月別: 2023年6月
SC to Meralco: Prior written notice at least 48 hours before disconnection is indispensable
June inflation settling within range of ”5.3 to 6.1%”: BSP
FCDU lending decreases in first quarter: BSP
TRANSCRIPT: Remarks by President Ferdinand Marcos Jr at the LGBT Pride Reception, June 29, 2023
Marcos to LGBTQIA+ community: Gov’t will protect you vs discrimination
TRANSCRIPT: PUBLIC BRIEFING#LagingHandaPH, June 30, 2023
PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OFFICE
News and Information Bureau
PUBLIC BRIEFING #LagingHandaPH
HOSTED BY ALJO BENDIJO
JUNE 30, 2023 (11:06 A.M. – 11:42 A.M.)
BENDIJO: Magandang araw, Pilipinas! Biyernes karon, ika-30 sa buwan ng Hunyo.
Mahalagang isyu po sa bansa ang ating pag-uusapan ngayong araw kasama ang mga kinatawan ng mga piling ahensiya ng pamahalaan, kaya tutok lang mga higala. Ako po ang inyong lingkod, Aljo Bendijo, at ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Kasabay po ng ikaisang taon na pag-upo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., isang magandang balita ang bumungad sa mga manggagawa ngayong araw dito sa Metro Manila – aprubado na kasi ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang apatnapung pisong umento, 40 pesos, sa sahod ng minimum wage earner sa National Capital Region. Dahil dito, mula sa dating 570 pesos ay magiging 610 pesos na ang daily minimum wage ng mga manggagawa sa NCR.
Para naman sa mga nasa sektor ng agrikultura, mga nasa retail services at manufacturing ay nasa labinlima o sampu pababa ang empleyado magiging 573 pesos na ang arawang kita mula sa dating 533 pesos.
Ayon sa Department of Labor and Employment, mabibigyan po ng benepisyo ng taas-sahod ang nasa 1.1 milyong mga manggagawa sa Pilipinas. Maaari din aniyang mabebenepisyuhan dito ang nasa 1.5 milyong mga fulltime wage at salary workers na kumikita ng lagpas sa minimum wage.
Inaasahang magiging epektibo ang umento sa susunod na buwan o sa July 16.
Mga pekeng national certificate online at ang paggawad sa TESDA bilang isa sa mga most trusted government agencies ayon sa ‘PAHAYAG 2023 Second Quarter Survey’ ng PUBLiCUS Asia – iyan ang ating pag-uusapan kasama si Ginoong Aniceto John Bertiz III, ang Deputy Director General ng TESDA.
Sir John, magandang araw.
TESDA DDG BERTIZ III: Sir Aljo, magandang araw sa iyo. Maayong buntag sa kaninyong tanan.
BENDIJO: Uunahin ko po itong lumabas na mga pekeng national certificate online: Kailan ninyo ito na-verify at may mga nahuli na bang gumagamit nito, sir?
TESDA DDG BERTIZ III: Yes, Aljo, maraming salamat sa katanungan. Katunayan nga may mga advisory na tayo not only on our statements na ipinalabas sa media, ganoon na rin sa mga social medias natin kasi nga mayroon pong mga kumukopya o gumagaya ng ating national certification at ito naman ay binibili ng mga hindi naman po nag-training sa TESDA para magamit nila sa pag-a-apply ng trabaho.
So, may mga na-flag na rin tayo, if you remember I think sometime in 2018 or 2017 ay may mga ganiyan ding kaso na nakarating pa sa Middle East na nakulong. So, binibigyan po natin ng babala ang ating mga kababayan na huwag po tayong tumangkilik ng mga pekeng national certificate dahil ito po ay may mga security features na puwede pong ma-verify online ng kahit sino even the employers na inyo pong inaaplayan.
Nakapag-file na rin tayo ng mga kaso doon sa mga nahuli or na-entrap sa pakikipagtulungan ng NBI at ganoon na rin, Aljo. Pati iyong mga training center na hindi naman accredited ng TESDA na gumagamit ng logo at nagku-conduct ng mga training, ito rin po ay kinoordinate natin sa region para po isyuhan ng cease and desist order.
