PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OFFICE
News and Information Bureau
PUBLIC BRIEFING #LagingHandaPH
HOSTED BY ALJO BENDIJO
March 15, 2023 (11:00 A.M. – 11:42 A.M.)
BENDIJO: Magandang araw Pilipinas, Miyerkules po ngayon ika-15 ng Marso, 2023.
Update po tayo kaugnay sa SIM card registration, mga programa ng Pag-IBIG Fund at ang patuloy na pagtugon ng pamahalaan sa oil spill – iyan po ang ating pag-uusapan ngayong umaga kaya’t manatiling nakatutok, ako po ang inyong lingkod, Aljo Bendijo, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Ipinag-utos po ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbuo ng special prosecution panel ng DOJ, hinggil iyan sa kaso ng pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo; ito po ay sa naging pulong ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa pangulo. At ayon kay Secretary Remulla, nais ng pangulo na maisampa ang mga kaso na dapat nang maisampa. Dagdag pa ng kalihim, nais ng punong ehekutibo na maging stable ang sitwasyon sa probinsiya.
Samantala, kinatigan naman ng Korte Suprema ang kahilingan ng DOJ na ilipat sa Regional Trial Court ng Maynila ito pong mga kasong may kinalaman sa Degamo slay case. Nagpasalamat naman si Remulla sa Korte Suprema matapos pagbigyan ang kaniyang kahilingan.
[VTR]
BENDIJO: Okay. Kayo po ba ay nakapagparehistro na ng inyong mga SIM cards? Iyan po ang ating pag-uusapan ngayon dahil mayroon pa ring ilan nating mga kababayan ang hindi pa rin nakapagparehistro ng kanilang mga SIM cards. Maya-maya po iyan, maya-maya, aayusin lang natin ang ating linya ng komunikasyon with DICT. Pero ito muna, housing loan at iba pang program muna tayo ng Pag-IBIG Fund – iyan po ang pag-uusapan natin with Jack Jacinto, Department Manager for Public Media Affairs ng Pag-IBIG Fund.
Sir Jack, good morning.
PAG-IBIG FUND DEPT. MGR. JACINTO JR: Magandang umaga po, Sir Aljo, at magandang umaga po sa lahat ng nanunood at nakikinig po sa inyong programa.
BENDIJO: Yes, sir. Ano po ang update sa contribution rate ng Pag-IBIG last year?
PAG-IBIG FUND DEPT. MGR. JACINTO JR: Para po sa contribution rate ng Pag-IBIG Fund last year, hindi po natin ito itinaas noong nakaraang taon at maging ngayong taong 2023 ay nagpasya po ang ating board sa pangunguna po ni Secretary Jerry Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development na ipagpaliban iyong pagtaas ng ating contribution rate, tugon po to sa request po ng ating mga miyembro at ng [unclear] na patuloy po iyong pag-recover sa pandemya at pagtugon na rin po sa panawagan ng ating mahal na Pangulong Marcos na [unclear] ang request po ng business community at ng ating mga kapuwa Pilipino. Gayunpaman, Sir Aljo, iyon pong contributions po natin sa Pag-IBIG Fund noong 2022 ay nakapagtala po tayo ng record high na P80 billion po ang nakolekta ng Pag-IBIG Fund – ito po ang pinagkatiwalang ipon ng ating mga miyembro sa Pag-IBIG Fund noong 2022.
BENDIJO: Opo. Ano po ang nakikitang factors ng Pag-IBIG, Sir Jack, sa kabila ng patuloy na tumataas na financial position nito?
