PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OFFICE
News and Information Bureau
PUBLIC BRIEFING #LagingHandaPH
HOSTED BY AUDREY GORRICETA
May 24, 2023 (11:00 A.M. – 11:57 A.M.)
GORRICETA: Magandang araw, Pilipinas! Ngayon po ay araw ng Miyerkules, ika-24 ng buwan ng Mayo.
Paglabas ng executive order ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa pagreorganisa ng Task Force on Zero Hunger, mga programang makakatulong sa mga micro, small and medium enterprises at pag-apruba sa IRR ng Marawi Siege Compensation Act – iyan ang ating tatalakayin ngayong araw kasama ang mga kinatawan ng mga piling ahensiya ng pamahalaan.
Ako po ang inyong lingkod, Audrey Gorriceta, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Inalerto ng Department of the Interior and Local Government ang mga lokal na pamahalaan at ang mga Regional Disaster Risk and Reduction Management Council na maghanda sa posibleng epekto ng Bagyong Mawar at ng Habagat.
Ayon pa sa DILG, kailangang paghandaang mabuti ang epekto ng naturang sama ng panahon partikular na ang mga lugar na madalas bahain at prone sa mga pagguho ng lupa. Inaatasan din ang Local DRRMCs na mag-convene at magsagawa ng pre-disaster risk assessment para na rin sa kahandaan at kaligtasan ng mga komunidad na posibleng maapektuhan.
Umaasa naman si DILG Secretary Benhur Abalos na magiging zero casualties sa buong bansa sa harap ng banta ng Super Typhoon Mawar.
Batay sa pagtataya ng PAGASA, sa Sabado inaasahang papasok sa PAR ang naturang bagyo at papangalanang Betty.
Atin naman pong tatalakayin ang mga programa at iba pang update para sa mga micro, small and medium enterprises, makakapanayam po natin si Ginoong Joey Concepcion, member ng DTI-MSME Development Council.
Sir, magandang araw po sa inyo.
- JOEY CONCEPCION:Magandang araw rin.
GORRICETA: Yes. Sir, noong nakaraang linggo po kayo po ay na-appoint bilang miyembro ng MSME Development Council. Ano po ba iyong mga prayoridad ninyo sa ngayon?
- JOEY CONCEPCION:Well actually, medyo matagal na rin ako diyan sa MSME Council and na-renew lang ang appointment ko para at least may continuity. At mula dati noong panahon pa ni President Duterte, talagang isang priority natin ay talagang tumulong dito sa mga micro at small entrepreneurs kasi if we want jobs to continue to grow in this country we have to accelerate our MSMEs especially micro and small para mas guminhawa iyong mga negosyo nila ‘no.
Karamihan sa mga micro kasi natin ay mga tinatawag natin mga survival entrepreneurs iyan at kulang sa kapital, kulang sa kaalaman kung paano nila papalakasin iyong mga negosyo nila kaya iyong Public-Private Partnership ng Go Negosyo at DTI at Department of Agriculture ay talagang tuluy-tuloy pa rin iyan mula sa dating administration ni President Duterte and mas lalo ngayon kay President Marcos na talagang ina-accelerate natin na tuluy-tuloy ang mga programa.
Nakikita ninyo dito sa mga shopping centers natin sa mga SM, Robinson at Ayala, nandiyan ang presence ng private sector; iyong Go Negosyo talagang nagbibigay ng tulong at pinakaimportante dito ang 3Ms – mentorship, money and market. So, access to mentors, access to market and eventually access to money. Without those 3Ms mahihirapan na maging successful ang isang micro at small entrepreneur.
GORRICETA: Okay. Sir, ano po iyong marching order ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa inyong pagpasok bilang miyembro o muling pagkakahalal sa MSME Development Council?
- JOEY CONCEPCION:Well, importante for our country is we must see our country to continue to grow and those that contributed to growth siyempre ang mga negosyante diyan, mula sa malaki hanggang sa pinakamaliit. At ngayon may bagong word na ginamit si President Marcos – nano entrepreneur. Nakikita natin iyan sa mga Angkas, JoyRide, Grab drivers; sila ay entrepreneur din kasi sila ang naghahanap ng trabaho at sila mismo ang may-ari ng maliit na negosyo nila – pagiging driver – so, iyon ang tinatawag natin na nano entrepreneurs.
So, ang ginagawa natin ngayon talagang we are really accelerating. Iyong mga training programs ginagawa iyan ng DTI, DA at pati iyong private sector sumasama rin kami diyan. Halos umaabot na nga kami ng maybe about 300 plus mentors ngayon ang tumutulong dito sa programa ng Go Negosyo. At katulong din namin dito sa mga programa ang DTI, DA ang pagbibigay ng mentors kasi importante na may mentor ang isang entrepreneur para at least maturuan siya kung ano ang dapat gawin niya sa negosyo niya, especially ngayon ang digital platforms ay talagang lumalakas ngayon and it’s giving access ‘no to our entrepreneurs to be able to access this market.
Importante dito is we have to make sure that the entrepreneur also has also a skill whether he is good in marketing, retailing, culinary. So, it is very clear that to be a successful negosyante you have to have a skill. So, all of these together will make the entrepreneur have a better chance to succeed.
GORRICETA: Okay. Mentorship, paano po makaka-access dito iyong mga interesado pong mga maliliit na nagninegosyo o gustong magsimula pa lang ng maliit na negosyo?