BENDIJO: Opo. Para sa kaalaman ng ating mga kababayan, ano ba ang mga risks o posibleng panganib na maidudulot ng ganitong modus – iyong gagamit ng isang pekeng dokumento, sir, tulad nitong national certificate ng TESDA?
TESDA DDG BERTIZ III: Kasi nga po ito ay falsification by private individual na covered ng Article 172 ng Revised Penal Code, Republic Act 10951. So, ibig sabihin may mga kaukulang penalty at kulong ito at ganoon na rin iyong unauthorized use ng TESDA logo na under naman ng Article 177. So, ito po ay puwede po kayong makulong. At isa pa, Aljo, napakadelikado kasi kung ikaw ay may hawak na national certification for example driving or operators ng mga heavy equipment tapos wala ka namang kaukulang training or skills training baka makapahamak ka pa ng ibang tao.
So, kaya nga po hindi ninyo kailangang bumili ng pekeng national certificate dahil libre po itong binibigay ng TESDA, mayroon pa po kayong matatanggap na allowances sa amin. So, why will you buy for this fake certificate wherein you can avail of our skills training saan mang parte ng sulok ng Pilipinas?
BENDIJO: Lilinawin ko lang, sir, para na rin sa ating mga kababayan: Libre ba itong national certificate ng TESDA? Papaano natin ma-verify na orihinal itong certificate?
TESDA DDG BERTIZ III: Yes. After mo kumuha ng ating mga skills training na inu-offer ng TESDA – mahigit 300 registered courses po iyan nationwide – so, after noon ay mayroon tayong tinatawag na assessment and then doon ka pa lang mabibigyan ng national certification and part of the assessment is the supervised industry learning na mismo iyong natutunan mo sa classroom and theory ay mai-apply mo ito nang aktuwal sa mga partner industry natin at saka tayo mag-iisyu ng national certification.
Mayroon tayo pong ibinibigay na unique ID number sa bawat national certifications na iniisyu ng TESDA at ganoon na rin po iyong QR codes that can be verified sa www.TESDA.gov.ph/rwacs – so diyan po nakikita. Even iyong mga employer na inaaplayan ninyo sa ibang bansa has an access to verify the national certificate that we are issuing.
BENDIJO: Saan maaaring magsumbong o dumulog ang ating mga kababayan, sir, sakaling sila ay may nalalaman na nagbibenta nitong mga pekeng certificate na ito?
TESDA DDG BERTIZ III: Mayroon tayong Hotline 8887777 po na puwede ninyong tawagan, ganoon na rin po sa aming e-mail info@tesda.gov.ph, of course we have also official pages. Mag-ingat din tayo, Aljo, sa mga pekeng mga Facebook pages na ginagamit po ng mga nagbibenta.
Sa ngayon po, medyo mahihirapan din tayong tuntunin kasi hindi na sila personal na nag-aabot ng mga pekeng certificate because of these courier services and iyong pag-transfer through e-payment ay bumibili sila. Pero hindi po ito magagamit lalung-lalo na po kung kayo ay nag-a-apply ng NC2 and NC3 and above kasi po mahigpit po ang mga industry partners dito sa Pilipinas ganoon na rin po sa ibang bansa.
BENDIJO: Opo. Sa ibang usapin, ano ang inyong masasabi na ang TESDA ang nakakuha ng pinakamataas na approval at trust rating mula sa ‘PAHAYAG 2023 Second Quarter Survey’ ng PUBLiCUS Asia?
TESDA DDG BERTIZ III: Unang-una po on behalf of our Secretary Mangudadatu ay nagpapasalamat po kami sa patuloy na pagtangkilik ng ating mga kababayan sa lahat po ng programa ng TESDA, of course ganoon na rin po sa PAHAYAG and PUBLiCUS that we were able to get consecutively iyong number one trust rating and approval rating. Ito po ay dahil sa nararamdaman ng ating mga kababayan ang mga programa ng TESDA even in the far-flung barangays.