PAG-IBIG FUND DEPT. MGR. JACINTO JR: Sir Aljo, malaking bagay po diyan iyong patuloy na pagbangon ng ating ekonomiya sapagkat dumadami po iyong miyembrong naghuhulog sa Pag-IBIG Fund at marami po sa ating mga kababayan ay nakabalik na po sa kanilang mga trabaho; mahalaga rin po diyan iyong patuloy na pagtitiwala ng ating mga miyembro sa Pag-IBIG Fund sapagkat, Sir Aljo, iyong kanilang ipon sa Pag-IBIG Fund ay patuloy nilang dinadagdagan at nilalakihan iyong kanilang ipon at ipinagkakatiwala sa Pag-IBIG Fund maliban pa doon po sa patuloy na pagbabayad ng ating mga miyembro sa kanilang mga housing loans at cash loans sa Pag-IBIG Fund – so, iyong mga factor po na ito, Sir Aljo, ang dahilan kung bakit ho lalong tumitibay, lalong sumisigla ang fiscal position ng Pag-IBIG Fund.
BENDIJO: Opo. Gaano karami po ang nadagdag na bagong members noong nakaraang taon?
PAG-IBIG FUND DEPT. MGR. JACINTO JR: Noong nakaraang taon ho ay around 1.4 million additional members ang dumagdag sa Pag-IBIG Fund, dahil po diyan umabot na tayo sa 15.12 million members – at, Sir Aljo, ito po ay mga aktibong miyembro, ibig sabihin sila po ay naghuhulog sa Pag-IBIG Fund. So, mahigit 15 million members na po as of 2022 ang miyembro ng Pag-IBIG Fund.
BENDIJO: Okay. How about iyong turnout ng housing loan programs noong nakaraang taon, ano po ang naging estado nito? Ito ba ay tumaas din?
PAG-IBIG FUND DEPT. MGR. JACINTO JR: Tumaas din po, Sir Aljo. Masaya po naming ibinabalita na noong taong 2020 ay nakapag-remit din po tayo ng record high, pinakamataas na housing loan na umabot sa 117.85 billion pesos. Then, Sir Aljo, labis po namin itong ikinakatuwa sapagkat sa tulong nito ay nagkaroon po ang mahigit 105,000 nating mga miyembro ng pagkakataon na makabili at magkaroon ng sariling bahay sa tulong po ng Pag-IBIG housing loan.
BENDIJO: Okay. Ano naman po ang short-term pati na po long-term loan programs, pautang na inihanda po ng Pag-IBIG para sa mga miyembro nito ngayong taon?
PAG-IBIG FUND DEPT. MGR. JACINTO JR: Tama po kayo, Sir Aljo, iyong atin pong short-term loans ito po iyong tinatawag nating mga cash loans po natin – ito po ay kinabibilangan ng ating Multi-Purpose Loan, [unclear] po noong Calamity Loan, Sir Aljo – kami rin po ay nakapag-release ng mahigit 53 billion pesos na nakatulong sa 2.6 million members noong taong 2022.
At ang maganda po sa ating short-term loan, Sir Aljo, iyon pong Multi-Purpose Loan natin kaya naman po dumarami po ang nag-a-apply dito sapagkat ito rin po ay maaari nang aplayan ng ating mga miyembro online via virtual Pag-IBIG. Sa madaling salita po, Sir Aljo, pinadali ho natin lalo ang proseso at iyong accessibility ng programa sapagkat ngayon ay maaari na hong mag-file ang ating mga miyembro traditionally sa pamamagitan po ng ating mga tanggapan, and conveniently online, doon po sa ating tinatawag na virtual Pag-IBIG.
BENDIJO: Okay. Nakapagtala ang MP2 Program ng higit 39.84 billion na contribution para sa taong 2022. Gaano kalaki po ang in-improve ng programa ito?
PAG-IBIG FUND DEPT. MGR. JACINTO JR: Isa rin po iyan, Sir Aljo, isa rin po ito sa aming labis na ikinatutuwa sapagkat ito na rin po iyong pinakamataas na hinulog ng ating mga miyembro sa ating voluntary MP2 savings program. 39.84 billion po, Sir Aljo, tama po kayo, ito po ay 54% increase mula po doon sa ating previous record-high na 25 to 95 billion. At ikinatutuwa din po namin sapagkat hindi lamang tumaas iyong halaga na inipon ng ating mga miyembro sa programang ito kundi dumami rin po iyong naghuhulog sa MP2 savings program – mula around 600,000 members, halos isang milyon na po ang kasapi sa programang ito. Patunay po iyan na nag-iipon at nagtitiwala ang ating mga miyembro sa Pag-IBIG Fund.