- JOEY CONCEPCION:Well, iyong DTI they have their negosyo centers all over the country and people manning the negosyo centers are constantly accepting those entrepreneurs kung gusto nilang matuto ‘no. So, we have this online program ‘Kapatid Mentoring Program’ for both DTI and DA ‘no. So, iyong mga nagtuturo dito are actually mga mentors na certified namin na they do it online basically which saves a lot of money in transportation and it’s very effective ‘no. I think there’s about close to, if I’m not mistaken, about 3,000 graduates already here. So, these are the entrepreneurs who are given the coaching that’s needed and eventually they’re taught also on how to market their products.
So, malaking bagay ngayon dito kasi iyong malaman ng mga MSMEs iyong mga digital platforms that are out there right now SariSuki, GrowSari, iyong mga ibang platforms katulad ng JoyRide, Angkas, Lalamove – lahat ito ay tumutulong dito ngayon sa mga MSMEs natin kasi dati mahirap magbenta ng produkto, ngayon may mga platforms – Lazada, iyong Shopee; iyong service platform marami diyan ‘no, iyong deliveries. So, the digital platforms are really growing, more investments are being poured in the digital platforms; digital wallets – nandiyan ang GCash, nandiyan ang Maya – so, malaking bagay iyan.
Iyong pandemic talagang it forced many of our entrepreneurs to really move towards contactless kasi dati sa pandemic dapat contactless so napuwersa lahat ng MSMEs to really get an e-wallet like GCash or Maya that is actually allowing right now the MSMEs to really now sell online or offer their service online.
So, all payments right now nakita natin are all basically through the e-wallet or the debit card. Sa Amerika noong pumasok ang credit card ay mas lalong sumigla iyong negosyo nila ‘no; so, in America everybody has a credit card. Dito sa Pilipinas people will not qualify for credit cards, kakaunti lang ang maku-qualify diyan pero dito sa debit cards many will qualify, actually everybody will qualify.
GORRICETA: All right, sir, sa inyo pong opinyon, anu-ano po ba iyong dapat na pagtuunan na programa ngayon na isinusulong ng pamahalaan para po mas matulungan itong mga maliliit na negosyo?
- JOEY CONCEPCION:So, iyong mga maliliit na negosyo dito sa retailing, sa karinderya, lahat iyan walang problema, mas madali silang tulungan. Ang pinakamalaking challenge natin dito sa agrikultura ‘no ang mga farmers natin, mga micro farmers. Ang isang dahilan na talagang dapat tingnan iyong problema dito sa agrikultura at iyong problema natin diyan ay iyong skill ‘no kaya ni-launch namin iyong Kapatid Angat Lahat Agri Program (KALAP). Now dito sa grupo ng KALAP, kasama namin dito ang lahat ng pinakamalaking korporasyon dito sa agrikultura at nakita natin sa pagmi-meeting namin how do we create skill in this country? Iyong ginawa ni dating Pangulong Marcos noong way back, ang father ni BBM, was the land reform. Tama ang ginawa niya ‘no to give land to the farmers ‘no.
Pero iyong panahon na iyan, there are restrictions ‘no – iyong isang farmer that will get this land/CLOA are prohibited from mortgaging the land to the bank ‘no and they cannot sell the land. So, how will they access working capital and that’s why maraming mga bangko ayaw magpautang sa mga agri-farmers kasi ang level of risk is very high. Pero ang problema noon is that they have an asset but they cannot use it to borrow money.
So, we’ve been proposing to some of the legislators na baka puwedeng they review the agrarian reform as part of the whole modernization of the agricultural sector ‘no kasi karamihan ng mga MSMEs natin especially the micro and small are farmers. So if we’re able to improve their negosyos—and right now through the big brothers, the approach, wherein I become a contract grower or contract farmer, nangyayari na iyan. So tumutulong lang din ang private sector dito by making them part of the value chain.
But my thinking together with the other big brothers is what if we recommend to Congress to really review the agrarian reform and to allow these CLOAs – the land that’s given to the farmers – that they can mortgage and they can sell it ‘no. But they can never change that the use will always be for agriculture. So the condition to this recommendation is that they be allowed to mortgage and sell but whoever buys it, can only use it for agriculture, so tuluy-tuloy pa rin siya. So you do have—minsan iyong isang farmer matanda na rin siya so he wants to pass it on to his siblings or his children. Pero sayang rin eh kasi what if they’re not interested in wanting to be farmer and they’re already working overseas, so anong mangyayari riyan?
So, we have to find that solution and I think the moment we have a solution there, then more farmers will be able to borrow money and build on the working capital and we can now combine all of these farmers to come together. Even the cooperatives, they can now buy these lands from these farmers who want to give up ‘no and just sell the property and move on ‘no. So I think, for as long as we maintain that these CLOAs can only be used for agri – allow… allow them (farmers) to mortgage it, allow them to sell it.
GORRICETA: Okay. Sir, ang pangulo po natin, si Pangulong Marcos ang siyang tumatayo rin bilang kalihim ng Department of Agriculture, naiparating ninyo na po ba ito o may plano po ba—kailan po ang plano ninyo para makausap o maisuhestiyon itong mga nabanggit ninyo para sa ating mga farmers?
- JOEY CONCEPCION:Sa huli naming meeting sa Malacañang noong, I would say last week, I recommended this to the president, and in fairness he was listening. He didn’t give his firm commitment but I can see from his expression that he was at least open to the idea. And I think Congress is already starting to review certain things ‘no on this type of land. And, at least I was able [unclear] and that I think for us to really make our farmers more competitive, we really have to get them to have skill.
Katulad din kaming mga negosyante, if we don’t have skill in our business, we will not be able to compete. We need skill so that cost to produce can go down – iyon ang advantage dito sa Thailand, sa Vietnam, sa Cambodia, sa Myanmar… they really have skill. Their farmers can have—you know they group together and they have been very successful in producing all of these important commodities that we need – rice, corn etcetera.