At ayon na rin po sa aming Secretary, mas paiigtingin pa natin ang ating serbisyo para po ito ay akma sa mga direktiba ng ating Presidente. Part of his 10-point agenda ni Secretary Mangudadatu is iyong TESDA sa barangay – so mas maaabot po natin, abot-kamay ang mga programa ng TESDA even in the far-flung barangays ay ito po ang kaniyang direktiba. Review po ng mga TESDA training regulations na titingnan po natin kung ano pa iyong mga obsolete na at mag-i-introduce po tayo or we are now developing a highly skills training courses tungo po sa mga skills of the future tulad po ng mga AI natin, cybersecurity, of course in agriculture and other major sectors.
And also para po maramdaman lalo ng ating mga kababayan, we are prioritizing TVET to meet the demand of the industry with our enterprise-based training program. Kasi po sa ngayon ang ginagawa po ng TESDA ay nakikipag-ugnayan po tayo nang direkta sa mga end user lalung-lalo na po sa mga industriya nang malaman po natin kung ano ba iyong demand talaga which this will address also the long time problem ng job skills mismatch sa ating bansa. And continuous collaborations with other countries to adopt and to have a mutual recognition of assessment and certification. So, para po maka-develop pa tayo ng iba’t ibang programa and we are partnering with different national government agencies and private sector po.
BENDIJO: Mensahe na lang po sa ating mga televiewers at nakikinig ngayon, sir.
TESDA DDG BERTIZ III: Salamat, Aljo. At para po sa ating mga kababayan, your skill is your future. Huwag po tayong pumayag or tumangkilik ng mga pekeng national certificate dahil ito po ay hindi ninyo papakinabangan. Libre itong nakukuha sa TESDA, may allowance pa po kayo and we are even giving startup toolkits – kung kayo ay kumuha ng welding, makakatanggap po kayo ng mga welding machine. And besides, also ang TESDA po ay nandito para bigyan kayo ng mga bagong kaalaman, kakayahan tungo sa kabuhayan. Because your skill is your future at ang lingap po ng TESDA para sa bagong Pilipinas ay abot-kamay po.
On behalf of our Secretary Mangudadatu, salamat po sa lahat ng tumatangkilik ng programa ng TESDA.
BENDIJO: Maraming salamat, Aniceto ‘John’ Bertiz III, Deputy Director General ng TESDA.
Unang taon po ng panunungkulan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ating pag-usapan with Dr. Froilan Calilung, Political Analyst at Director ng Local Government Development Institute. Prof, magandang araw.
- FROILAN CALILUNG:Magandang-magandang araw, Aljo, at marami pong salamat. Thanks for having me again here in Laging Handa.
BENDIJO: Opo. Nananatiling satisfied ang nakararaming Pilipino sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. – batay iyan sa pinakahuling survey. Ano po inyong masasabi dito, Prof?
- FROILAN CALILUNG:Well, basically I think this is a testament to what the government has been doing so far, what the administration has been doing in terms of curbing down iyong tinatawag nating poverty incidence, iyong pagpapababa ng inflation rate natin, pagpataas sa antas ng unemployment natin ano – these are things that are—the imperatives that we see in the everyday lives of the people ano. At makikita natin siguro, kaakibat nito iyong mga programa ng ating pamahalaan kagaya halimbawa ng Kadiwa rolling stores, iyong housing project ng ating pamahalaan.
Gayundin naman siguro mahalaga rin nating makita rito iyong mga nagawa ng ating Pangulo lalung-lalo na sa pagpapakilala sa bansa natin sa buong mundo ‘no through his foreign trips, that we’re able to generate a considerable number of pledges, I think that is around eight trillion dollars in pledges and around four billion dollars of these have already been realized. So I think these are very, very good indication or indicators that the government is well on track.
Maaari nating sabihin, Aljo, na there is still much work to be done and I think the President is very much mindful of this. Alam niya ito ‘no, kaya nga patuloy iyong mga programa, patuloy iyong mga inisyatibo na inilatag ng pamahalaan in the first year of office.