BENDIJO: Okay. Para po sa hindi pa nakakaalam, ano po ang mga benepisyo kapag nag-avail sila ng MP2 program, at ano po ang pinagkaiba nito sa ibang programa ng Pag-IBIG?
PAG-IBIG FUND DEPT. MGR. JACINTO JR: Salamat po, Sir Aljo, nabanggit po natin kanina na ang MP2 savings program ay isang voluntary savings program na bukas para sa mga miyembro ng Pag-IBIG Fund maging sa mga dating miyembro ng Pag-IBIG Fund na ngayon ay retirado at pensiyonado na. Sa pamamagitan po ng programang ito, kayo po ay makakapag-ipon sa Pag-IBIG Fund sa napakagaan na halaga na 500 pesos po lamang; 500 pesos po open an account, maaari po kayong mag-ipon at any time, ang maturity period po ay five years po lamang at ang pinakamahalaga po dito ay kumikita po [line cut].
BENDIJO: Sir Jack? Naku naputol! Balikan natin mamaya si Ginoong Jacinto Jr. ng Pag-IBIG Fund.
All right, punta muna tayo dito: Ipinag-utos po ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. ang pagpapatayo ng karagdagang cold storage facilities upang maiwasan ang pagkasira ng mga nahuhuling isda. Sa sectoral meeting kasama ang Philippine Fisheries Program, natalakay sa Pangulo ang pagtugon sa mababang fishery production and post-harvest losses.
Kabilang sa mga nakitang solusyon para hindi masayang ang huli ng ating mga kababayang mangingisda ay ang paglalagay po ng cold-storage facilities. Ayon sa Punong Ehekutibo, dapat ay mapababa ang pagkabulok ng mga isda para hindi na dumipende ang ating bansa sa importation. [Unclear] target ang pagpapatayo ng labing-isang cold-storage facilities sa General Santos City at Cagayan de Oro ay inaasahang magiging operational sa katapusan ng taon.
Samantala, bukod sa pasilidad, kinakailangan din umanong paunlarin pa ang aquaculture ng bansa sa pamamagitan ng modernized fishponds.
[VTR]
BENDIJO: Marami pang mga balita at impormasyon sa pagbabalik ng Public Briefing #LagingHandaPH.
[COMMERCIAL BREAK]
BENDIJO: Balikan natin si Ginoong Jack Jacinto, Department Manager for Public Media Affairs ng Pag-IBIG Fund. Sir Jack, hello.
PAG-IBIG FUND DEPT. MGR. JACINTO: Magandang umaga po, Sir Aljo.
BENDIJO: Ito na, itutuloy ko lang iyong tanong kanina: Sa hindi pa nakakaalam, anong mga benepisyo kapag na-avail ng mga Pag-IBIG Fund members ang MP2 program? At ano ang difference nito o pinagkaiba sa ibang mga programa ng Pag-IBIG Fund?
PAG-IBIG FUND DEPT. MGR. JACINTO: Salamat po, Sir Aljo. Ipagpatuloy ko po iyong aking nabanggit kanina, ang MP2 Savings Program po ng Pag-IBIG Fund ay isang voluntary savings program na bukas po sa mga miyembro ng Pag-IBIG Fund at maging sa mga dating miyembro ng Pag-IBIG Fund na ngayon ay retirado na at pensiyonado.
Sa tulong po ng savings program na ito, Sir Aljo, maaari po silang makapag-ipon sa halagang limandaang piso po lamang kada buwan at ito po ay kumikita ng dibidendo taun-taon na maaari po nilang matanggap on an annual basis or after five years.
BENDIJO: Opo. Pagdating sa ibang existing programs ng Pag-IBIG, ano pa ang nakitaan ng improvement pagdating naman sa available rate, pati na contribution rate?