So I think that—I believe that this government is open to the idea and for the mere fact that you are not going to reclassify the CLOA land to anything, it has to stick to agriculture, that is your control ‘no. But the person owning the land can change – he might be a farmer who’s tired now and wants to pass it on but he cannot pass it on so allow him to sell it to somebody who is passionate, that he wants to start his own farm ‘no. So, I think there is a chance that Congress will be open to this and it is the way forward for us to really strengthen our agricultural sector ‘no.
And that is the key element in bringing our commodities at lower prices, we will get better yields and with better yields you will be able to bring down your cost and of course, we will have more passionate farmers ‘no. So that is why our group is very passionate about really trying to help our MSMEs and in fact only those MSMEs in the retail sector ‘no, I mean the food sector, we have to have special MSMEs who are producing the raw materials for these food ingredients as well, and that is the agri-sector.
GORRICETA: Okay. Sir, balikan po natin iyong mga adhikain ng Pangulo ‘no: Para po sa kaalaman ng ating mga kababayan, paano po ba makakatulong sa pagbubukas ng maraming trabaho itong private and public collaboration na nais ni Pangulong Marcos?
- JOEY CONCEPCION:Well, alam mo naman iyong private sector, we want the economy to grow at iyong government ni President Marcos, talagang malaking tulong sa paglalakbay niya ‘no by his—we are travelling around, visiting very important countries – United States, Europe and UK and all of that – he’s bringing more confidence for investors to invest in the Philippines. Kaya “invest Philippines” is the battle cry for us right now – bringing more investors, he has to be the leader of Philippines incorporated.
Tanawin nga natin ang Pilipinas, parang isang korporasyon iyan eh, so Philippines Inc., so iyong mga citizens diyan, I would compare it na parang shareholder tayo ng Philippines Inc. eh so we all have a stake. So the campaign is to really set the Philippines as the best place to invest not only in terms of infrastructure, there’s so much opportunities – tourism… so we have to build that image. And the private sector here is one and solidly behind the President. The role of what the President created, the Private Sector Advisory Council – this is a first of its kind ‘no – is of getting the private sector really working with government and there are about five or six private sector council; I head the jobs group ‘no.
So lahat kami, nandiyan si Tessie Coson, nandiyan si [unclear], we put a lot of time in trying to work out the best way forward for creation of jobs ‘no. And that we have sent to the President these recommendations which he is open to and listening very well and so, this collaboration is the way forward. So now what the President has done is to really harness the brightest minds of the big business today and pooling our resources together and recommending together with the Cabinet secretaries who are now working like a team ‘no – that’s the most important – creating great team with the collaboration between the private sector and the public sector.
GORRICETA: Okay. Sir Joey, pag-usapan po natin itong problema ngayon ng mga maliliit na negosyo. Sa tuluy-tuloy na pagtaas po ng presyo ng bilihin o iyong inflation sa ating bansa, iyong mga maliliit na negosyo ang isa sa mga pinakaapektadong sektor. Ano po ang inyong mga hakbang tungkol dito o suggestion para sa mga maliliit na negosyante?
- JOEY CONCEPCION:Well, you know iyong mga maliit na negosyante, siyempre ang pinakaimportante sa kanila iyong puhunan ‘no. Iyong puhunan, minsan kulang eh at siyempre iyong mga magpapautang sa kanila, may risk tolerance na iyan ‘no. So depende sa sektor na pinasok nila – kung mataas iyong risk level, siyempre mag-iingat iyong mga bangko or iyong mga microfinance lenders ‘no.
At iyan ang ginagawa natin ngayon sa mga micro entrepreneurs, we are doing our best to try to coach them, to mentor them; we are helping them review their business model. Iyong mga ibang malaking negosyante, marami diyan are putting them as part of their value chain ‘no, and that’s important kasi if a micro entrepreneur is part of a value chain of a bigger corporation, kasama na diyan ang mentorship eh – kasama din ang pagtutulong in accessing market at accessing funding.
So—and that’s what we have to continue. So the private sector, big companies like ourselves, we embrace many of our micro entrepreneurs especially iyong mga sari-sari store at karinderya. As a consumer goods company, like my company RFM, if you are not in the sari-sari store, you are not a player in the food business or in the consumer business. So, it is to our interest to ensure that we help these small entrepreneurs kasi they agony for us to reach iyong bulk of our Filipino people who are living at bottom of the pyramid. So, for us to really create greater prosperity for all, it cannot be just the medium and large companies that continue to be successful. We have to make our micro and small entrepreneurs to scale up and become successful. So there will be and more spending power with our people.
So as you build more jobs and as you build more negosyos, in other words, aangat iyang mga maliit na negosyante, more people will have jobs then you’ll have economic prosperity for all ‘no, which will benefit the masa which is important. We have to lessen that people in the bottom of that pyramid for this country to really progress, and that is our goal and that is the goal of a private sector in this government. So working together with the government is the only way that we can have a better chance of leveling up the prosperity in this country.
GORRICETA: Okay, Sir Joey, bilang panghuli po ‘no, balikan ko lamang po iyong mentorship. Marami po tayong mga kababayang OFWs na kumukuha lang naman ng pondo, inuuna nilang initial na plano ay kukuha lang ng pondo, magtatrabaho sa ibang bansa at gustong magnegosyo sa Pilipinas at manatili na dito. Ano po ang mensahe ninyo para po sa kanila in terms of tulong ng gobyerno kagaya ng sinasabi ninyo na mentorship?