BENDIJO: Bukod sa magandang performance, Prof, sa tingin ninyo ba nakatulong ang social media presence ng administrasyong ito upang maipaabot sa ating mga kababayan ang mga kaunlaran at mga proyekto ng pamahalaan?
- FROILAN CALILUNG:Yes, yes definitely, Aljo ‘no. Alam natin even during the—before the campaign, President Bongbong Marcos has been very adamant about using social media to actually reach to the public even more and I think dito sa kaniyang panunungkulan ngayon eh mas lalo siyang nagagamit ano. At mahalaga ito ‘no, na nalalaman ng mas nakararami nating mga kababayan ang mga magagandang nagagawa ng ating administrasyon. I think this will result into better support mechanisms and better initiatives na kung saan lalo tayong magkakaroon ng pagkakaisa para suportahan ang mga magagandang hangarin ng ating pamahalaan.
Hindi ko masasabi na lahat ay talagang it’s a bed of roses nitong first year ng ating Pangulo – may mga controversies din naman na kinaharap, may mga problema rin naman na sinuong but overall makikita natin na—ang titingnan natin dito kasi is kung papaano kinaharap, paano sinolusyunan at paano nagawa ng ating Pangulo na dalhin tayo from that era or from that problem towards a better situation or condition right now.
BENDIJO: Opo. Ano sa tingin ninyo ang maaaring gawin ng administrasyon ngayon upang mapanatili ang tiwala at mataas na approval rating mula sa taumbayan, Prof?
- FROILAN CALILUNG:Well, I think what the government should focus on right now is to continue iyong mga magaganda nilang nasimulan ano – and one of which is iyon nga, iyong rightsizing ng ating bureaucracy, nandiyan din siyempre iyong mga tinatawag nating hakbang para talaga lutasin iyong ating inflation rate which is now currently standing at I think around 6.1% ano, which is rapidly improving at ganoon din naman iyong ating unemployment rate na napababa natin ngayon to 4.7% if I’m not mistaken, okay.
Gayundin siyempre itong paniniwala, itong trust and satisfaction rating na ito eh nakikita ng ating mga kababayan batay siyempre doon sa mga ginagawa ng mga nakaupo sa ating pamahalaan. Kung kaya’t kinakailangan sigurong masiguro natin na iyong ating mga nasa gobyerno, lahat ng mga institusyon na nasa pamahalaan na nagbibigay ng serbisyong-publiko ay ginagawa ito nang may integridad at mataas na antas ng accountability para nga masiguro natin na lahat tayo ay nasa maayos na kalagayan.
I would say that the government right now, isa sa pinakamahalaga siguro na nagpataas nitong satisfaction rating ng ating Pangulo ay iyong ating decisive and very precise foreign policy ‘no. If you’re trying to look at it, maliwanag ngayon ang tinatahak na landas ng ating foreign policy; iyong pagpihit natin papunta sa Estados Unidos I think is also a very good indication that the President understands the importance of having a strong ally in the case of the United States and it would be a very good deterrent against China.
So, I think all of these things ‘no ang siyang tiningnan at pinagbatayan ng ating mga kababayan para bigyan nila ng relatively mataas na antas ang ating Pangulo in terms of trust and satisfaction rating. But the challenge here is how we will be able to sustain it, Aljo ‘no. So hindi ito permanente, okay. I mean, you will always be judged as a public official, as a head of the government depending on the measures, the imperatives and the initiatives that you put in place and how well they will be able to materialize.
So, I think the government should remain up on their feet ‘no. Like I said before, they need to hit the ground running and continue the momentum ‘no. And I think the President knows this very well, siya mismo nagsabi that in the first year of his office, a lot of things has yet to be accomplished and a lot of work has to be done.
So, to me, this shows the humility of the Chief Executive and in pointing out some of the misgivings, some flaws in his government but at the same time nandoon iyong kaniyang ano ‘no… iyong firm resolve niya ‘ika nga na pagtuunan ng pansin, paigtingin iyong kampanya para lalong maiangat iyong antas ng pamumuhay ng ating mga kababayan.