PAG-IBIG FUND DEPT. MGR. JACINTO: Sa ating mga programa, Sir Aljo, kami po ay natutuwang banggitin po ‘no na noong taong 2022 ay nakita po natin ang lalong pagsigla po at pag-improve po ng performance ng ating mga programa; pinakamahalaga na po ‘no iyong ating mga core programs. So mabanggit ko lamang po, Sir Aljo, iyon pong ating savings programs ay nakapagtala nga po ng record-high na collections, umabot po sa 80 billion pesos po lahat ito. Pagdating po sa housing loans, record-high din po, 117.85 billion pesos po ang ating nai-release. At maging po sa collections ho natin ng loan payments, umabot din po ang ating loan payment collections nang mataas – 57.69 billion pesos para sa short-term loans; at maging sa housing loan collections, umabot po ng 85.87 billion pesos. Ito po iyong mga pinakamalalaking dahilan kung bakit po patuloy na sumisigla at lumalakas ang Pag-IBIG Fund.
BENDIJO: Para naman sa Pag-IBIG members na may loyalty card, papaano kung matagal nang hindi nagamit iyong card? Saan lang din daw po ito puwedeng magamit?
PAG-IBIG FUND DEPT. MGR. JACINTO: Matutuwa po, Sir Aljo, ang ating mga miyembro na may Pag-IBIG Loyalty Card, at sa katunayan po, more than 10 million cards na po ‘no ang naisyu ng Pag-IBIG Fund na loyalty card sa ating mga miyembro. At para po sa mga may hawak nito ‘no, ang inyong loyalty card po ay maaari ho ninyong magamit para makatanggap ng mga diskuwento at special promos mula po sa mahigit 370 partners ‘no. Ipakita ninyo lamang po iyong inyong card at kayo po ay makatatanggap ng diskuwento mula sa ating mga partner merchants.
At para naman po sa mga members natin na may Pag-IBIG Loyalty Card Plus – ito po iyong may EMV chip ‘no, iyon pong chip doon sa card – ito po ay magagamit nila bilang ATM card. Dito po ipapasok, Sir Aljo, iyong kanilang matatanggap na benepisyo sa Pag-IBIG Fund. At ito rin po ay magiging paraan nila, iyong pinakamadaling paraan nila upang makagawa ng sarili nilang virtual Pag-IBIG account para po iyong kanilang online transactions ay mapadali at makita po nila iyong kanilang mga records sa Pag-IBIG – iyong kanilang ipon, kanilang mga ibinayad sa kanilang mga loans, lahat po iyan ay makikita nila online, again po, sa tulong ng ating Loyalty Card Plus.
Para po ma-avail ito, maaari pong sumadya ang ating mga miyembro sa pinakamalapit na tanggapan ng Pag-IBIG Fund. Kailangan po kasi, Sir Aljo, piktyuran iyong ating member; kasama po iyan sa mag-a-appear sa card.
BENDIJO: Ano ang proseso para maka-avail po ng loyalty card ng Pag-IBIG?
PAG-IBIG FUND DEPT. MGR. JACINTO: Sir Aljo, upang maka-avail po ng loyalty card, dalawa po ‘no, maaari pong sumadya ang ating mga miyembro sa pinakamalapit na tanggapan ng Pag-IBIG Fund at doon po ‘no, makakakuha po sila ng Pag-IBIG Loyalty Card. At doon po mismo, hihintayin ho nila sapagkat ipi-print po sa kanilang harapan iyong card.
At ginagawa rin ho natin, para po sa convenience ng ating mga miyembro, pumupunta po ‘no, nag-i-schedule po ang Pag-IBIG Fund ng mga bisita sa mga employers, sa mga kumpanya para po hindi na po lumiban sa kanilang mga trabaho iyong gustong mag-apply nilang mga empleyado para sa Pag-IBIG Loyalty Card.
BENDIJO: Okay. From televiewer – may mga question po sa mga nanunood ngayon, Sir Jack – ang tanong: Paano raw iyong mga informal settlers na gustong mag-loan sa kanilang matagal nang tinitirhan? Ito po ba’y puwede? May proseso po ba?