- JOEY CONCEPCION:Well, ang importante sa isang nagtatrabaho sa ibang bansa, iyong pera na hard earned money na kinikita nila, pakaingatan nila ‘no. You cannot just throw that money back home and start the business kung iyong mga relatives mo o mga anak ninyo wouldn’t know how to start one, baka mawala pa ang savings mo ‘no. So, importante na they have to think carefully, ano ang dapat nilang gawin sa pera na sini-save nila.
Una, sa tingin ko they should ensure that their children get well educated ‘no. Kung they’re ready for it then they should start to explore ‘no they should join events. Well, it’s very accessible, nasa SM malls on every other week. We are there, you can see the mentoring event that’s well attended – close to five hundred to a thousand people come ‘no. This coming Saturday we’ll be on SM dito sa bandang Calamba area ‘no. So, these are all in newspaper and social media, so please attend these events.
And of course I admire our Filipino overseas workers ‘no, working hard to make sure that their family will have a better life in this country, and rest assured that we will do everything we can to help you achieve that dream soon. Just look at your social media, we’re all over and you can access our mentoring programs and they’re free of charge, we give the books for free on how to start a business.
GORRICETA: Maraming salamat po sa lahat ng impormasyon. Atin pong nakapanayam si Ginoong Joey Concepcion ng DTI-MSME Development Council, maraming salamat po sa inyo.
- JOEY CONCEPCION:Salamat din.
GORRICETA: Sa punto pong ito, pag-usapan naman po natin ang tungkol sa executive order ni Pangulong Ferdinand R. Marcos hinggil sa zero hunger policy. Makakapanayam po natin si Ms. Ellen Ruth Abella, Nutrition Officer IV at OIC ng Nutrition Surveillance Division ng National Nutrition Council – ma’am, magandang araw po sa inyo?
NNC-NUTRITION OFFICER IV ABELLA: Magandang araw din po, Sir Audrey at sa lahat ng nakikinig at nanunood sa atin na Laging Handa na program.
GORRICETA: Okay po, para po maliwanagan iyong ating mga kababayan, ma’am ‘no, ano po ba itong Executive Order number 27 ni Pangulong Marcos hinggil sa reorganization ng Inter-Agency Task Force on Zero Hunger ng pamahalaan, ano po ang role dito ng NNC?
NNC-NUTRITION OFFICER IV ABELLA: Okay po. Iyong EO 27 o Executive Order number 27, ito po iyong pagbubuhay o pagbuhay ng Interagency Task Force on Zero Hunger ng ating pamahalaan. Ito po ay unang binuo sa pamamagitan ng Executive Order number 101 noong 2020s, sa kapanahunan po ito ng administrasyon ni Pangulong Duterte. Ito po ay pinamunuan ni dating Cabinet Secretary Karlo Nograles sa ilalim ng Office of the Cabinet Secretary. Kaya lang po nag-isyu po ng executive order si President Marcos na ina-abolish po ang Office of the Cabinet Secretary, pero ngayon po ay may bagong kautusan ang ating pangulo na nagmamandato na muling buhayin ang Interagency Task Force on Zero Hunger upang tugunan ang mga suliraning may kinalaman sa seguridad sa pagkain or food security at malnutrition.
Sa pagri-reorganize po ng ating Interagency Task Force on Zero Hunger, ang ating chairperson na po ngayon ay ang ating secretary of DSWD, at ang executive director naman po ng National Nutrition Council ang siyang tatayo o inatasang maging co-chair ng atin pong interagency task force. So, iyong pagbuhay muli po nitong task force na ito ay pagkilala na kailangan ang whole-of-government approach. Kung matandaan ninyo po itong term po na whole-of-government approach ay nabuhay noong panahon, noong binubuo lahat po ng interagency task forces po noong administrasyong Duterte na tinitingnan po ang contribution ng lahat ng nasa gobyerno. Gobyerno, ang tingin ko po sa gobyerno ay government of the people, and so part ang public, iyong mga tao po ay parte po sila ng gobyerno. So, lahat po ay may contribution sa pagtugon sa gutom, sa hunger at malnutrition.
So, in fact kapag sinabi po nating gobyerno, kagaya nga po ng sinabi ko hindi lang sa government, iyong national government agency, hindi lang po ito iyong local government units pero lahat po ng sector ng lipunan. So, iyong atin pong manggagawa ay parte ng gobyerno, mayroon din po silang role or contribution dahil hindi po talaga ito kakayanin ng gobyerno.
Iyong pangalawang tanong po ay ano ang role ng NNC dito? Bilang co-chair po ng Interagency Task Force on Zero Hunger, ang role po ng NNC bilang the highest policymaking and coordinating body in nutrition – ito pong aming ahensiya po ay binuo noon sa bisa po ng Presidential Decree 491 noong 1974, na ito po ay sa bisa din po ng ama ng ating president, si President Marcos [Sr.] din po ang nagbuo ng National Nutrition Council – ang role po natin dito ay magmungkahi ng balangkas o framework at mga polisiya, programa para tugunan po ang malnutrition at kagutuman. Ito po ay sa pamamagitan ng ating Philippine Plan of Action for Nutrition or PPAN na ngayon po ay binubuo na po iyong bagong cycle ng plan, ito ay isang companion plan po ng ating Philippine Development Plan for 2023 – 2028. So, anim na taon din po ang cycle na ito.
At ang kagandahan po nitong bagong plano po na ito ay pinalalakas po nito ang mga programa na sasagot o tutugon sa food security. Dati po, ang PPAN ay nakaangkla sa chapter ng PDP on boosting health. Pero ngayon po ay inilipat ito sa chapter ng food security, kaya’t mas papalakasin pa po natin iyong mga istratehiya na maaaring makatugon sa food insecurity at in the long run din po ay makatutugon na rin po sa malnutrition. So, ang mga polisiya at iyong ibang patakaran po at programa na pagtugon ng malnutrition ay isusulong po ito ng NNC bilang kabahagi po ng interagency task force.