BENDIJO: How about itong pagbuhay ng Pangulong Marcos Jr. sa ilang mga proyekto ng kaniyang yumaong ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.?
- FROILAN CALILUNG:Well sa aking pananaw, Aljo, wala akong nakikitang problema ‘no kung sakali man ito ay iri-revive niya. Ang sigurong kailangan nating malaman dito or tingnan dito unang-una is what are the realities in the present day na maaaring maging balakid for the proper execution of these programs. Another thing siguro, siyempre titingnan natin dito is the budget allocation and the personnel that will man the implementation of these programs.
I think these programs are actually good, the Kadiwa rolling stores is actually increasing in number by the day and I think this is also good dahil nakakarating sa ating mga mamimili iyong mga produkto ‘no nang wala iyong tinatawag nating middlemen or transportation cost ‘no. So I think this really is a way of the government to come up with a measure na matugunan nga iyong kahirapan, at the same time iyong taas ng presyo ng bilihin ano.
At itong isa pang proyekto, I remember is the BLISS housing ‘no. So ito ay ginawa rin naman noong panahon ng kaniyang ama at naging isang programa nga ng kaniyang ina. And again, if ever they will be able to do this or execute this right now, wala akong nakikitang problema roon. Maaaring nandoon lamang iyong label na this was a Marcos program. But I believe that BBM right now, our President, is becoming a man of his own.
Naalala ko iyong binanggit niya dati that we need to judge him not by virtue of his ancestors, but by virtue of his actions. I think he could live after this and he could make these programs work well, provided na ito ngang mga nabanggit ko na mga mechanisms are all in place.
BENDIJO: Okay, may nabanggit din ang ilan na dapat eh tutukan ng administrasyon dito, Prof, iyong kuryente, iyong pagbabayad natin buwan-buwan ng kuryente; napakamahal daw ng kuryente dito. Mas mahal kaysa sa mga bansa sa Southeast Asia and even dito sa Asia. Maganda naman ang ginagawa sa pagbabayad ng buwis, dapat eh, sinasabi nila ayusin natin nang kaunti ang ating Saligang Batas upang makaengganyo pa tayo ng mga investors. Ano po iyong masasabi ninyo tungkol diyan? Ano pa iyong mga proyekto, ano pa iyong mga plano ng ating Pangulo na dapat niyang pagtuunan talaga ng pansin, iyong greatest challenge ngayon sa kaniyang pamamahala sa bansa?
- FROILAN CALILUNG:Well, of course the greatest challenge will always be in the economic front. Siyempre galing tayo sa isang pandemya, right now we are on a rebound status, it’s still difficult. Medyo marami pang ring uncertainties, hindi lamang sa bansa natin, but in international level. So, I think he really needs to further ignite the imperatives for a good economic drive for the country to boost further our economy. And I think one of the ways that it could be done, kagaya nga ng mga programa natin ngayon for infrastructure; for the development on the countryside, marami tayong agricultural programs that are already in place.
Kagaya nga nito, nagbigay yata siya, I read somewhere, that it was an P18 million na ibinigay para sa mga fisherfolk, sa mga namamalakaya nating kababayan. I think this is really good. So ito iyong mga maliliit na mga programa o inisyatibo na tumutugon doon sa mga pang-araw-araw na pangangailangan ng ating mga kababayan. Pero ang maganda rito kasi, kasabay nito sa pagresolba dito sa mga problema ng kahirapan, kagutuman, eh hindi nakakalimutan ng Pangulo natin iyong mas malaking kinakailangang gawin para lalong paigtingin iyong ating ekonomiya – and that is trying to get foreign direct investments. Trying to get all these FDIs.
But these FDIs kasi, Aljo, will not materialized unless mayroon tayong maayos na imprastraktura, maayos na interconnectivity dito sa ating bansa at umiiral nang tama iyong tinatawag nating rule of law. So, in short, iyong mga institutional mechanisms natin, they should be all in sync and I think the President is doing a good job right now in making this possible, and delegating the task properly.