PAG-IBIG FUND DEPT. MGR. JACINTO: Opo, Sir Aljo. Ang Pag-IBIG Fund po, ang membership po sa Pag-IBIG Fund, bilang miyembro ng Pag-IBIG Fund, kayo po ay eligible sa ating mga benepisyo ‘no. So kung kayo po ay may gustong bilhing property, kabilang na rin po iyong kung sila po ay informal settler, for as long as member po ng Pag-IBIG Fund at mayroon pong pinagkakakitaan, maaari po nilang bilhin ang isang property na for sale using at gamit ang Pag-IBIG Housing Loan.
BENDIJO: Thank you, at ano po ang mensahe na lang, Sir Jack, sa ating mga televiewers?
PAG-IBIG FUND DEPT. MGR. JACINTO: Opo. Muli po, Sir Aljo, maraming salamat sa pagkakataon na ibinigay ninyo sa amin, sa inyong programa para sa ating mga miyembro. Marami pong salamat sa inyong tiwala at suporta sa Pag-Ibig Fund.
Sa inyong patuloy na pag-iipon, pagbabayad ng inyong mga loans, ito po ang dahilan kung bakit po namamayagpag at napakalakas po ng estado ng inyong Pag-IBIG Fund.
BENDIJO: Thank you so much, Ginoong Jack Jacinto Jr., Department Manager for Public Media Affairs ng Pag-Ibig Fund.
PAG-IBIG FUND DEPT. MGR. JACINTO: Maraming salamat po.
BENDIJO: Samantala, lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang House Bill #7352. Ito po iyong panukalang Constitutional Convention Act na siyang accompanying bill ng resolution ng both Houses number 6 na nagpapatawag po ng Con-con para sa pag-amyenda ng 1987 Constitution.
Sa Plenary session ng Kamara, mismong si House Speaker Martin Romualdez ang nanguna sa pagpasa ng panukala. Noong nakaraang linggo, una nang naipasa sa Mababang Kapulungan ang RBH 6 na siyang nag-uutos ng Charter change. At kahapon lamang, isinunod ang HB, House Bill #7352 na siyang naglalaman naman ng mga actual na patakaran para sa isasagawang Con-con.
At sa ilalim ng panukalang hybrid Con-con na itinutulak ng mga kongresista kung saan elected at appointed delegates ang mag-aaral at mag-aamyenda ng Saligang Batas. Kung maisasabatas, isasabay ang botohan ng Con-con elected delegates sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ngayong Oktubre.
All right, marami pa tayong pag-uusapan sa pagbabalik iyan ng Public Briefing #LagingHandaPH.
[COMMERCIAL BREAK]
BENDIJO: All right. Hihingi po tayo ng update sa patuloy na pagsisikap ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno hinggil sa oil spill sa Oriental Mindoro at ilan pang lugar; makakausap natin ngayon si Diego Agustin Mariano, head ng Joint Information Center Office of Civil Defense. Magandang araw, Sir Diego.
OCD-JIC HEAD MARIANO: Magandang umaga po at magandang umaga din po sa ating mga tagapanood.
BENDIJO: Sir Diego, this is Aljo Bendijo ng PTV-4. Malawak ang epekto ng oil spill matapos lumubog itong barkong MT Princess Empress, umabot na rin daw iyong slick sa Palawan, sa Taytay. Naku, napakagandang lugar pa naman diyan, ang gaganda ng mga beaches diyan, white sand beaches at iba pang lugar. Gaano karami pang lugar o baybayin ang apektado ngayon?