GORRICETA: Okay Ma’am, pero sa tingin ninyo po, ano iyong dapat na maging prayoridad ng pamahalaan upang matupad nga po itong zero hunger policy ni Pangulong Marcos?
NNC-NUTRITION OFFICER IV ABELLA: Sige po. Mayroon po, sa NNC po, may tatlo po kaming mungkahi na puwedeng maging priority action or focus para matupad po ang zero hunger policy ni President Marcos or President BBM. Una po iyong patuloy na pagtugon po natin sa hamon ng food security, na siya din po iyong banner program ng ating pangulo at kaakibat nito ay pagtugon sa malnutrition. So, kapag sinabi pong hamon ng food security ay iyong siguraduhin po na iyong pagkain na mula sa mga farms ay makarating sa table. So iyong farm-to-table or farm-to-[garbled], ibig sabihin po ay iyong mga nanggagaling sa markets, sa mga farms po ay maaaring ma-access, maaaring mabili at mayroon pong mga markets na kung saan puwedeng mapuntahan at mabili iyong mga products po na ito – so isa po iyon.
Pangalawa po ay iyong tugunan po natin iyong effect o epekto ng inflation or pagtaas po ng presyo ng bilihin ng ating basic goods lalo na po iyong pagkain – so iyong bigas, ngayon po iyong itlog tumataas na rin po iyong presyo niya, iyong sibuyas na nakakagulat na bigla na lang pong nag-shoot up ang presyo na hindi natin alam kung bakit. So ibig sabihin po, kailangan po nating ayusin iyong ating food systems, iyong network po natin para siguraduhin na iyong supply po ng pagkain at presyo ay makakarating sa ating mga tahanan at makakain po ito ng bawat pamilyang Pilipino.
At pangatlo po ay iyong pagpapakilos ng lahat ng ahensiya ng pamahalaan katulong ang iba pang sektor – iyong ating mga nongovernment agencies, iyong ating mga civil sector organizations, iyong ating mga development partners para sama-sama po natin na tugunan para matupad iyong ating zero hunger policy.
Dahil kahit po ako, sa National Nutrition Council ay kahit po may mandato ang ating presidente na zero hunger policy – ito iyong kaniyang vision for the future of the Philippines – kung hindi po tayo magtutulungan, hindi po tayo makikipagtulungan sa gobyerno, hindi po tayo magtutulungan sa bawat sektor, wala po tayong mararating eh. Kumbaga, magiging status quo lahat ng ating mga ginagawa [kung] lahat tayo’y kumikilos ng sarili natin. Dapat nakikita natin iyong link natin or network natin, iyong relasyon nang ginagawa ng ating ahensiya sa ibang ahensiya para lahat tayo ay kumikilos sa iisang tatahakin – so iyon ay iyong zero hunger na vision ng ating pangulo.
GORRICETA: Okay. Ma’am, base po sa report, naging mataas po iyong nakakaranas ng gutom noong mga taong 2020 at 2021, iyong kasagsagan po ng pandemya. Sa inyo pong assessment, nakakabawi na po ba tayo ngayon dahil marami na rin pong mga bumabalik sa trabaho at nakakahanap na ng trabaho?
- ELLEN RUTH ABELLA:Kung titingnan po natin iyong datos ng Social Weather Stations, iyong sa bilang ng mga pamilyang Pilipino nakaranas ng gutom mula 2020 hanggang 2022, masasabi natin na bumaba from 20 million na tao noong nagsara ang 2020, bumaba siya sa mga 13.5 million – individuals po iyong binibilang po natin dito ‘no.
Nakabawi kung titingnan natin ang bilang pero i-analyze natin ang environment kung bakit sila nakaranas ng gutom. Sabi nga natin noong 2020 to 2021 mayroong pandemya so mahirap lumabas at maka-access ng pagkain, marami din ang nawalan ng trabaho. Noong nagbukas iyong ating economy, marami ang bumalik sa trabaho at nakahanap na rin ng trabaho. Sumiklab naman iyong war Ukraine and Russia kung saan ang naging epekto naman nito sa Pilipinas at sa buong mundo ay iyong pagtaas ng presyo ng fuel, ng fertilizer, ng feeds at pagkain, lalo na iyong inaangkat natin sa ibang bansa.
So kung titingnan po natin, maaaring iyong iba po ay nakabawi na lalo na po iyong mga nakahanap uli ng bagong trabaho. Pero iyon pa rin pong iba, iyong atin pong nasa informal sector, sila po iyong masasabi natin na sila pa rin po iyong part ng 13.5 million na patuloy pong nakakaranas ng pagkagutom.
GORRICETA: Okay. Kung may mga industry na po na bumabawi ‘no – sa usapin pa rin po ng inflation rate – makakaapekto pa rin po ba ito sa usapin ng pagkain, malnutrisyon at gutom. Doon naman sa mga labas ng NCR, sa mga malalayong lugar po, paano po iyong epekto sa kanila nitong inflation na ito?
- ELLEN RUTH ABELLA:Iyon pong epekto, actually, iyong sigurado pong nakakaapekto ay ang inflation rate sa buong bansa actually. Well, hindi lang po sa bansa natin pero sa buong mundo sa usaping pagkain dahil whether nasa NCR po tayo or sa labas ng NCR, iyong atin pong malalayong lugar na nahihirapan na maka-access ng pagkain dahil hindi po maayos iyong kanilang road networks, kailangan pa nilang maglakad ng ilang oras para makarating sa palengke or sa pinakamalapit na puwedeng pondohan na puwede ngang makabili ng pagkain – ang susunod na tanong po doon ay: Kung sila man po ay may pera, ang magiging kuwestiyon naman po ay iyon po bang hawak nilang pera ay kayang bumili ng kinakailangan nilang mga pagkain?