The good thing about President Marcos is that he is not really a micro-manager. Talagang he lets a good team or he leads a good team of people to actually and allows them to carry out and execute these programs para sa ikabubuti nga ng ating pamahalaan. So, I think these are some very good leadership traits that I am seeing with the President right now.
BENDIJO: Maraming salamat, Dr. Froilan Calilung, Political Analyst at Director ng Local Government Development Institute. Good morning again.
Marami pa tayong mga balita at talakayan sa pagbabalik iyan ng Public Briefing #LagingHandaPH.
[COMMERCIAL BREAK]
BENDIJO: Nagbabalik po ang Public Briefing #LagingHandaPH.
Kumustahin naman natin ang lagay ng ating mga kababayan sa mga evacuation centers na apektado pa rin ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon, pag-usapan natin iyan with Diego Mariano, Deputy Spokesperson mula sa Office of Civil Defense. Diego, good morning.
OCD DEPUTY SPOKESPERSON MARIANO: Yes po, magandang umaga po. At magandang umaga din po sa ating mga tagapakinig po.
BENDIJO: Opo. Kumusta na, sir, ang ating mga kababayan sa mga evacuation centers na apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon?
OCD DEPUTY SPOKESPERSON MARIANO: Opo, sa ngayon po ay mayroon po tayong mahigit 5,300 families na ngayon po ay nanunuluyan sa ating mga evacuation centers po natin. At sila naman po ay patuloy po nating binibigyan ng assistance at karampatang tulong po galing po sa ating LGUs at sa iba’t iba pa pong national government agencies, kasama na po ang OCD at DSWD.
Sa katunayan po, mayroon na po tayong mga mahigit 111 million worth of assistance provided na po dito po sa ating mga kababayan na naapektuhan po nitong pag-aalburoto po ng Bulkang Mayon po.
BENDIJO: Opo. Sa kanilang basic needs, sapat ba, Diego, iyong natatanggap nilang supply na pagkain at tubig?
OCD DEPUTY SPOKESPERSON MARIANO: Sa ngayon po ay sapat pa po itong natatanggap nila. Kumbaga, patuloy pa po iyong ating pag-aabot ng ating mga basic needs na kinakailangan po nila ‘no. So kasama po diyan iyong pagkain, mga hygiene kits, mga family kits na kinakailangan po nila sa kanilang panunuluyan sa mga evacuation centers po.
BENDIJO: Iyong lagay naman ng kanilang health o kalusugan diyan sa mga evacuation centers, may mga nagkakasakit na ba? At papaano ninyo tinutugunan kung may mga nagkasakit na diyan?
OCD DEPUTY SPOKESPERSON MARIANO: Opo. Ang ating DOH naman po is onboard po ‘no, pati iyong kanilang mga regional counterparts, iyong mga health division po ng kanilang mga LGUs ay nandoon po para tingnan at itsek po regularly ito pong ating mga kababayan na nasa loob po ng mga evacuation centers.
Mayroon pong nagkakasakit, ito naman po ay, kumbaga, mga minor illnesses lang po ‘no. Iyong mga nakukuha nila habang sila po ay nasa evacuation centers dahil po sa pabago-bagong panahon katulad po ng ubo, sipon at lagnat, ito po ang mga karaniwang nari-report or mga nilulunasan po ng ating mga doktor po from DOH at LGUs po.
BENDIJO: Kumusta ang mga kababayan naman natin na binabaha ngayon sa Mindanao dahil sa malalakas na pag-uulan doon?
OCD DEPUTY SPOKESPERSON MARIANO: Opo ‘no, mayroon nga pong binabaha po doon dulot po ng ITCZ po ‘no. At karamihan po ng mga naapektuhan po ng mga pag-uulan ay ang Region X po – Bukidnon at Lanao del Norte po ‘no. So mayroon po tayong isa po diyang na-report na nasawi at 11,000 families na naapektuhan po. Pero sa numero pong iyan, nasa 84 families lang po ang nasa loob po ng ating mga evacuation centers. Patuloy naman po ang pagbibigay po natin ng mga assistance. Mayroon na pong worth of two million mahigit na assistance ang nai-provide po natin ‘no.
