 4

July 14, 2022 (12:45 P.M. – 12:48 P.M.)

 

MELA LESMORAS: …mahalagang anunsiyo, makakasama natin ngayon si Press Secretary Trixie Cruz-Angeles. Magandang araw, ma’am. May mahahalagang anunsiyo po ba tayo para sa ating mga kababayan?

SEC. CRUZ-ANGELES: Magandang araw. Dalawa po ang ating bagong—well, in relation to appointments: Si Dr. Rosario Vergeire has been designated OIC ng Department of Health. Siya po ay currently iyong Undersecretary for Public Health Services ng DOH.

Bilang General Manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ni-nominate na po si Mr. Mel Robles na siyang dating Light Rail Transit Administrator. He is credited with having been the only administrator to have made that agency profitable. Prior to his stint as LRTA, member siya ng board ng Intercontinental Broadcasting Corporation, and currently isa siyang negosyante engaged in real estate at mayroon siyang rehabilitation facility.

In the meantime, ikinalulungkot namin i-report na this morning, si Mr. Mario Castro, isang Administrative Aide na naka-assign sa Information Communications Technology Office under the Deputy Executive Secretary for Finance and Accounting ay namatay. He died from an apparent fall from the fourth floor of Mabini Hall which is located inside Malacañang Compound.

Kasalukuyang iniimbestigahan po ang insidente na ito. Nagko-coordinate ang Presidential Security Group at ang PNP Security Force Unit dito sa insidente.

We express our profound sorrow and condolences for the family of Mr. Mario Castro.

MELA LESMORAS: Opo. Secretary, itanong lang din natin kung may mga magiging tulong ang pamahalaan para sa pamilya? At ano pa iyong mga aasahan ding mga aktibidad naman sa Malacañang?

SEC. CRUZ-ANGELES: Tinitingnan natin, of course, dahil it happened inside the Malacañang Compound at isa siyang empleyado, titingnan natin iyong kaniyang ano … iyong possibility na, of course, kahit paano ay mayroon tayong maitulong doon sa kaniyang pamilya; may naiwan siyang pamilya. At ang kaniyang maybahay ay currently cooperating naman doon sa investigation. So, we will do whatever we can to help the family.

 

MELA LESMORAS: Okay. May other announcement or message to the public pa po ba tayo, Secretary Trixie?

SEC. CRUZ-ANGELES: Hindi naman po, okay na po ito, just that continuing ang imbestigasyon dito.

MELA LESMORAS: Opo. At mga kababayan, iyan po ang mga mahahalagang anunsiyo ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles. Magandang araw po.

                                                                        ##