So, anumang pagtaas po ng presyo ng bilihin ay ang resulta po nito ay lumiliit po iyong kapasidad ng ating mga mamamayan na makabili ng makakain na sapat. So ibig sabihin, bumababa po iyong purchasing power ng ating piso, so ko kung dati po ay nakakabili tayo ng—iyong singkuwenta pesos natin dati ay nakakabili ng isang kilong bigas at kaunting gulay – ngayon po iyong singkuwenta pesos natin ay bigas na lamang ang nabibili, wala na pong mabibiling ulam, puwedeng mabiling ulam doon sa natitirang sampung piso.
Tapos, kung mayroon kang isandaan, iyong mga tao sa malalayong lugar… iyong iba sa isandaan ay pamasahe lamang iyon para makarating sa poblacion, sa sentro ng kanilang bayan. So, napakalaki po ng epekto nito para makabili ng sapat – kapag sinabi po kasi sa nutrisyon ng ‘sapat’, ito po ay sapat na pagkain in terms of quality… ibig sabihin iyong nutrients na kinakailangan ng katawan ay nandoon sa binibiling pagkain at iyong sa dami ng pagkain or sa kasapatan ng pagkain na kinakailangan para sa ilang beses man silang kumain sa isang araw – so, ang ating average ay tatlong beses sa isang araw.
Kung talagang naghihikahos, wala talagang source of livelihood, mataas pa ang bilihin… talaga pong sobrang paninikip na ng sinturon talaga ang gagawin ng mga tao. At mayroon pa rin pong isang side doon ay kung walang supply, available ng supply – ibang isyu po iyon eh, malaki rin ang epekto nito sa pag-access or sa food security. So kahit may pera ka, kahit gaano kakonti iyong pera mo – kung hindi naman nakakarating sa market or sa mga pamilihan, sa mga talipapa iyong pagkain, mahirap pa rin po iyon sa ating ibang mga kababayan lalo na po sa mga nasa malalayong lugar, sa mga liblib na pook po ng ating mga probinsiya.
GORRICETA: Okay. Ma’am, ano po iyong mga hakbang ngayon ng National Nutrition Council na may patuloy pa ring nakakaranas ng malnutrisyon?
- ELLEN RUTH ABELLA:Ang mga hakbang po ng National Nutrition Council ay tinatapos na po namin iyong pagbalangkas o pagbuo noong PPAN – iyong Philippine Plan of Action for Nutrition, iyong next cycle po. Ito pong PPAN na ito ay binubuo ng iba’t ibang istratehiya na tutugon sa food insecurity and malnutrition. At ito po ay mula sa pagsasama-sama ng iba’t ibang sektor, lahat po ng kanilang mga programa, mga policies that can address hunger and malnutrition ay nandito po, ipinasok na po at pinagsama-sama at tiningnan kung paano po ito makakatulong to address food insecurity and malnutrition.
Pangalawa po ay isang istratehiya po na ginagawa ng National Nutrition Council ngayon at noong panahon po ng pandemya ay mayroon po kaming tinatawag na ‘Tutok Kainan Dietary Supplementation Program’. So ito po ay iyong pagbibigay ng pagkain, karagdagang pagkain sa mga batang malnourished, iyong mga stunted o mga bansot at iyong mga mabababa ang timbang or malnourished na mga buntis na babae. So ito po ay sa selected areas lamang, ito po ay ginagawa namin sa mga area na mataas po iyong bilang ng mga malnourished na buntis at malnourished na mga bata. So mayroon po itong pagbibigay ng hot meals or mga dry commodities for a certain number of days para ma-meet po iyong kanilang requirement at matulungan din na mag-improve iyong kanilang nutritional status.
Ang NNC rin po ay nakikibahagi or malakas po iyong—patuloy po iyong strong coordination namin sa local government units upang pareho po kami na nagpapalakasan ng capacity or kapasidad upang maisaayos iyong sistema nang pag-implement ng mga programs, pag-translate ng mga policies from then national government to the local government para sa mga epektibong programa po ng pang-nutrisyon. At kabahagi din, lastly po, kabahagi din po ang National Nutrition Council sa malawakang programa po ng Department of Health na Philippine Multi-sectoral Nutrition Program na kung saan nabanggit po ni President BBM during the launching na ito ay isang pamamaraan to reach the last miles. So ang layon po nitong programang ito ay maabot iyong mga taong nasa pinakamalalayong lugar at matulungan po sila to address their concerns on food insecurity and malnutrition.
GORRICETA: All right. Maraming salamat po sa inyong oras, Ma’am Ellen Ruth Abella, mula sa National Nutrition Council. Maraming salamat pong muli!
- ELLEN RUTH ABELLA:Thank you po.
GORRICETA: Samantala, marami pang balita at talakayan sa pagbabalik ng Public Briefing #LagingHandaPH.
[COMMERCIAL BREAK]
GORRICETA: Bayan, nagbabalik po ang Public Briefing. Sa punto pong ito ay pag-usapan naman natin ang pag-apruba ng implementing rules and regulations ng Marawi Siege Compensation Act. Atin pong makakapanayam si Atty. Maisara Damdamun Latiph, Chairperson ng Marawi Compensation Board.
Magandang umaga po, Attorney. Welcome back sa Public Briefing.
MCB CHAIRPERSON ATTY. LATIPH: Magandang umaga sa iyo, Audrey, it’s nice to be back sa PTV 4 Public Briefing Laging Handa.