OCD-JIC HEAD MARIANO: Opo, iyon nga po ang ikinalulungkot po natin, umabot na po o mayroon na pong recorded or sightings na po ng oil slick sa may bandang Taytay, Palawan or northern Palawan, at kung magpapatuloy po iyong current na daloy po ng tubig po diyan at iyong hangin, is maaaring bumaba pa po dahil ang daloy ay southwest part, so ang worst case scenario natin is maaari pa pong bumaba. Pero mayroon din pong models ang UP-MSI na sakaling magbago po iyong hangin, dahil patapos na po iyong amihan, puwede pong mag-stay po within Mindoro or umangat pa po or worst case scenario naman po, umabot po sa Verde Island passage po. So iyon po iyong dalawang ating tinitingnan, dalawang scenarios na tinitingnan po regarding po sa tatamaan po ng oil spill.
BENDIJO: Ilang lugar ang isinailalim na sa state of calamity dahil sa oil spill?
OCD-JIC HEAD MARIANO: Sa ngayon po, halos buong Oriental Mindoro na po ang nagdeklara na po ng state of calamity; majority po ng mga municipalities po doon ay nagdeklara na po, kasama na po, isa po sa Region VI po, iyon nga po ang Caluya, Antique, nag-declare na rin po ng state of calamity.
BENDIJO: Nasa ilang indibidwal ang iniulat na nagkasakit na dahil sa oil spill? Sila ba ay inilikas na, ano ang tulong na ibinibigay sa kanila ng pamahalaan?
OCD-JIC HEAD MARIANO: Sa ngayon po na mayroon na pong mahigit 120 na injured or casualties po regarding po dito sa oil spill, ito po iyong karamihan iyong mga nakaranas po ng pagsusuka, pagkahilo or dahil nga po sa sama ng amoy, sama ng epekto nitong langis po dito. Sila po ay binibigyan naman ng medical na atensiyon po ng ating regional offices ng DOH o ng mga health offices ng LGUs po.
BENDIJO: Ano pa ang mga pangangailangan ng mga residenteng apektado ng oil spill?
OCD-JIC HEAD MARIANO: Sa ngayon po ‘no, ang current na kailangan po nila is dagdag na livelihood which is tinutugunan na po ng ating DSWD at DENR at sila na po ay nagpapatupad na po ng cash-for-work program dahil nga po sa oil spill na ‘to is naapektuhan po ang kanilang kabuhayan. Kaya nagsagawa na po ang—ngayong araw po, more than 20,000 na families na po iyong nabigyan na po ng tulong ng DSWD at ng DENR.
At patuloy po diyan, binibigyan po natin ng tamang gamit sa paglilinis po ng ating mga baybayin, binibigyan po natin sila ng supplies para sa tamang paglilinis para sila din po ay safe habang naglilinis at mga family food packs po ay binibigyan po natin iyong ating mga naapektuhang residente dahil po sa oil spill dahil lubha pong natamaan ang livelihood ng ating mga residente po diyan sa Mindoro at ng Palawan po, kasama na po ang Antique.
BENDIJO: May sapat ba tayong mga oil spill boom na inilagay po para hindi na kumalat ang slick or itong oil spill lalung-lalo na diyan sa Palawan area?
OCD-JIC HEAD MARIANO: Sa ngayon po ‘no, mayroon na po tayong mga inisyal na nailatag pero medyo hindi pa po ito sapat kaya nagsasagawa pa po tayo, nagbubuo pa po tayo ng mga oil booms na gawa po sa native materials tulad po ng mga dayami, ng mga coconut husks na ito po’y nakakatulong sa paggawa ng oil booms po ‘no at karagdagang oil booms na nilalatag po ng Coast Guard.
BENDIJO: Okay. Sa ibang usapin, hindi pa rin maiuwi sa Cauayan, Isabela ang labi ng mga biktima ng bumagsak na Cessna plane sa Isabela. Ano po assistance ng OCD sa pagri-retrieve ng mga labi?
OCD-JIC HEAD MARIANO: Opo ‘no. Dahil medyo mahirap nga po iyong terrain po diyan sa Isabela, kasalukuyan nga po is dinadala pa po sa… kumbaga sa sentro ng munisipalidad po ng Divilacan itong mga bangkay po na nanggaling po sa Isabela. At tinitingnan po natin kung gumanda po ang panahon po diyan, maaaring ma-airlift po itong mga cadavers at maidala po sa sentro at maibalik po sa mga pamilya po ng mga nasawi.