Uulitin ko lang po ‘no, ang nasa loob po ng ating mga evacuation centers dito po sa Region X is nasa 17 families lamang po ‘no or katumbas po ay 78 individuals po.
BENDIJO: Opo. Ano pa ang mga kailangan sa ngayon ng ating mga kababayan diyan sa Mindanao? May inaasahan o may natanggap na ba kayong tulong para sa mga biktima ng pagbaha?
OCD DEPUTY SPOKESPERSON MARIANO: Opo. Sa ngayon nga po ay mayroon na nga po tayong worth two million mahigit na assistance na nai-provide na po dito sa ating mga kababayang naapektuhan naman po ng pagbabaha. So, sapat pa naman po ang assistance na binigay po ng ating mga LGUs. At kung sakali naman po, nandito naman po ang national government agencies katulad po ng OCD at DSWD para i-augment iyong mga assistance na kinakailangan po ng ating mga kababayang naapektuhan nitong pagbabaha po.
BENDIJO: Mensahe na lang po para sa ating mga kababayan, Sir.
OCD DEPUTY SPOKESPERSON MARIANO: Opo, sa ngayon po ay mayroon tayong kabi-kabilang mga disaster po ‘no, sa bulkan at pagbabaha po, ang hinihiling lamang po ng ating gobyerno is kooperasyon lamang po ‘no, na kung kinakailangan pong lumikas is sana po ay lumikas tayo. At ang kapalit naman po nito ay once na kayo po ay makipag-cooperate is aalalayan naman po kayo ng ating pamahalaan sa inyong panunuluyan sa mga evacuation centers. So, hindi po kayo papabayaan ng pamahalaan sakaling kayo po ay makipag-cooperate at lumikas po mula po sa ating mga pamamahay po.
BENDIJO: Maraming salamat po sa inyong oras, Ginoong Diego Mariano, Deputy Spokesperson mula sa OCD (Office of Civil Defense).
Samantala, tiniyak po ni Pangulong Marcos Jr. na may ikinakasa nang hakbang ang pamahalaan para magkaroon po ng dagdag-sahod, hindi lamang sa piling rehiyon kung hindi sa buong bansa.
Ito po ay sinabi ng Pangulo nang makaharap niya sa Malacañang si International Labor Organization Director General Gilbert Houngbo at iba pang opisyal sa sektor ng paggawa nitong Martes. Ayon kay Pangulong Marcos Jr., sa pamamagitan ng Department of Labor and Employment, nakipagpulong na ang kaniyang administrasyon sa iba’t ibang workers at labor groups para sa wage hike bilang pagbalanse na rin sa aniya’y inflationary pressure sa mga manggagawang Pinoy.
Kahapon, una na ring inaprubahan ang daily wage hike sa Metro Manila, at ang sabi pa ng Pangulo, kumpiyansa siyang magbubunga ng magandang resulta ang kanilang pakikipagnegosasyon para sa buong bansa. Pero habang hinihintay ito ay may social program na rin aniya ang DOLE para makatulong sa mga manggagawa at kanilang pamilya.
Pantay na pagtrato sa kapwa Pilipino anuman ang sector, pananampalataya o kasarian – ito ang isinulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nang dumalo sila ni First Lady Liza Marcos sa LGBT Pride Reception sa Palasyo ng Malacañang kagabi kasama ang iba’t ibang grupo. Iginiit ng Punong Ehekutibo na ang pagsusulong ng pantay na pagtrato sa bawat Pilipino ay bahagi ng pagbibigay-daan tungo iyan sa isang bagong Pilipinas na hatid aniya ay oportunidad, proteksiyon at pagpapahalaga sa bawat isa. Ito na ang ikalawang pagkakataon na binuksan ang Malacañang sa LGBT community; una itong isinagawa noong December 2019.
[VTR]
Maraming salamat po sa ating mga partner agency sa kanilang suporta sa ating programa at maging ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).
At dito po nagtatapos ang ating programa sa araw na ito, hanggang sa Lunes. Ako po ang inyong lingkod, Aljo Bendijo, ito ang Public Briefing #LagingHandaPH.