GORRICETA: Ma’am, anu-ano na po ba iyong mga nakapaloob o makikita sa implementing rules and regulations nitong Marawi Compensation Act?
MCB CHAIRPERSON ATTY. LATIPH: Nakapaloob po diyan iyong manner ng pagpa-file po ng claim ng bawat claimant na kung saan nandodoon po iyong kanilang mga ia-attach doon sa filing ng claim. Ito pong claim ay ang monetary compensation o ibig sabihin kabayaran po doon sa mga na-damage na istruktura during the 2017 Marawi Siege.
So, kahapon po na-celebrate po natin iyong commemorate lang po in celebration iyong six years na nakaraan ng Marawi Siege. So, ito pong claim ng monetary compensation ay para sa residential, commercial or cultural properties or structure na nasira may be partially or totally damaged ‘no. So, kapag totally damaged ay iba po iyong valuation ng property at saka kapag partial iba rin po.
Mayroon din po diyan, nakapaloob din po iyong paano mag-claim para naman sa personal properties kagaya po ng mga jewelries na nawala o kaya po iyong mga equipment of value, mga sasakyan na nasira during the Marawi Siege – kasama rin po iyan.
And then iyong lastly po, iyon pong missing at saka dead. So, ito pong missing during the May 23, 2017 up to October 17, 2017 – iyong liberation ng Marawi, iyong mga nawala po or presumed na namatay for the time na nandidiyan iyong giyera noong 2017 ay kasama rin po sila sa mga mababayaran ng Marawi Compensation Board. Nakapaloob din po diyan kung saan, paano nila ito gagawin at iyong manner ng pagpu-process ng kanilang application for claim.
So, nandito po kami sa Marawi Compensation Board para po i-announce sa mga succeeding na araw ngayon kung kailan kayo magpa-file ng claim kasi under the law po, mayroon lang silang one year. So from the time na i-announce po ng Marawi Compensation Board ang acceptance ng claim o iyong kanilang pagpa-file ng kanilang claim na dapat kumpleto po iyong mga naka-attach na doon para hindi po magkaproblema, magkaaberya. Mas maganda po kung makiki-cooperate na lang po tayo lahat na iyon pong mga magki-claim ay dapat po sila po ay genuine, bona fide at eligible claimants para po mabilis iyong processing ng inyong paper at i-attach lang po iyong mga certified or verified na mga records para po hindi tayo magkaroon ng problema pagdating po sa evaluation ng inyong mga claims. So, iyan po iyong mga, sa akin po ‘no, summary lang noong nakapaloob po sa IRR and nandiyan din po iyong procedure kung paano nai-evaluate ang inyong mga claims ng board.
So, ang board po ay may nine members – ang chairperson at walong miyembro. Ito po ay hahatiin sa tatlong dibisyon. So, ang board secretary po after po niya ma-receive lahat po ng mga claims ninyo ay ipu-forward po ito upon evaluation ng inyong mga evidences sa board; and then iyong board po tatlong dibisyon siya – idi-decide po naman niya kung ito po bang claim ay in order at eligible at talaga pong napatunayan based on substantial evidence na talaga pong sila po ay lawful owners ng istruktura na nasira or iyong personal property na nawala or namatayan; and then for awarding na po iyon ng board en banc. Kapag wala pong oppositor ay magkakaroon po ng awarding – ipa-publish po natin iyan, so within 30 days after po na i-publish natin na ito pong lawful owner na ito ay na-award ng board ay effective na po ang award, provided po walang mag-oppose within that timeframe – 30 days po.
GORRICETA: Okay. Attorney, mayroon po ba kayong figures kung gaano po karami ang posibleng claimants ng compensation program na ito?
MCB CHAIRPERSON ATTY. LATIPH: May figures po kami na ibinigay po sa atin ng Task Force Bangon Marawi, ang sinasabi po ng [unclear], sa most affected area ng Marawi city kung saan po ito iyong coverage ng batas ay mayroong mga 17,800 po na na-profile nila na possible po na claimants. Maaari pong tumaas or bumaba depende po doon sa mga actual na magpa-file ng claim nila sa board. So, iyon po iyong ibinigay sa atin na datos ng Task Force Bangon Marawi.
Pagdating po sa istruktura, ang na-estimate naman po natin ay nasa 12,000 structures po iyong nasira na istruktura. So, magkakaiba po iyong claim – mayroon pong sa structure, mayroon din po sa personal properties na nawala at mayroon din po sa mga missing and the dead.
GORRICETA: Okay. Attorney, pagdating naman po sa mga dokumento marahil ay marami sa mga biktima ang hindi na naitago iyong kanilang mga property o land documents. May alternatibo po bang requirements upang sila ay makapag-claim?
MCB CHAIRPERSON ATTY. LATIPH: Marami po doon sa listahan natin ng mga competent proof of evidence – ibig sabihin po hindi po limited lang iyong ating pag-a-accept ng mga proof of ownership ng istruktura or personal property. Marami po doon na enumeration na puwede pong kung ano iyong available nila ay maaari po nilang i-submit – so, hindi po limited, so mas madadalian po sila dahil hindi po limited lang iyong kanilang pagpipilian ng mga competent proof of evidence.
GORRICETA: Okay. Paano po, ma’am, ang computation na matatanggap ng isang biktima? Ano po iyong basehan ng halaga ng matatanggap nila?