BENDIJO: Ano ang paghahanda namang inilatag ng pamahalaan sa posibleng epekto ng LPA (Low Pressure Area) sa Visayas at Mindanao?
OCD-JIC HEAD MARIANO: Opo ‘no. Iyon nga po, nagkaroon po tayo ng LPA sa bandang Mindanao po ‘no kaya patuloy po ang pagsasagawa po natin ng preemptive evacuation at pagbibigay po ng mga family food packs at assistance sa pangunguna po ng mga LGUs na affected po.
BENDIJO: Okay. Kaugnay naman sa isinagawang nationwide earthquake drill kamakailan, ano po ang assessment ninyo, ng opisina ninyo, at inaasahan ba na magkakaroon pa rin ng series of earthquake drill?
OCD-JIC HEAD MARIANO: Opo. Sa assessment po natin, ito po’y naging matagumpay po ‘no dahil naipakita po natin, unang-una po is nagkaroon po tayo ng mastering of disaster response resources at naipakita po natin iyong kakayahan or capabilities ng gobyerno regarding sa pagresponde po dito sa ‘the big one’. At naipakita po rin natin sa ating mga kababayan iyong tamang protocol po na puwede nilang gawin at their own end, at paulit-ulit po natin itong gagawin hanggang sa tayo po’y masanay at hanggang sa—huwag naman po sanang dumating ang ‘the big one’ pero tayo po’y maging handa sakaling dumating nga po itong ‘the big one’.
BENDIJO: Mensahe o paalala na lang sa ating mga kababayan, Diego. Go ahead.
OCD-JIC HEAD MARIANO: Opo ‘no. With regards po dito sa ating earthquake drill na natapos kamakailan lamang po ‘no, kami po ay nagpapasalamat sa lahat po ng nakilahok po dito. At nawa’y sa susunod po na earthquake drill ay nawa’y makilahok po ulit tayo nang seryoso dahil itong earthquake drill po, hindi naman po para sa amin sa gobyerno ay bagkus para din po sa ating mga mamamayang Pilipino po at dito ho, naninirahan po sa Pilipinas ‘no dahil ang lindol ay kahit saan naman po at kahit sino po ay puwedeng tamaan.
So, kaya kailangan po ay tayo pong lahat ay maging handa at dahil at the end of the day naman po is tayo-tayo rin po ang tutulong sa ating mga sarili dahil ang gobyerno naman po ay nandito, tutulong pero kumbaga sino po ang mas nangangailangan, sila po ang ating uunahin. Kaya kailangan on our end tayo po’y maging handa kaya nagpapasalamat po kami sa lahat ng ating mga kababayan na nakilahok po sa earthquake drill noong nakaraang araw, sa mga nakaraang linggo po.
BENDIJO: Maraming salamat, Diego Agustin Mariano – Head ng Joint Information Center, Office of Civil Defense.
OCD-JIC HEAD MARIANO: Magandang umaga po. Maraming salamat po.
BENDIJO: Mga hakbang para mapabuti naman ang pamumuhay ng mga Pilipino, patuloy na isinusulong ni Senador Bong Go. Narito ang report:
[VTR]
BENDIJO: Nagpapatuloy ang bayanihan sa paglilinis sa nasunog na bahagi ng merkado publiko ng Lungsod ng Baguio. Target ng lokal na pamahalaan na maibalik ang operasyon ng merkado sa linggo. Si Alah Sungduan sa detalye:
[NEWS REPORT]
BENDIJO: At iyan po ang mga balita at talakayang tampok namin ngayong araw. Ang Public Briefing ay hatid po sa inyo ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan at kaisa ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas.
Muli ako po ang inyong lingkod, Aljo Bendijo. Daghang kay salamat, dalaygon ang Diyos. Hanggang bukas dito lang sa Public Briefing #LagingHandaPH.
##