ATTY MAISARA LATIPH: So kahapon po ay in-announce na po natin iyan base sa pag-aaral po natin for 3½ months na ginagawa po natin iyang IRR, sinimulan po natin iyan. Mayroon po tayong nakuha na mga datos galing po sa Office of the Civil Defense na kanilang assessment noong post conflict-needs assessment na mayroon po silang estimate na valuation. So, sa estimate ng valuation nila na – latest po ito ‘ha, hindi po ito iyong 2017 to May 2023 data – 18,000 po per square meter kapag kongkreto na istruktura iyong nagiba, kapag total damage po, ang ibig sabihin not fit for, hindi na po—structurally, ang integrity niya ay unsound na po at declared na po siya na totally destroyed. So, 18,000 po iyan, kapag kongkreto, concrete po iyong nasira na bahay o istruktura.
Tapos, kapag naman for partial repair, ibig sabihin iyong base doon sa magiging imbestigasyon ng Marawi Compensation Board pa rin ‘no – kahit naman doon sa totally [destroyed], investigation pa rin, actual investigation – kapag partially destroyed po ay nasa 13,500 po yata iyong nailagay namin doon sa amount po ng concrete kapag for repair po per square meter din po.
GORRICETA: Okay, Attorney kailan po namin aasahan ang implementation o maumpisahan itong pamamahagi ng monetary compensation sa mga biktima ng Marawi Siege?
ATTY. MAISARA LATIPH: Yes, magandang tanong po. Ang amin pong tanggapan, ang Marawi Compensation Board ay nagsisikap po na mapabilis dahil iyan po ang direktiba sa atin ng ating mahal na Presidente na sana ay agaran po iyong pagbabayad natin, at in fact mayroon po tayong initial funding na one billion. Initial lang po dahil next year ay maaari pong tumaas din iyan upon receipt ‘no, kapag na-receive na natin lahat iyong mga file na claims, so ang asahan po ninyo na sa susunod po na mga araw ay ia-announce na po natin iyong place of filing claim, manner of filing claim and then time of filing claim. So, kapag nag-announce po ang Marawi Compensation Board—doon po kayo mag-abang sa Marawi Compensation Board FB Page dahil iyan po ang primary source ng inyong information para hindi po kayo makakuha ng fake news, doon lang po kayo sa FB page na official page po namin na Marawi Compensation Board.
I-announce po natin iyan dahil under the law mayroong one year na prescriptive period. Ang ibig pong sabihin, kapag po na-announce na namin iyong kailan mag-aaplay ng inyong claim, mayroon lang po kayong one year para mag-file. Otherwise, waived na po ang inyong karapatan na mag-file. So kailangan, kailangang-kailangan po talaga na abangan ninyo po iyong aming announcement. Sa batas po kasi kailangan na fifteen days upon the affectivity ‘nung IRR, saka pa lang magiging effective. So, iyong publication po hopefully po this week po ‘no, then we will publish also the IRR in our FB page.
GORRICETA: Okay. Bilang panghuli, baka may paalala pa kayo sa ating mga kababayan ng Marawi?
ATTY MAISARA LATIPH: Yes, maraming salamat sa PTV 4 Laging Handa dahil sa public briefing na ito naipaparating po ng Marawi Compensation Board ang aming mga programa at announcement. So para po sa IDPs po ng Marawi City, huwag po kayong mag-alala dahil ang Marawi Compensation Board po ay ginagawa po namin ang aming mandato na ipatupad ang batas, ang RA 11696, nang agaran, epektibo at accountable po. Lahat po ng aming gagawin ay sisiguraduhin po namin na naaayon po sa batas. So, hopefully po makakarinig na po kayo ng announcement in this coming days po.
GORRICETA: All right. Maraming salamat po, Attorney Maisara Dandamun-Latiph, chairperson ng Marawi Compensation Board, mabuhay po kayo!
ATTY. MAISARA LATIPH: Mabuhay po, salamat po.
GORRICETA: Sa iba pang balita, tatlong buwan bago ang filing ng certificate of candidacy para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, sinabi ng Philippine National Police na mahigpit nilang babantayan ang mga barangay officials na posibleng sangkot sa illegal na droga. Ayon kay PNP-PIO chief, Police Brigadier General Red Maranan, malaki ang epekto sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga kung ang mauupong lokal na opisyal ay may kaugnayan sa illegal na mga gawain. Bukod dito, magagamit din ng criminal groups sa pangha-harass, vote buying at iba pang election related violence.
Samantala, nasa apatnapu’t walong private armed groups ang binabantayan ngayon ng PNP; tatlo umano dito ay aktibo.
[VTR]
Samantala, inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Information and Communication Technology na tulungan ang local government units na i-adopt ang e-government system o eGov system, ito’y bilang bahagi ng digitalization initiative ng gobyerno. Napag-usapan ang naturang direktiba ng pangulo sa isinagawang sektoral meeting kahapon sa Malacañang. Dito ay ipinaliwanag ni DICT Secretary Ivan Uy na mas makatitipid at mas tataas ang kita ng pamahalaan sa tulong ng eGov system. Kasunod nito, ipinag-utos din ng punong ehekutibo na magkaroon din ng regular upgrades at turuan ang LGUs kung papaano ito i-operate. Ang eGov super app ay nakatakdang ilunsad sa mga susunod na buwan.
Samantala, pagpapaunlad ng turismo sa bayan ng Kibungan na kilala bilang Switzerland ng Benguet, isinusulong. Isang hakbang dito ang pagsasaayos sa daan patungo sa paboritong pasyalan ng mga trekker at camper. May ulat is Alah Sungduan ng PTV Cordillera:
[VTR]
Maraming salamat po sa ating mga partner agency para sa kanilang suporta sa ating programa, at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
At dito nagtatapos ang ating programa sa araw na ito, hanggang bukas. Ako ang inyong lingkod, Audrey Gorriceta at ito Public Briefing #LagingHandaPH.
##